Chapter 3

43 7 0
                                    


Nanatili ang katahimikan samin habang kumakain.

"Ay, Yana asan pala sila tita at tito?" Pag-basag katahimikan ni Stell.

"Umalis." Tipid kong sagot.

"Saan daw nagpunta?"

"Mamimili daw."

"Ah okay." Aniya at bumalik sa pagkain.

Cringggggggg! Unknown number daw. Sino kaya 'to?

"Excuse lang muna guys, may tumatawag." Pag papaalam ko sa kanila.

"Go"-Sejun

Ngumiti na lamang ako atsaka lumakad papalayo habang kausap yung nasa kabilang linya.

[Hello po?] Panimula ko palang.

[Uhm hello po, kayo po ba si Ms. Ariana San Diego?]

[Yes po, sino po sila?] Kaylangan neto sakin?

[Ay ma'am, anak po diba kayo ni Mr. and Mrs. San Diego?] Kinakabahan na ako dito.

[Opo, bakit po?]

[Police po kami nakita po namin ang labi ng mga magulang nyo dito sa *****highway.] Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marining ko ang sinabi ng nasa kabilang linya, di pwede 'to hindi pa patay sila mama at papa.

This can't be happened.

Di pwede, NO!! NO!! NO!!

Mama, papa.

[Ma'am?]
[Ma'am update nalang po namin kayo.]

[Sige po. Salamat po.] Agad kong pinatay ang tawag dahil di ko na mapigilan ang humagulhol.

Napa upo nalang ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko dala ng pag-iyak.

"Mama! Papa! Bakit nyo kami iniwan ni Ate?" Pag sigaw ko habang patuloy pa din ang pag-agos ng maiinit na luha sa aking mga pisngi, nanginginig din ang boses ko habang sumisigaw.

"Oy anong nangyare bakit humahagulgol dyan?" Nag aalalang tanong ni Josh sakin, tumigil yung apat sa pag kain at tsaka nagtungo sa amin ni Josh.

"Sila mama..." Sabi ko habang patuloy pa din sa pag iyak.

"Ano? Anong sila tita?" Naguguluhang tanong ni Ken.

"Wala na sila." Sabi ko at nagwala ulit.

"Tama na Yana, walang mangyayari kung magwawala ka lang dyan." Tama sya—walang mangyayari kung magwawala lang ako dito.

Agad nila akong niyakap ng mahigpit.

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap yakap sila.

Sa mundong, ito hindi mananatiling nandyan ang lahat para sayo, hindi lahat mags-stay.

Kahit ano o sino man yan mawawala din yan.

Ang mga taong nandyan simula ng isilang ako hanggang sa paglaki ko nandyan sila sa unang pagbigkas ko ng salita, sa unang pag tawa at ngiti ko, sa unang iyak ko, sa unang pag hakbang ko, sa unang pag sabit ng medalya sakin, at sa unang pag pasok ko sa skwelahan nandyan sila, pero ngayon wala na sila, sumakabilang buhay na.

"Wag ka ng umiyak prinsesa nami." Sabay sabay nilang sabi sakin, nagagalak ang puso ko na nakilala ko ang limang prinsipe na ito, lagi silang nandyan na tuwing may problema ako, sila ang kasama kong lumaki simula nung limang taon pa lamang ako.

Salamat sa inyo mga Ginoo.

Kumalas na ako sa pagkakayap namin at tsaka pinilit ang sarili na hindi umiyak.

"Oh sige na, tatawagan ko muna si Ate."

Oo may ate ako pero maaga syang nagkapamilya. Simula nung magkapamilya sya bumukod na sya samin.

•|Calling Ate Nathalie|•

[Hello bunso, napatawag ka yata?]

[Hello ate.] Di ko na talaga napigilan humagugol ulit, di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

[Oh bakit ka umiiyak, may problema ba?]

[Ate sila Mama.]

[Anong sila Mama?]

[W-wala n-na.] Utal kong sabi habang umiiyak padin.

[Nako Ariana, di magandang prank yan.] Di makapaniwalang sabi ni Ate.

[Ate di ako nagbibiro.]

[Di totoo yan, Ariana.] Rinig ko din ang paghikbi nya sa kabilang linya.

[A-ate t-totoo lahat n-n-ng sinabi k-ko.]

Di na sya nakasagot pa dahil humagulhol nalang sya, maging ako din di ko na nagawang ibaba ang tawag dahil napahagulhol nalang din ako.

Bakit kasi sila mama at papa pa?

Alam kong lagi silang nag aaway pero bakit sila pa?

•|To: Ate Nathalie|•

Ate umuwi ka na muna dito satin, isama mo nadin yung mga anak mo para sabay na tayong pumunta kung nasaan ang labi nila mama at papa para nadin magkasama man lang tayong apat nila mama sa huling sandali.

__________

•|From: Ate Nathalie|•

Bukas na kami makakapunta dyan, bunso.

___________

•|To: Ate Nathalie|•

Hihintayin kita, Ate.
_____

"Halina binibini." Nagulat na lamang ako ng biglang nagsalita si Josh mula sa aking likod, agad naman akong humarap.

Inilahad nya ang kanyang kamay kaya't di na ako nagdalawang isip pa na abutin ang aking kamay, inalalayan nya ako sa bawat hakbang ko, pinag buksan naman ako ng pinto ni Justin, papalapit na din kami sa sasakyan nagulat ako ng pagbuksan ako ni Ken ng pinto ng sasakyan, si Stell naman ang umalalay sa akin papasok na sasakyan.

"Aming prinsesa, humanda kang kalimutan ang lungkot na namumuo sa puso mo." ani  Sejun

Bakit ganito?

Napaka babait nyo mga Ginoo. Bakit handa kayong ibigay ang lahat sumaya lang ako? Nagagalak ang puso ko na nakilala ko kayo mga ginoo, simula bata palang nandyan na kayo. Kayo ang kasama ko—kayo ang nagpupunas ng luha ko sa tuwing pumapatak ito. Mga mabubuting tao kayo sana ay hanggang sa huli tayo pa din ang mag kakasama.

"Saan tayo pupunta?"

"Secret." Sabi ni Stell sabay ngisi sa akin, napaka gwapo naman ng lalaking 'to.

"Aba! Bakit may pa secret secret pa?" mga lokong 'to, bakit may secret?

"Manahimik ka na lang kung ayaw mong maging karne." Sabi ni Ken sabay takip sa bibig ko, nasa likod ko kasi sya. Ang baho naman ng kamay na 'to.

"Hoy!! Tanggalin mo yang kamay mo sa bibig ng Ate Yana ko." Aba himala Justin at tinawag mo akong ate.

"Justin may sinasabi ka ba?!" Sabi pa ni Ken, hahaha kawawa na namn yung bunso namin.

"Hoy po! Paki bitawan po yung ate ko hehe." Naku Jah.

Parang kapatid ko na din 'tong mga 'to eh.

Fell in love with my Bestfriend || Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon