Chapter 16

13 5 0
                                    

Ang simple ng birthday ni Jah. Yung tipong hindi sya ganun ka-bongga di din ganun ka boring tapos di din ganun kadami yung mga tao na pumunta.

Simpleng selebrasyon lang ito pero masaya.

Andito kami ngayon sa kwarto ni Jah. Nakasanayan na din namin na tuwing mag i-imbita ang isa saamin sa kwarto kami magsasaya, kakain.

"Jah, regalo ko oh" Sabi ni Sejun sabay abot ng maliit na regalo kay Jah.

"Eto naman akin" Sulpot ni Josh na kakagaling lang sa labas.

"Oh ayan para sayo galing kay Teytay Man" Sabi naman nitong si Stell. Ang cute nyang lalaki.

"Para sayo" sabi ko naman kay Jah saka inabot yung paper bag sa kanya.

"Teka! Kukunin ko muna yung akin sa sasakyan" Kahit kaylan iba ka talaga Felip!

Nagtawanan silang lahat kasi naman nagmamadaling tumakbo si Ken palabas ng kwarto haha!

Sila Tita Gema nag aasikaso dun sa mga bisita ni Jah. Di na din ganun kadami yung mga tao dahil nag uwian na ang iba.

"Hoy Justin!" Hingal na hingal na sulpot ni Ken, akala mo naman ang layo ng tinakbo hahaha!

"Hingal ka na nun? Parang anlayo ng tinakbo mo dre..."

"Bahala ka di ko 'to ibibigay sayo" nag hahabol hiningang sagot ni Ken kay Jah.

"Joke lang eto naman di mabiro, akin na yan!"

"Oh iyo na" ani Ken sabay hagis nung regalo nya kay Jah.

________

Kakauwi lang namin galing kina Justin.
Kapagod ngayong araw, nag inom din kasi sila eh. Ako ayoko uminom.

Tulog na sila ako nalang gising samin, pati mga bata tulog na din. Dun ko pinatulog yung boys sa kabilang kwarto mabaho eh amoy alak haha!

Nagsusuklay ako ng may biglang humatak sa bewang ko mula sa likod, amoy alak. Hiniga nya ako sa kama atsaka tinitigan ng mabuti.

"J-josh..." Mahinang bulong ko. Di na ako nakapag salita pa ng bigla nya akong halikan

Ayokong gumanti pero bakit? Bakit ganyan ka? Makisama ka naman sakin ngayon katawan ko.

Di ko na talaga napigilan. Ewan ko gumaganti ng halik yung sarili ko. Nadadala ako ng init ng katawan nya. Alam ko hindi 'to tama pero bakit? Anong nangyayare sakin?

Kinapa nya ang likod ko, tila ba hinahanap ang hook ng bra ko.

"Tita..." Bungad samin ni Cyrile na may dala dalang stuff toy kaya agad kaming napabalikwas sa pwesto namin. Gumulong si Josh dun sa ilalim ng higaan ako namn lumapit kagad kay Cyrile

"Bakit bunso?" Lumuhod ako para pantayan sya.

"Hindi ako makatulog sa room namin." Sagot nito habang kinukuskos ang kanang mata nya. Napalingon ako kay Josh ayun naka-upo na sa higaan.

"Bakit naman?" Balik ko kay Cyrile.

"Eh kasi natatakot ako."

"Saan?"

"Sa aswang." Sabi neto habang nakatitig sa mga mata ko. Pfft asawang? Bahagya kaming natawa ni Josh pero pinigilan naming tumawa sa harap nung bata haha!

"Oh sya dito ka na matulog sa tabi namin ah." Sabi ko at saka sya inakay papuntang higaan.

"Mag shower ka na muna dun" Sabi ko kay Josh, sure ako dito na yan matutulog sa kwarto ko kaya pinag-linis ko na sya ng katawan ambaho nya eh amoy alak.

"Tita! Tita! Wakeeeee upppp" Panggigising sakin ni Cyril, kahit kelan talaga.

"Oo na" Sagot ko dito para tumigil na, kanina pa nya kasi ako nililikot dito e.

"Kuyaaaa Joshhhh wakeee uppp!" Kay Josh naman sya ngayon. Ano ba kasing meron at ganto 'to?

"Teka nga Cyril, ano ba meron?" Ako.

