Chapter 9

15 6 0
                                    

Hay nako ano kaya nanaman lulutuin ko....makapag adobo na ngalang ng manok!

Habang nagluluto ako biglang may yumakap mula sa likod ko paglingon ko si Josh....aba napaka lande netong lalaking toh di namn nya ako gusto

"ako na dyan, maghanda ka na lang para sa pag alis nyo mamaya" sabi neto

"oh sya ikaw na dyan" sabi ko sa kanya atsaka inalis ang pagkakayakap nya sakin

"HOY LANDI NYO WALA NAMAN KAYONG LABEL!" hala sya Jah walang malisya toh mag kaibigan kami simula bata ginagawa na namen ang mga gantong bagay

Di na ako nag abalang sumagot sa kalokohan ni Jah hay nako

Pumunta muna kami ni ate para pagusapan ang mga bagay bagay na importante

"ate" pag tawag ko dito dahil nanonood sya ng tv

"oh Yana"

"ate pwede bang maka usap ka kahit saglit lang"

"ahh sige... Mga anak manood lang kayo dyan ah may pag-uusapan lang kami ni tita nyo" sabi nito atsaka gunulo ang buhok ng dalawang bata hay naku ang c-cute nila

"oh anong pag-uusapan natin" sabi nito ng makalapit sakin

"dun muna siguro tayo sa likod ng bahay ate" sabi ko dito

"ahh Stell kayo muna bahala sa mga bata ah" bilin ko kay Stell dahil sya ang kasamang manood ng mga bata

Nagpunta na kami dun sa likod ng bahay at umupo sa bench

"oh ano na"

"ah ate tungkol nga pala dun kila mama at papa"

"a oo nga pala diba pupuntahan natin yung morgue mamaya" sabi nito bakit parang hindi sya nalulungkot para kila papa o sadyang ayaw nya lang nakikita sya ng mga anak nyang nalulungkot sya

"yon na nga ate baka di ako makasama sa morgue" sabi ko at mangiyak ngiyak na dahil baka hindi ko kayanin na makita sila mama ng ganun.

"b-bakit?"

"eh ate baka hindi ko kayanin" di ko na talaga napigilang umiyak dahil naalala ko nanaman sila.

"Yana kakayanin natin toh okay para kila mama at papa Yana diba matatag tayo." Sabi nya at niyakap ako maging sya ay lumuluha na din.

Kakatapos lang namin kumain kaya naghahanda ako liligo na din ako maya maya

.......................

"Ate tara na!" sigaw ko dahil sya nalang hinahantay ko

"oo na!" sabi nito atsaka lumabas sa kwarto nya

"dali"

Lalabas na sana kami ng biglang sumigaw si Josh

"hoyyy hintayyy" sabi nito atsaka tumakbo patungo sa direksyon namin

"oh ba't ganyan suot mo san gora mo" sabi ko dito atsaka tinignan sya mula paa hanggang ulo

"sasama ako baka himatayin ka dun eh" sabi nito ng hingal na hingal ba't sya hinihingal

"hoy ba't ka ba hinihingal parang mula kwarto hanggang pinto lang tinakbo mo ah" sabi ko at medyo natawa

"ikaw ba namn magmadalian" sabi nito atsaka ako inirapan

"kung dukutin ko kaya yang mata mo para di ka na iirap sakin"

"ehem tara na po" singit ni ate atsaka umubo ng peke jusmeyo kasi si Josh aba

"oh tara na" sabi ko atsaka nagpunta sa sasakyan at pumwesto bali nasa si ate nasa front seat tapos si kuya Cyron nag d-drive tapos magkatabi kami ni Josh

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Josh yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya lumingonndin sya sakin kaya nagtama ang mga mata namin kita ko ding sumilay ang malawak na ngiti nya atsaka ako kinindatan nyyaayyy kinikilig ekeee

Landi ko noh

Nag iinit ang pisngi ko ngayon mga besss umakyat yata lahat ng dugo ko sa pisngi ko dahil pakiramdam ko pulang pulang ako ngayon kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya ngunit bago ko ito maalis muli nyang sinakop ang mga kamay ko

......

Inaantok na ako medyo malayo yung morgue na yun dito eh ewan ko ba ba't dun na punta sila mama.

"Yana gising na!" rinig kong sabi ni Josh dahilan para imulat ko ang mga mata --pero whatt kaninong balikat toh at pag tingin wahhh!! Kay Josh

"a-ah sorry nakatulog ako sa balikat mo" sabi ko dito atsaka inalis yung kanan kong kamay para mag peace sign dahil hawak nya toh pero bakit ganun ayaw nyang pakawalan ang mga kamay ko siguro kanina pa nya toh hawak

"J-josh yung kamay ko oh" sabi ko dito pero wala lang sa kanya di nya binitawan

"ganto lang tayo"

"per--"

"papayag ka o hahalikan kita"

"sabi ko nga gan--" wuttt kaninong labi toh wag nyong sabihin na kay Josh toh ah

"ahhhmm pwede namn sigurong both diba" sabi nito atsaka ngumiti aba loko

Hoy Josh!! Bakit mo toh ginagawa alam kong may mahal kang iba pero bakit?  Anong ginagawa mo?!

Alam kong alam mo na mahal kita at alam ko din na may mahal kang iba pero bakit? Bakit mo ito ginagawa kung gayun ay may mahal ka ng iba?

Josh papano ko pa pipigilan ito kung ganyan ka?

"J-Josh" sabi ko dahil di ako maka paniwalang ginawa nya yun dahil may mahal na nga syang iba!

"masarap diba?" sabi pa nito na medyo natatawa kaya kinurot ko ito gamit ang isa kong kamay

"masarap mo muka mo" sabi ko sabay irap hay nako!!!! Pero inaamin ko kinilig ako dun wahhh ang sarap din pramis ang lambot ng labi nya wahhh!!!

"tara na nga" sabi ko dahil for sure namumula ako ngayon

Pero pag labas ko ng sasakyan biglang nanghina ang tuhod bakit ganito nasa harap pa lang ako ng morgue pero ba't ganto pano pa kaya kung nakita ko na talaga ang labi nila mama

"Yana kaya mo yan! Diba dapat maging matatag para sa kanila sabi ni Josh kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nya

Tumango na lang ako atsaka bumuntong hininga bago lumakad
"kaya ko ito kakayanin ko para sa kanila" bulong ko sa sarili ko atsaka unti unting lumakad papunta sa pinto ng morgue.

Fell in love with my Bestfriend || Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon