1 month later
J I H O O N ' S
Kakapasok ko lang sa Campus ng school nang makita ko sila Yoonbin at Jenelle na magkasama.
Ang ganda ng bungad sa akin oh hanep!
Hindi ko nalang sila pinansin kase, pake ko ba sa kanila? They have their own world kaya hindi naman nila ako mapapansin.
Pagpasok ko sa Classroom, padabog akong umupo sa tabi ni Junkyu and that cause him to flinch "Anyare sayo? Hindi ka ba binigyan ng baon ng Mama mo ha?" Tanong niya sa akin pero hindi ko nalang siya pinansin at nagcellphone nalang.
"Hoy Park Jihoon kinakausap kita" at tinapik niya ako "Bat mukhang bad mood- Oh" napatigil si Junkyu sa pagtatanong niya sa akin nang makita niya si Yoonbin at Jenelle na pumasok sa room "Kaya naman pala bad mood" sabi niya sa sarili niya at tumango tango.
. . . . .
"Gagawin niyo tong activity by pairs" sabi sa amin ni Ms. Lee "You can choose who will be your partner. The Activity will end after 15 minutes" dagdag niya.
"Pre" sabi ni Junkyu sa akin at alam ko na ang ibig niyang sabihin, kami ang magpartner sa activity ni Ms. Lee
"Ouch. Jihoon ok lang yan" biglaang sabi sa akin ni Junkyu "Bakit?" Tanong ko at nakita ko si Jenelle at Yoonbin na magpartner at halatang ang saya nilang dalawa pag sila ang magkasama.
Sana ol
. . . . .
Ms. Lee's Class has ended at Lunch na namin, sabay kami ni Junkyu na bumaba at pumunta sa Canteen. Habang naglalakad kami nakita nanaman namin sila Yoonbin at Jenelle na papunta rin sa Canteen.
"Jihoon, ok ka pa ba? Wag kang magagalit ha? Cute ako" sabi niya sa akin at tiningnan ko lang siya at naglakad "Hoy sandale!" Sigaw niya.
Nang makarating na kami sa Canteen, pumunta na kami sa table kung saan kami palaging kumakain. Nandon na sila Hyunsuk Hyung at ang iba pa kami pala ni Junkyu ang late.
"Bat kayo nalate hmm?" Tanong sa amin ni Jaehyuk pero hindi ako sumagot hahayaan ko nalang na si Junkyu ang sumagot "ito kasing kasama ko nakita ang crush niya na kasama ang transferee. Ayun nagselos" lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi naman kase yun ang ieexpect kong sabihin niya akala ko sasabihin niya na may pinagawa sa amin si Ms. Lee or something.
"Selos pala Jihoon Hyung?" Tanong sa akin ni Haruto
"tsk, hindi noh pake ko ba sa kanila?" Sabi ko at kinain ang binigay sa akin ni Junghwan na sandwich.
"Hindi daw pero kanina umaga dabog ng dabog" sabi ni Junkyu at lahat sila ay tumingin sa akin
"Yung totoo Jihoon" tinanong ako ni Hyunsuk hyung na may ngising pang-aasar"Oo na nagseselos ako, happy?" Sabi ko at tumawa silang lahat.
"Si Jihoon Hyung nasa selos stage na" sigaw ni Doyoung
"Ganyan ba pag inlab?" Tanong sa akin ni Jeongwoo
"Sana ol diba nagseselos" sabi naman ni Mashiho
"Sana ol Jihoon nagsese-" napatigil si Yoshi sa pag-aasar niya sa akin nang makita nila si Jenelle at Yoonbin na magkasama.
"Ouch" sabay sabay nilang sabi pero syempre except kay Asahi, wala kase siyang pake sa mga surroundings niya.
"Mamaya pwede ka?" Narinig namin na tanong ni Yoonbin kay Jenelle
Malapit lang naman kase yung lamesa namin sa nilalakadan nila, hindi na namin kasalanan yun kung naririnig namin silang dalawa na naguusap.
"Ewan ko, baka may practice kami eh" sabi ni Jenelle kay Yoonbin "Tanong ko nalang siya mamaya" sabi niya at ngumiti.
Di ko na napigilan ang sarili ko kaya tumayo ako at nagkunware na kakapunta ko lang sa Canteen
"Jenelle, wala tayong practice mamaya" sabi ko at bumalik na sa lamesa namin at tiningnan lang nila ako.
"What?" Tanong ko
"Bat mo ginawa yun?" Tanong sa akin ni Hyunsuk Hyung
"Sayang naman kung hindi sila makakapag-date ngayon diba" sabi ko at kumain ulit ng sandwich at umalis na sa Canteen leaving them behind,
What have you done to me Jenelle Cho?

BINABASA MO ANG
Enemies | p.jihoon
Fanfiction❝ Sa tingin mo ba kaaway parin ang tingin ko sayo? ❞ ➳ started: 08-10-20 ➳ ended: 08-27-20 Treasure series #1 © jihoonedttt 2020