"Eh kasi po tanghali na" Sabi neto sabay kamot ulo

"Ah ganun sige" Sabi ko nalang tsaka tumayo at nagtungong cr para maghilamos.

Hanggang dito sa cr rinig ko pa din panggigising nya kay Josh.

Tapos na naman ako maghilamos kaya lumabas na ako. Bungad sakin si Josh na nakatitig saakin.

O_O naalala ko kung kagabi O_O oh no balik sa cr Yanaaaaa! Nakakahiya yung kagabi.
Napatakip ako ng muka tsaka humabang pabalik ng cr.

"Bakit kase Yana nag padala ka kagabiiiii!" Sabi ko sabay sinabunutan ang sarili.

"Hoy Yana! Labas na dyan ako naman maghihilamossss!" Rinig kong sigaw ni Josh. Goshhh parang wala lang sa kanya.

Pero okay lang dahil wala naman talaga nangyari kagabi.

"Oo naaa!" Sigaw ko tsaka lumabas ulit.

Dumiretso na ako sa sala nakakahiya naman kasi.

"Cyrilll! Babana dito!" Sigaw ng Mama nya.

"Opo ma" Tugon nito.

"Ken, pagtimpla mo 'ko ng kape" Utos ko kay Ken.

Hmmm, ang bango naman ng ulam.

"Sino nagluto?" Tanong ko sa kanila, for sure si Stell nagluto nito.

"Ako tsaka ate mo" Sagot ni Stell.

"Aw oki" Sabi ko at nag thumbs up.

"Oh ayan na kape mo" Padabog na sulpot ni Ken.

"Dinadabogan mo na ako ngayon?" Pabiro kong pagtataray dito.

"Di naman" Aniya sabay talikod saakin at nagtungo sa pwesto nya.

"Anong meron?" Sulpot ni Josh. Halatang kakaligo nya lang, matagal tagal din sya bago lumabas ng kwarto.

"Hoy ikaw, bakit dun ka natulog sa kwarto ni Yana?" Sabi ni Jah at inakbayan si Josh.

"Takot daw sya eh, may mumu daw" Sagot ni Josh saka tumingin sa direksyon ko. Umupo din sya sa harap ko.

Inirapan ko na lang sya bilang sagot sa gawa-gawa nyang kwento.

"Kumpleto na?" Ate.

"Yes po" Sagot ni Nathan sa kanya.

"Ken, lead the prayer please" Sabi ni ate kaya naman tumungo kami at ipinikit ang mga mata.

Natapos magdasal si Ken at nagsimula na din kaming kumain.

Kahit kelan talaga ang sarap ng luto ni Stell, mas lalo pang sumarap dahil katulong nya si Ate sa pagluluto.

Natapos at natapos kaming kumain nililikot pa din ako netong si Josh.

"Ano ba kasi, ang gulo mo" Bulong ko dito sabay tulak, ayon subsob kay Sejun. Nasa harap nya lang kasi yun eh.

Hala sya, ang sama ng tingin ni Sej sa kanya wahhh!

Sejun ayoko madamay ha.

"D-di ako yon, tinulak ako ni Yana" Pagpapaliwanag nito saka nagtago sa likod ko.

Nako Josh wag ako, takot din ako kay Sejun alam mo yan.

Tinitigan ko si Sejun, para syang si kuya Cyrone nung may binabalak sya sakin. Di ko napigilan lumuha na ako at niyakap si Josh.

Naaalala ko yung mga nangyari nung time na yun. Nakakulong na sya, inaasikaso na nila ate para di na sya makalaya pa subalit nasa akin pa din ang alalang ginawa nya.

Kahit anong gawin nya hinding hindi mawawala sa isipan ko ang binalak nyang gawin.

"Yana" Mahinahong bulong sakin ni Josh ramdam ko din na lumapit sila sa direksyon namin.

"Bakit dre, anyare dyan?" Pag-aalala ni Stell.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya, pinunasan ko na din.

"Wala, okay lang ako" Inunahan ko na si Josh sa pagsagot para di na sila mag alala.

"Lagot ka Sejun, pina-iyak mo si Yana" Pagbiburo ni Ken sa kanya.

"Lolo mo pinaiyak" Aniya sabay irap.

Fell in love with my Bestfriend || Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon