A GROUP ACTIVITY ON THE SECOND DAY
"Nakakaloka ka Ali ah. I told you to send me a text message kagabi pag nakauwi ka, but you didn't"
Pagkaupong pagkaupo ko sa loob ng silid ay talak kaagad ni Michael ang maririnig. Sabagay, it is my fault why he is whining like a child right now. Kung bakit ko ba kasi nakalimutang i-text siya kagabi. Hay naku Alodia!
I breathe in and out bago ito harapin, "sorry.. nakatulog kasi ako kaagad" well, that's partly true. Pagkadating ko sa apartment ay diretso higa kaagad ako.
Michael went silent for a moment at maya maya pa ay napabuntong hininga habang nakatingin sa akin. "Fine.. just don't do that again next time. Pinag-aalala mo ako eh."
Aww, that's sweet. Kahapon lang kami nagkakilala pero napaka-concern niya na sa akin. I think I'm lucky that I met him.
Tumango ako dito bilang sagot. Hindi na nasundan ang pag-uusap naming iyon dahil pumasok na ang professor namin sa unang subject. May dala dala itong manila papers and markers.
Hindi sinasadyang napadako ang tingin ko sa upuan ni Jacob. Bakante pa iyon, samantalang naroroon naman na sila Zero at ang iba pa niyang mga kaibigan. Bakit kaya wala pa yun? Second day pa lang ng mag-umpisa ang klase, late na kaagad siya sa pangalawang araw. May pagka-pasaway din yun ah. Napailing iling na lang ako sa naisip kong iyon.
"Good Morning class. For today we are going to have an activity------" Professor Ben was interrupted nang biglang sumabat si Zero
"WHAT?" eksaheradong sigaw nito. I don't know pero mukhang may saltik itong si Zero. Kung hindi lang pogi itong si Zero ay unang araw pa lang pinagkamalan ko na siyang may topak.
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Prof. Ben sa inakto ni Zero. He massaged the tip of his nose before talking, "Mr. Akihiro do you want to be mark absent today?"
Itinaas ni Zero ang dalawang kamay na para bang sumusuko, "I surrender. I surrender boss, este Sir"
The girls in class giggled while me, I was confused for a moment dahil wala namang nakakatawa dun sa sinabi niya. Perks of being famous nga naman.
"Since it's only the second day, I will give you the chance to group yourselves into 7. You are all 42 so I'm going to expect 6 groups." He looked at his wristwatch, "I'm giving you 3 minutes to do that. Time starts now"
3 minutes? Can we find group mates during those 3 minutes?
Lilingunin ko pa lang si Michael para tanungin kung kanino kami makikigrupo but I already heard Zero screaming my name pati na rin ang pangalan ni Michael.
"MICHAEL AND ALODIA, DITO KAYO SA AMIN!" he even have the guts to wave his hands sa amin. Napatingin tuloy ang buong klase sa direksyon namin causing us to gather a lot of attention.
I thought Michael is going to hissed and be irritated dahil sa pagsigaw ni Zero, pero ang bruha tuwang tuwa pa. And worse is that he even yelled back. "COMING!"
Hindi pa man ako nakakapag-desisyon kung makikigrupo sakanila ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa tabi ni Benedict, samantalang si Michael naman ay tumabi kay Zero.
If only looks could kill, malamang dead on the spot na si Michael sa mga matatalim kong titig sakanya ngayon. But he doesn't seem to mind dahil nagawa pa ako nitong kindatan.
"Isa na lang kulang satin. Do you have any suggestion guys kung sinong idadagdag natin sa grupo?" Zero asked us habang lumilibot ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel (LIPS series #1)
Teen Fiction"You have the lips that every man would die to taste, love" -Jacob Fajardo