Chapter 6

21 5 0
                                    

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din ako makatulog may kung anong bumababag isipan ko bumangon ako para magtimpla ng gatas baka sakaling makatulog ako nagtungo ako kusina

Habang ako ay nagtitimpla ng gatas na aking iinumin may tuwag sa pangalan ko

"Yana!" boses ito ng babae parang narinig ko na ang mga boses na ito

Nag palinga linga ako sa paligid ngunit wala akong nakitang sino man sa tingin ko ay isa lang itong ilusyon tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag t-timpla ng gatas

"Yana!" pag tawag ulit ng boses na narinig ko kanina boses ng babae na pamilyar sa akin

Nakakangilabot dahil wala naman akong nakikitang ibang tao dito miski anino man lang ay wala

"Sino ka? "Nasan ka? Mag pakita ka sakin kung sino ka man" sabi ko at nag palinga linga ulit

"Yana nandito ako" ani nito kaya lalong tumindig ang balahibo ko ramdam ko ding bumibilis ang tibok ng puso ko

"Wala akong makita! Sino ka ba talaga? Anong ginagawa mo sa bahay ko? Mag pakita ka!" sigaw ko ng may nanginginig na boses at unti unti nading tumutulo ang luha ko dahil sa takot

Naeengkanto ba ako?

"Di na mahalaga yun Yana mas mahalaga ang mensahe na dapag mong malaman" aniya kaya lalong akong nangilabot dito lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kayang sinabi

Mensahe? Galing kanino? Tungkol saan?

"A-anong mensahe? Para kanino? Tungkol saan?" sunod sunod na tanong ko dahil di ko na alam ang nangyayari

"bago ang lahat kaylangan mo muna akong makita upang masabi ko ang lahat sayo Yana" sabi nito ngunit pano ko sya makikita

"P-pano kita m-makikita?" sabi ko ng may halong takot

"pumunta ka sa salamin ng inyong sala makikita mo ako doon" sabi nya kaya napabuntong hininga ako at nag punas ng luha atsaka lakas loob na pumunta sa sala at hinarap ang salamin

Tama nga sya nakita ko ang reflection nya sa salamin nasa likod ko sya ngayon nakasuot ito ng purong puti na dress nakalugay din ang buhok nitong mahaba, maganda sya

"S-Sino ka? B-bakit ka nandito" sabi ko dahil hanggang ngayon di ko parin alam ang sadya nya dito

"Wag mo ng alamin Yana" aniya lalo akong nagtaka dahil kanina pa nya binabanggit ang pangalan ko pano nya nalaman yon

"Bakit mo alam ang pangalan ko ha" sabi ko at humarap sa kanya ngunit pag harap ko sa kanya wala nanaman akong makita kahit anino man lang

Pinag lalaruan ba ako ng mga kakaibang nilalang

"tanging sa reflection ng salamin mo lang ako makikita Yana kaya humarap ka na ulit sa salamin at makinig sa bawat katagang sasabihin ko at ang bawat katagang iyon ay isasa-ulo mo" sabi nito kaya natahimik ako at humarap muli sa salamit totoo nga sa reflection ng salamin ko lang sya makikita

"Yana pumanaw na ang 'yong mga magulang kaya't kaylangan mong maging matatag para sa kanila at para mabuhay ka, Yana wag mong kalilimutan na mahal na mahal ka ng yong mga magulang, binabantayan ka nila ngayon at sa habang buhay. Yana iyan ang nais iparating na mensahe ng yong mga magulang" sabi nito bakit nya alam ang pag kawala ng mga magulang ko

"Sino ka ba talaga?"

"Yana isa pang mensahe mula sa akin" di na nito sinagot ang tanong ko

"A-ano yon?" takang tanong ko dito

"nais kong ingatan mo si Josh alam kong mahal mo sya at alam kong mahal ka din nya kaya ingatan mo sya wag mong hayaan na mawala sya sayo wag mong hayaan na maagaw sya ng iba Yana, wag kang tutulad sakin na hindi pinahalagahan ang pag mamahal ni Josh Yana, mahal ka din nya kaya wag mong piliting pigilin ang nararamdaman mo nangangako ako. Hindi ka masasaktan ng dahil sa Kanya, Yana mangako ka na ipaglalaban mo sya at iingatan mo ipangako mo yan sakin" p-pano nya nalaman ang tungkol sa nararamdaman ko kay Josh

"P-pano mo nalaman yon, anong koneksyon mo kay Josh?"

"Ex-Girlfriend nya ako" tanging sambit nito

"Ano ba talaga ang ngalan mo?" sabi ko at muling humarap sa kanya pero wala nga ito

Muli akong humarap sa salamin at nandon sya

"Yana ipangako mo ha" sabi nya at ngumiti

"Sino ka ba talaga ha?!" tanong ko sa kanya ngunit bigla itong nawala

Tahimik akong umiyak dahil sa takot kagat kagat ko din ang mga daliri ko habang unti unting humahakbang patungo ng kusina

Pag dating ko sa kusina agad akong napahagulhol atsaka naglupasay sa sahig

Anong nangyayari napaglalaruan ba ako? Sino ba talaga sya? Anong koneksyon nya sakin at sa pamilya ko?

•Josh POV•

Nagising dahil may naririnig akong sumisigaw pero binalewala ko lang yon dahil baka sa kapit bahay lang na naka kita ng ipis kaya natulog na lang ulit ako

"Wahhhh napaglalaruan ba ako anong nangyayare sakin!!!!" rinig kong sigaw mula sa kusina teka boses yun ni Yana ah pag harap ko sa pwesto ni Yana wala sya dun kaya agad akong tumakbo papunta sa kusina at confirm sya nga yun

"Yana!!" sigaw ko ng makita ko sya na naglulupasay at sumisigaw habang umiiyak

"Josh!!" sabi nito ng makita nya ako atsaka tumakbo papunta sa akin ganun din ako

"Joshhhhh!" sabi ni atsaka niyakap ako

Anong nangyare sa kanya? Bakit parang takot na takot sya?

"a-anong nangyare Yana"

"Josh!" pangalan ko lang ang nasasabi nya

Bakit ganito anong nangyare sa mahal ko

"anong nangyare sabihin mo sakin"

"Josh sino sya? bakit nya ako kilala pano nya nalaman ang tungkol sa buhay ko?" sunod sunod na tanong nya habang nakayakap pa din sa akin at ang mukha nya ay nakasubsob sa dibdib ko ramdam ko ding basa na ang damit ko dahil sa luha nya at ako naman nakayakap sa Kanya habang hinagod ang kanyang likod

"Sinong sya?" maging ako ay naluluha na din dahil di ko kayang nakikitang ganito ang mahal ko

"Sya" tanging sambit nito

"S-sino nga sya" sabi ko at lumuluha ng palihim

Nadudurog ako pag nakikita kong ganto ang mahal ko

"d-di nya s-sinabi yung p-pangalan nya pero ang sabi nya ex-gf mo daw sya tapos ang dami nya pang sinasabi"

Fell in love with my Bestfriend || Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon