Cinco'
***
Cold's POV
"Hello there, Freyja." Sabi nilang tatlo ng sabay sabay sa akin. Nangilabot ako sa ngiting binigay nila sakin. Yung tipong ngiting may masamang balak sayo. Nakakatindig balahibo.
Napansin kong nag-iba ang lugar na kinatatayuan namen. Pero di ko ito pinansin. May nag-uudyok sakin na wag itong pansinin.
"Di mo man lang ba papansinin ang lugar na to?" Ang lugar na pinagdalhan niya sakin ay puno ng mga puno. Punong nasusunog at nasa gitna kame nun.
"Pakihanap ang pake ko." Sabi ko na lang. Nainis naman yung lalaki at nagdadabog na pumunta sa likuran ng dalawa pang lalaki.
"Ikaw na nga kumausap jan! Bwiset." Sabi niya pa sa mga kasamahan niya. Tumawa lang yung dalawa.
"Pikunin ka pa rin, Viper." natatawang sabi ng pang-unang lalaki. Mukhang illusion lang ito.
"Freyja. Kailangan ka ng mundo natin, kailangan ka ng mundong Z." Pagmamakaawa niya sakin. Mundong Z? Nalilito na ako. At isa pa.
"Sino si Freyja?" tanong ko.
"Ikaw. May iba pa ba kaming kausap dito?" sagot nung lalaking nasa gitna. In sarcastic way.
Umiling ako.
"Hindi ako si Freyja." Sabi ko sa kanila.
Ngumisi naman sila.
"Ang totoo mong pangalan ay Freyja. Anak ka ng engkantadang si-" Di ko na sila pinatapos.
"Anak ako ng mga magulang ko. At hindi ng engkantadang sinasabi niyo. At sa pangalawang pagkakataon. Ang pangalan ko ay hindi Freyja." Pagtapos kong sabihin ito ay tumalikod na ako at bumalik sa lugar ng mga kaibigan ko. Naramdaman ko namang lalapit sakin ang isa sa kanila kaya pinadyak ko ang paa ko. Narinig kong tumalsik sila. Tsk. Nagpatuloy ako sa paglakad pero napatigil ako. S-sila m-mhayjoy.... Hawak sila ng di ko kilalang tao.
"Cold..." paiyak na banggit ni mhayjoy sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanila. Bumaling ang tingin ko sa mga lalaking may hawak sa kanila at sinamaan ng tingin ang mga ito.
"Kailangan mo lang sumama samin cold." Sabi ng isa sa kanila. Sasagot sana ako pero naunahan ako ng mga ugok kani-kanina lang.
"Sa amin sasama ang Freyja at hindi sa inyo." sabi ng sinupalpal ko kanina. Yung viper. For the second time. Kingina. Pinasailalim na naman niya kame sa illusion niya. Nahuhulog kame mula sa isang building. Nakita ko naman ang takot sa limang lalaki kaya nabitawan nila sina Mhayjoy. Kaso -_- ang problema sila Mhayjoy din.
"ANO BA COLD! MAMAMATAY KA NA LANG WALA KA PA DING SASABIHIN?!" Sigaw nito sakin. Anong gusto niyang sabihin ko?
"Ahhh. Nahuhulog kame. Tulong. Ayoko pang mamatay." Sabi ko in cold voice.
"Queenina ka cold! HAHAHAHAHAHHA!" sabay tawa nila. Odiba parang tanga. Isa pa akong gago eh. Nahuhulog na ganun pa din ang boses ko. -___- Nagpalabas ng apoy ang isa sa tatlong ugok at pinatamaan ang mga lalaki kanina. Naglabas naman ng hologram shield yung mga lalaking mortal. Oh wow. Abnormal vs. Normal. Magic vs. High Tech. Tss. Kinuha ko ang kamay ng dalawa at sabay na umalis sa illusion na yun.
"Memoryang tumatak sa isip, ika'y umalis, wag ng gambalain, at lalong guluhin, isip ng mortal na ito, sa kanilang normal na buhay. Alisin pati, Ang alaalang ako'y kasama. Wag ng babalik, memorya nila. Ibalik ang buhay sa dati." Sabi ko. Biglang umilaw ang dalawa at maya maya pa ay nawala sila. Napangiti ako ng malungkot.
"Mamimiss ko kayo." Bulong ko sa sarili ko. Umalis na ako sa lugar na yun at bumalik sa dorm ko. Andaming nangyare sa araw ko ngayon.
Pagpasok ko pa lang sa kwarto napahiga na ako. At unti unting nakatulog.
BINABASA MO ANG
FREYJA: The Curse ♛(Soon)
FantasíaFREYJA: The Curse Isang sumpang nagpabago sa buhay niya. Isang sumpang nagbukas ng nakaraan sa kanya. Isang sumpang nagbago sa kanya. Si FREYJA. Babaeng matapang, walang kinatatakutan, at palaban. Sa mga katangiang to nakatago ang Freyja na maalala...