Chapter 1

5 0 0
                                        

Jasmine POV

Pagkamulat ng mata ko sumalubong saakin ang ingay ng alarm clock ko hayst nakakatamad pumasok pero ano pa bang magagawa ko? First day ko pa naman ngayon

Bumangon na ako at saka dumiretso sa banyo, pagkatapos ay bumaba na ako para mag-agahan.

"Good morning, Yanyan," Bati ko sa nakababata kong kapatid.

"Good morning din po ate," Bati naman niya.

I'm Jasmine Leigh Smith, sixteen years old. I have a younger sister, and her name is Julliana Alyza Smith. Pero mas gusto namin siyang tawagin na "Yanyan," dahil cute nga naman.

"Good morning."

Bati ni dad na kakadating lang mula sa trabaho.

"Good morning din po," Sabay naming bati ni Yanyan.

Pagkatapos non, nagsimula na kaming kumain.

"Kay aga-ga, ang seryoso mo naman, love," Paasar na sabi ni mom habang naglalakad siya papunta ng mesa, kakagaling lang sa kusina.

Napabuntong-hininga nalang si dad. "Hindi pa rin nila nahahanap ang may pakana sa nangyari ng araw na 'yon."

"What?" Nagulat si mom. "Love, ilang taon na lumipas mula noon."

"Hanggang ngayon, hindi pa rin kayo tumitigil sa paghahanap?"

Tumango na lang si dad bilang sagot.

"Very well, then."

Hindi ganiyan 'yung dad na alam ko, 'yung palaging masaya't nakangiti. Pero dahil sa isang pangyayari, kung saan nagbago na lang lahat bigla sa amin, iba na siya ngayon. Hindi ko naman alam 'yung buong kwento at mga maliliit na detalye, pero sa pagkakaalam ko, dahil 'yon kay-

"Jas, anak," Biglang tanong sa akin ni dad, nagaalala. "Are you okay?"

Hindi ko na napansin na napalalim ako ng pag-iisip. Nakita ko nalang na nakitingin na pala sa akin 'yung mga magulang at kapatid ko. Napatango na lang ako, at pinapatuloy ko ang pagkain hanggang sa maubos ito.

Hindi ako nagtagal sa bahay, dahil pagtapos 'kong kumain ay umalis na ako patungo sa akademiya na papasukan ko. But before leaving, of course, I waved my parents and sister goodbye.

Usually, hinahatid kami ng driver namin, si kuya Carl. Since hindi pa naman ako pwede magdrive, at wala akong kagustuhan magdrive sa ngayon, binigyan kami ni mom ng sariling driver. Kaunting tiis na lang naman, makakahawak na ako ng manibela.

It was a rather quick ride, about 15-20 minutes. Pagkarating, bumaba na ako agad. I wasn't really that excited to enter school again, so I only brought a couple of things with me.

Bumungad sa akin ang malaking gate ng akademiya. The school's very wealthy, indeed. Gate pa lang nga, pero feeling mo na papasok ka na sa isang malaking mansyon.

The schools I went to in Canada when I was younger was a lot more simpler, and smaller. You wouldn't come across this kind of school everyday.

So in short, this academy is already amazing. This gate is a plus point for me.

Continuing on, hahawakan ko sana ang gate pero biglang bumukas ito mag-isa.

"Good day," Sabi ng lalaki na nasa gilid ng gate. "Welcome to Hadleigh Academy, miss?"

"Jasmine," I said. "Jasmine Smith."

Pinakita ko ang student ID ko at saka dumiretso. I can't see the everything clearly, but some buildings are coming to view. It was also quite foggy here, I don't know why.

Ash and Rose | SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon