Tres'

48 2 0
                                    

Tres'

***

Pagkalabas ko galing dorm nabigla ako kaya di ako naka-iwas agad. Hinampas lang naman po ako ng malapad at sobrang kapal na dos por dos. Napaluhod ako sa sakit na naramdaman ko. Hinampas niya ako sa tiyan kaya namimilipit ako sa sakit.

***

3rd Person's POV

Hinampas ulit siya sa likod kaya napahiga siya sa sahig. Pagkatapos nun ay sinimulan na siyang tadyakan ng mga kalalakihang inutusan ng TLC para bugbugin si Cold. Sinipa siya sa tagiliran at maririnig mo ang pagbali ng buto nito sa parte ng katawan niya.

Nang tumigil na ang mga lalaki na nasa bilang na lima ay tumalikod na sila at nagsimulang maglakad palayo. Naiwan ang walang kalaban laban at kawawang si Cold.

Pero yun ang akala natin.

Tumayo siya at paika-ikang naglakad papunta sa limang lalaki. Pumikit siya at sa isang iglap ay nasa harap na siya ng mga lalaki. Nagulat ang mga kalalaki at naghanda na ulit sa muling pagbugbog kay Cold. Pero natigilan sila nang tumayo ng maayos si Cold. Tiningnan lang sila ng walang emosyon.

Nanlaki ang mata ng lima at bigla silang tumalsik sa kabilang dulo ng palapag na yun. Habang namimilipit sila unti-unti namang lumapit si Cold sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ng lima at takot na takot silang nakatingin sa babaeng unti-unting lumalapit sa kanila. Ni hindi sila makagalaw mula sa lugar nila. Nakatitig lang sila sa mata nitong mula sa itim ay naging Light Blue. Ang buhok na mula sa itim ay naging Light Pink. Ang lupet ba?

Napanganga naman ang mga lalaki. Nasa harapan ang totoong dyosa. Pero agad din itong napalitan ng takot at kaba. Dahil gaano man kaganda ang dyosang nasa harapan nila ay panigurado silang katapusan nila iyon.

Agad namang lumabas ang baby lion ni Cold na si Yupi at patakbong pumunta kay Cold. Mapapansin na habang palapit ito ng palapit ay lumalaki ito. Nilapa ni Yupi ang limang lalaki at walang tinira ni dugo ng mga ito. Tsaka ito tumingin sa amo. Tumango lang ang dyosa at hinimas ang ulo ni Yupi tsaka ito bumalik sa dati nitong laki. Nawalan ng malay si Cold kasabay ng pagbalik ng dati nitong anyo. Hinila ni Yupi ang amo papunta sa dorm nito kasabay ng pagkakita ni Axle sa babae.

***

Axle's POV

Nakita ko si cold na- ok! I do some research about her. Kung kinakailangang bayaran ko ang registration office gagawin ko to find something about her. So yun nga nakita ko siyang hinihila ng alaga niyang si Yupi pabalik sa dorm niya. Pero nagulat ako ng makita kong puro pasa ang mukha niya at puro dugo ang uniform niya. May bali pa siya sa paa niya. Cold... Anong nangyari?

Kahit na takot sa baby lion niya nilapitan ko siya para suriin ang mga sugat niya. Tiningnan ko ang lion niya na parang tinatanong kung anong nangyare. Napanganga ako ng biglang nagalit ang itsura ng lion na parang kakain na pero napalitan ito ng itsurang paiyak na. Binuhat ko si Cold papunta sa dorm nito. Hinayaan lang ako ni Yupi.Inilapag ko siya sa kama niya at kumuha ng planggana na may maligamgam na tubig at malinis na towel. Pagbalik ko sa kama niya gising na siya. Nakatitig lang siya. Same as usual. Walang emosyon.

Ngumiti ako sa kanya at inilapag ang planggana sa tabi ng kama. Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi ng kama niya.

"What the hell?!" Sigaw ko. Tinititigan niya ako na parang nagtataka pero wala pa ring salitang lumabas sa bibig niya.

"Y-yung mga pasa m-mo! Gumagaling mag-isa!" Ugh. Nakakatanga ba? Gumagaling mag-isa yung mga pasa niya for fvcking pete's sake! Dahell is happening?!

Napabangon naman siya at tinawag si Yupi.

"Yupi, yung salamin." Agad namang kinuha ni Yupi ang salamin at binigay kay Cold. Ako? Eto nakatulala pa din at nakatingin lang sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya sabay nanlaki yung mata niya. Ang cute *o* Hahahahaha.

FREYJA: The Curse ♛(Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon