TAKE 2: Sacrifice

279 17 32
                                    


Maj: I know reaching your dreams isn't easy. I know you did a lot of things, maybe there was a point in your life that you were asked to choose an ultimatum, maybe you sacrificed a lot before getting here. If there is just one thing na hanggang ngayon pinagsisisihan mo, maaari ko bang malaman kung ano 'yon?

Lauren: If there's one thing that I'm still regretting up to now, is that when I sacrificed my education just to be an actress. Siguro kung nagtuloy lang ako sa pag-aaral at tinanggihan ko ang offer sa'kin, hindi ako nakapasok sa magulo, madumi, at nakakadiring industriya na 'to.


"SOOOO andito na ko ngayon sa condo ko!" I said while taking video of myself. "Kita niyo naman, love na love ko kayo. Inuna ko pang mag-vlog kesa magbihis," natatawa kong sambit.

I placed my phone on the railings of my window at saka umupo sa tapat nito. It's just 4PM, medyo maganda pa ang tama ng araw sa mukha ko, kinabog ang ring light. "So ayun na nga, pinagawan kami ng emoji and sabi ng Prof namin, we should base our emoji sa mga emotions na nakikita namin sa mga post sa facebook, sa mga tweets sa twitter, ganon. Kaya lang ito ate niyong Majesty eh medyo rule-breaker."

Inabot ko ang laptop ko from my bag at binuksan iyon. Habang hinihintay kong magbukas ay nagsalita ulit ako sa harap ng phone ko. "I don't know if makakarating 'to sa Prof ko pero actually 'yong emoji na ginawa ko ay binase ko sa sarili kong emotions kasi masaya talaga ko today. Kashi elem niyo 'yon?" Isinabit ko ang buhok ko sa tainga ko. "May moment kashi kami ng crush ko. Raaaaawr!" I hand gestured a rawr sign.

While I am navigating my laptop ay tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita. "So ayan nag-open na 'yong laptop ko. Sana naman hindi 'to mapanood ng crush ko. Mukhang imposible naman ata 'yon. Or kung mapanood niya feeling ko naman hindi niya mahahalata kasi wala namang pake sa'kin 'yon."

Bigla akong tumingin sa phone ko. "Chour! Nag-drama ang Majesty?" I laughed but deep inside it somehow hurts dahil totoo naman, Direk Jack will never see me more than as his student.

"Soooo, are you ready, gals, guys, and gays?" Dahan-dahan kong iniharap sa phone ko ang laptop ko para pa-suspense. Nang maiharap ko na ang laptop ko ay isa-isa ko nang pinakilala ang tatlong emoji na ginawa ko. I've never been this excited to introduce anyone, to think na hindi naman totoong tao ang mga emoji na 'to.

It's just that the thought of Direk Jack being my inspiration for these emojis makes me really happy. Alam kong maliit na bagay lang ito, but it's the small things that can build as big time. Ang mga maliliit na bagay kagaya nito ay hindi dapat minamaliit.

Nang tapos na kong mag-video at mag-edit ay nagbihis na ko ng pambahay. Wala naman kaming uniform, we can wear whatever we want as long it's not against the code of conduct of the school, clothing are statement of art and expression of thyself that's why we're not required to wear uniform.

My usual time of posting vlogs is 8:00 PM, I still have less than three hours so nag-aral na lang muna ko. I studied all the lectures tackled this day and practiced my skills using Sir Isaac's app.

I looked at the wall clock, it's already 6:00 PM, thirty minutes na pala kong nag-aaral. Deserve ko ang five hours na pahinga. Kumuha ko ng chips sa ref ko, humiga sa kama, at saka nag-scroll-haha-share sa facebook.

Na-stress ako nang biglang nag-refresh ang news feed ko, hindi ko tuloy na-share iyong isang meme. Upon scrolling again, something caught my attention, it's an interview with Lauren noong nasa Germany siya. As usual, ang daming reacts, comments, and share.

Sana all.

Habang pinapanood ko ang interview niya ay napabangon ako at napaupo ng tuwid nang marinig ko ang tanong sa kanya. "Anong masasabi mo sa mga balitang kumakalat na meron ka raw non-showbiz boyfriend? May mga nakakita raw sa'yo na may kasamang lalaki, at madalas ka rin daw nakikita sa Stanbridge Univeristy?"

Director's Cut [CLAVERIA #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon