1 week later
———————J E N E L L E ' S
"Jen!" Narinig kong sigaw ni Yoonbin at tumakbo siya papunta sa akin.
"Bakit?" Tanong ko kay Yoonbin
"Wala lang" at tumawa siya
Baliw talaga toh
Habang naglalakad kami ni Bin, nakita ko si Jihoon at Junkyu na naglalakad papunta din sa school. Nang makalapit kami, binati ko si Jihoon "Hi Jihoon" sabi ko at kinawayan ko siya pero di niya ako pinansin, ganyan din siya nung mga nakaraang araw eh. Di ko alam pero he's weird.
"Di ka nanaman pinansin oh" sabi ni Yoonbin habang tinitingnan sila Jihoon na naglalakad.
"Hayaan mo na" sabi ko kay Yoonbin at dumiretso na kami sa school.
"Nasan pala si Sharlene?" Tanong ko kay Bin
"Ah, di daw siya papasok ngayon. Masama daw pakiramdam" sagot sa akin ni Yoonbin at tumango ako
And again, nakita ko si Jihoon pero this time siya lang mag-isa at nakalimutan ko palang itanong kung may practice ba ngayon, next week na kase yung dance fest kailangan na namin magpractice.
"Jihoon, may practice ba tayo ngayon?" Tanong ko
"Meron" yun lang ang sabi niya at umalis na
Si Asahi na ata toh eh
. . . . .
Pumunta na ako sa bahay nila Jihoon kase nga may practice kami.
Kumatok ako at si Sunghoon ang nagbukas ng pinto "Hi Noona!" Bati niya sa akin "Hello Sunghoon nasan si Jihoon?" Tanong ko sa kanya
"Ah si Hyung, nasa practice room na nagsimula na siya magpractice kanina pa" sabi sa akin ni Sunghoon. Kaya pumunta na ako sa practice room at pumasok don.
"Hi Jihoon!" Bati ko at tumango lang siya at umupo siya
"Magsisimula na ako ha" sabi ko sa kanya at wala siyang sinagot at uminom lang ng tubig. "Um, ok sabi ko nga magsisimula na ako" sabi ko nalang at nagsimula na ako sa pag prapractice,
Kausap ko ata yung hangin eh
Natapos na ako sa pagprapractice at pawis na pawis na ako kaya nagpahinga ako at tumabi sa tabi ni Jihoon. Then, naging tahimik na yung practice room ._. Hindi talaga siya nagsasalita at ako rin kase naweweirdan na talaga ako sa kanya jusko hindi naman siya ganyan dati eh
"Um a-ano m-mag—" di ko na naituloy ang sasabihin ko nang nagsalita si Jihoon "Pwede ka nang umuwi" at lumabas na siya sa practice room iniwan ako.
Makauwi na nga
"Noona tapos na agad kayo?!" Gulat na tanong ni Sunghoon sa akin at tumango nalang ako at nagpaalam na ako sa kanya at umuwi na ako.
BINABASA MO ANG
Enemies | p.jihoon
Fanfiction❝ Sa tingin mo ba kaaway parin ang tingin ko sayo? ❞ ➳ started: 08-10-20 ➳ ended: 08-27-20 Treasure series #1 © jihoonedttt 2020