Chapter ten

172 13 2
                                    

Nanatili pa kami ng ilang minuto sa kwarto bago kami lumabas nila Syele. Sinabihan nila ako na sila na ang bahala at ako ay magpahinga nalang. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong araw. Para akong lalagnatin na ewan. Nasa sala lang ako at nanonood hinihintay na tawagin ako ng dalawa. Pasado alas dose na.

Sobrang haba naman ng tulog namin?
Masama ang pakiramdam ko kaya natural yun at pagod din pala sila... tsk..

Habang naghihintay na tawagin nila ako inaliw ko ang sarili ko sa paglalaro ng online games. Hanggang sa nagsawa na ako kakalaro ay hindi parin ako nakarinig ng tawag nila kaya pumunta na ako sa kusina. Naabutan ko silang mahinang nagtatalo hindi nila ako napansin dahil nasa gilid lang ako at nakatalikod sila saken. At ayun na nanaman ako nagpipigil ng tawa ko dahil sa sagutan nila.

"Ano ba! Sabi ng hindi nilalagyan yan ng paminta eh! Ang kulit mo!." Sabay palo ni Marga sa kamay ni Syele. Masama namang tingin ang pinukol ni Syele sa kamay ni Marga at tsaka hinagis kung saan ang lalagyan ng paminta sabay sumalampak ng upo sa stool na andon, si Marga naman ay ubod na ng pula sa inis sa kanya.

Kahit kailan ang dalawang toh hindi magkasundo.

"Bakit mo hinagis?!." Mahinang tanong ni Marga pero andon ang inis.

"Bakit? Hindi naman natin kailangan ang paminta diba? So ayun." Sabay turo nya sa tinapon nya kanina. Isang malalim na buntong hininga nalang ang pinakawalan ni Marga at iiling iling na bumalik sa ginagawa. Si Syele naman ay inaambaan ng kung ano anong bagay si Marga palibhasa ay nakatalikod si Marga kaya nagaganyan nya. Marahan akong naglakad sa likod ni Syele at kinalabit sya, sya naman ay parang tanga na may pabilog pa ng bibig at pipikit pikit. Natatawa akong nagsalita ng walang boses sa kanya.

Lagot ka.

Sya naman ay kumaripas ng takbo at tsaka sumigaw kaya ayun ang hawak na chili powder ni Marga ay napunta lahat sa niluluto nya. Napatakip ako sa tenga ko ng sumigaw sya ng ubod ng lakas.

"Punyeta ka Syele!!!!!!." Sabay tumakbo sya ay sinundan kung asan naroroon si Syele. Natatawa akong kumuha ng mga sangkap sa ref at inumpisahan ang lulutuin ko. Hapon na kami makakain kung hihintayin ko pa silang dalawa. Panay parin ang sigawan nila at naabot talaga yun sa kusina, natatawa naman ako habang patuloy sa pagluluto.

Maya maya lang ang sabay na pumasok ang dalawa at sakto rin na tapos na ako sa niluto ko.

"Let's eat na." Masayang sabi ko sa kanila habang naghahanda na ng mga plates sa mesa. Silang dalawa ay tumulong rin kung ano ang mga kailangan namin sa hapag.

Nang makaupo kami ay andon parin ang nanglilisik na mata ni Marga kay Syele habang si Syele naman ay walang pakialam na nagsasandok sa sarili. Tumikhim ako para makuha ay atensyon nila.

"Nakapagluto na ako so stop arguing you two, ok?." Patay malisyang tumingin si Syele kay Marga na hindi parin nagbabago ang tingin sa kanya.

"Kung hindi ka sumigaw ay sana nakain natin ang niluto ko. Tsk!."

"Eh kung hindi ako sumigaw...." natatawa akong tumingin kay Syele dahil alam kong wala syang madudugtong sa sinabi nya.

"Kung hindi ka sumigaw ano?." Mataray na tanong ni Marga. Si Syele naman ay lumulunok lunok pa habang titig na titig kay Marga.

"A-Ano kung hindi ako s-sumigaw baka... baka nawala boses ko. Oo baka nawala boses ko." Iiling iling akong nagpatuloy nalang sa pagkain ko.

Anong konek?

"Seryoso ka? Anong konek?." Hindi na sumagot si Syele at parehas silang pinagpatuloy nalang ang kinakain.

Nang matapos kami ay kanya kanya na kami ng ginawa, sila na ang naghugas at ako ay pumunta muna sa hardin.

Just Like Before Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon