TAKE 3: Opportunity

242 17 37
                                    


Maj: Kagaya nang sinabi mo sa'kin kanina, bata ka pa lang sumasali ka na ng mga contest. You're a dreamer, Lauren, and you did everything to pursue your dreams. Now my question is, anong gusto mong sabihin sa mga kabataang nangangarap? Sa mga kabataang gustong maging katulad mo?

Lauren: I know someone who is so dear to me. He's special to me and alam kong sa'yo rin. His favorite motto is, "Opportunity doesn't knock twice". Kung anong pinayo niya sa'kin noong nagsisimula pa lang ako, ayun din ang ipapayo ko sa mga kabataan ngayon. He told me that you have to grab every opportunity knocking on your door, and once you already grabbed it, make the most out of it. Do whatever it takes to succeed as long as it is moral, justified, and you're not stepping onto anyone. Do your best to transform that opportunity into an achievement.


"WHAT?! It means matagal nang nakikita ni Sir Claveria lahat ng kagagahan mo sa buhay?!"

Agad kong tinutop ang bibig ni Ramon. Andito kami sa classroom kaya napatingin sa'min ang mga kaklase namin.

"Ano 'yan? Parang may narinig akong Sir Claveria?" pang-aasar ni Bev.

"Share naman, mga lods!" panggagatong pa ni Vince.

Nag-uusap kasi iyong tatlo at kami naman ni Ramon ang magkausap. I told him that Direk Jack admitted that he's been watching my vlog even before. I also told him how embarrassed apparently I am dahil nag-comment si Direk sa vlog ko about sa emoji.

"Eww ka, sis!" saad ni Ramon bago tanggalin ang kamay ko sa bibig niya. "So salty! Such lason!"

I rolled my eyes and faced the other side.

"Ay, ano 'yan? Hindi talaga magshe-share?" tanong ni Bev.

"Wala mga sis, daydreaming na naman ang peg nitong ate girl niyo," palusot ni Ramon sa kanila, which is of course hindi pinaniwalaan no'ng tatlo. Aasahan ko nang kukulitin nila ko nang kukulitin hangga't hindi ako nagkwekwento sa kanila.

Good thing I was saved by the bell when our Prof came already, at sino pa ba? Ang nag-iisang Direk Jack Claveria ng buhay ko. Usually excited ako sa class niya pero ngayon, parang gusto kong magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan.

But he's Sir Claveria, a professional, kaya sigurado akong balewala lang naman sa kanya ang mga napag-usapan namin kanina sa elevator, at ang kahihiyang sinapit ko.

"Good morning, class," he greeted us.

"Good morning, Sir," we said in chorus.

"Before we start our lecture for today, I have an important announcement."

"Hala! Engaged na si Sir!" komento ng isa sa mga malokong kaklase ko kaya nagtawanan ang lahat.

Sir Claveria know how to ride with my classmate's jokes kaya kahit siya ay natawa lang din. "Kayo talaga,"sambit niya habang umiiling. Kilig na kilig naman, ni hindi nga siya mapanindigan ni Lauren in national media!

He clicked something on his laptop and a powerpoint presentation was presented on the projector. The title page says "Marahuyo Film Festival", it's a film festival done annually, at mga around October to November sinasapit iyon. Mga independent movies lang ang pinapalabas doon and with three categories. The first category is a regular movie lasting for an hour, the second category is a short film, and the third category is documentary.

This film festival is being held in PICC and then two weeks na ipapalabas sa sinehan ang mga pelikula. Bago mag-start ang pelikula ay ipapakita muna ang isang entry mula sa 8-minute short film category at isang entry mula sa documentary film category.

Director's Cut [CLAVERIA #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon