Chapter Nine

171 13 0
                                    

A/N: Please leave vote and fvcking follow me Hahahahahha peace!! Enjoy reading!.

Nakatulugan ko nalang ang pag iyak ko hindi ko alam kung wala na ba si Calix sa baba. Hindi ko sya kayang harapin ngayon dahil namumutawi ang alaala ni papa saken.

Ilang minuto pa akong nakahiga ng napagpasyahan ko na tumayo na. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko kung masakit pa ba ang pagkababae ko pero hindi na iyon masyadong kumikirot. Pagkatingin ko sa orasan ay ala una na ng hapon.

Ganon ba talaga ako katagal nakatulog?.

Madali akong bumaba at nasa hagdan palang ay narinig ko ang tunog ng vacuum at ang bunganga na parang nagtatalo. Sumilip ako sa may hagdan at nakita ko ang dalawa kong kaibigan.

Nakauwi na pala sila? Bat hindi ako nagising? Siguro ay kanina pa tuluyang umalis si Calix.

Sandali akong huminto at nakinig sa diskusyunan ng mga nagsasalita nila.

"Ano ba yan! Marga ayusin mo yung sofa yung kaninang ayos!." Inis na sigaw ni Syele.

"Pwede ba Syele, calm down. Kanina mo pa ako sinisigawan!." Ang mahinahong pagkakasabi ni Marga kanina ay biglang lumakas, natatawa akong pinanood ang dalawa. Nawala ang malungkot na naramdaman ko kanina dahil sa kanila.

"Pano ako kakalma eh hindi mo inaayos ang mga gamit ng maayos! Kanina pa kita sinasabihan na hindi ganyan ang ayos nyan eh!." Patuloy parin na talak ni Syele habang nakapamewang pa na nakaharap kay Marga.

"Eh bakit pwede naman baguhin ah! Bawal ba?! Bawal?! Kingina neto napakaingay! Punta ka nga don sa terminal ng jeep oh! magtawag ka ng pasahero magkakapera ka pa don punyeta ka!."  Natatawang napatingin ako kay Syele na parang sasabog na sa inis.

"Personalan sis? Personalan?! Sira ulong to. Namemersonal amp." Natatawa naman syang tiningnan ni Marga dahil sa itsura nya.

Pag ginamitan mo talaga ng personal na rason yang si Syele ay bubuga yan ng apoy kabilang nalang kung kaibigan ka talaga nya as in malapit na kaibigan. Pagbibigyan ka pa nya pero kung hindi humanda kang humagis hahahaha.

Tuluyan na akong naglakad pababa at ang dalawa ay napatingin saken. Hindi pa ako tuluyang nakakababa ay sinalubong na ako ng yakap ng dalawa na may patalon pa kaya ang ending bumagsak kami sa sahig. Bigla namang sumakit ang pangbabae ko dahil sa bagsak na yun hindi ko kayang pigilan ang sakit kaya na pasigaw ako ng bongga.

"Ahhhhh!!! Kingina yun epep ko!" Agad silang tumayong dalawa at tinulungan akong tumayo hanggang sa naupo ako sa sofa. Nasa mukha ko pa rin ang kirot kaya naman walang humapay ang dalawa sa paghingi ng sorry saken.

"I-Irish sorry. Namiss ka lang namin hindu naman namin aakalain na babagsak tayo hehehe." Nakatungong sabi ni Marga. Hindi ako sumagot.

"I-Irish you know we miss you that much kaya namin nagawa yun tsaka mawawala din yan bumagsak ka lang naman eh hehehe." Tiningnan ko sya ng masama. Nag peace sign naman sya saken.

Ok lang sana kung bumagsak lang ako eh. Eh hindi lang yun ang nagyari!!!!!

Napapikit ako at pinatungan ng unan ang banda sa may puson at diniinan yun para hindi ko maramdaman ang sakit.

"Teka." Napamulat ako at tumingin kay Syele ganon din si Marga.

"Bakit?" Takang tanong ko dahil nakatingin sya saken.

"Diba dapat pwet ang sasakit sayo bat yang epep mo?." Nagulat ako sa tanong nya at hindi makasagot.

"Oo nga naman Irish. Bumagsak ka dapat pwet mo ang sasakit bat yan?." Napatingin ako kay Marga na nakaturo rin sa pangbabae ko hindi parin ako sumagot wala akong makapapa na dahilan!.

Just Like Before Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon