TAKE 1: Dreams

487 22 26
                                    


Maj: What keeps you on holding onto this field? What drives you to continue what you are doing?

Lauren: I am still in this field because this is my dream since I was young. Bata pa lang ako, umaarte na ko sa harap ng salamin, sumasali na ko sa mga talent contest, even sa mga play sa school namin ako lagi ang bida. Being an actress is my ultimate dream. At ngayong andito na sa harap ko ang pangarap na 'yon, there's no way that I'm letting go of it no matter what happen.


"GOOD morning po, Sir Claveria," bati ng mga kaibigan ko nang dumaan si Sir sa harap namin dito sa may locker's area. Huminto siya sa paglalakad at nilingon kami. Patago akong siniko ni Ramon.

"G-Good morning po, Sir," bati ko na may kasamang panginginig ng boses.

Nginitian niya kami at halos mag-twerk ang inner self ko sa sobrang kilig. Iba talaga ang dulot ng ngiti niya, parang missing piece of puzzle ang ngiti niya na kayang-kayang buohin ang araw ko!

"Good morning din," bati niya bago magpatuloy sa paglalakad.

Nang nakalayo na siya ay nagkunwa-kunwarian akong nahimatay at pabiro rin akong sinalo ni Ramon habang ang mga kaibigan namin ay nagtatawanan.

"Susmaryosep ka, cyst!" saad ni Ramon. "Ngiti at greetings lang 'yon kung makaarte ka diyan daig pa ang na-fertilize!"

"Ninang at ninong kayo ha?" giit ko sa mga kaibigan ko habang magkadaop ang mga palad at naka-beautiful eyes.

"Nasiraan na naman ng bait ang Majesty natin," komento ni Vince.

"Tara na nga sa classroom," pag-aaya ni Bev, "baka mahawa pa tayo sa ka-abnormalan ng isang ito."

Natawa na lang ang isa ko pang kaibigan na si Pierce, napailing na lang silang apat at sabay-sabay na naglakad palayo. I just rolled my eyes and flipped my hair. Hindi man lang nila suportahan ang kabaliwan ko sa buhay.

"Hey, wait!" I screamed down the hallway reason why all eyes are on me. I just covered my mouth feeling apologetic. I hand gestured a peace sign and walked faster hanggang maabutan ko ang mga kaibigan ko.

"Yes? Sino ka? Hindi ka namin kilala," pagtataray ni Ramon.

"Hindi ka namin kaibigan," dagdag pa ni Bev.

"Sorry na, hindi ko naman sadyang mapalakas boses ko."

Napailing na lang ulit sila at pumasok na ng classroom. We seated in our usual row, sa front row. We prefer seating here so we can understand the lecture better. I can tell that we're one of the competitive students of this batch, mga grade conscious as they say. We are always in the top ten of our section at kami naman ni Pierce ay kasama lagi sa top ten ng batch.

Though it isn't obvious, studying is one of our hobbies, palagi kaming may group study every end of the week. But we're not like the intelligent type of people na wala ng social life. We do socialize, we stroll, eat out, nakikipag-date, and such. Pero never naming pinabayaan ang pag-aaral namin.

We are now in the second semester of third year College and we're studying in Stanbridge University, a university that is made solely for students who take Multimedia Arts and any courses related. Ilang director, producers, writers, journalist, film artist, actors and actresses ang na-produce ng university na ito.

And I claim that I will be one of those, I will be one of the directors na titingalain ng lahat!

Nahinto ang pag-daydream ko nang nahulog ang mga gamit kong kinuha ko sa locker kanina. Tinulungan ako ni Ramon na kuhanin ang mga iyon.

Director's Cut [CLAVERIA #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon