XI

17 2 13
                                    

It's been six months... Sinusubukan ko pa ring umusad. Nakaupo lamang ako dito sa apartment at nagtitipa sa laptop. Inaayos ko ang diagnosis ng isang pasyente dahil iyon ang pinapagawa ngayon namin. I am examining the patient's pathology. May iilang na akong naisulat na possible scenarios pero inihinto ko muna dahil unti unting sumasakit ang ulo ko.

Isang taon nalang ay gr-graduate na rin ako. Hindi ko inaasahang hindi kami grgraduate ni Aya. Isang taon nalang... Isang taon nalang pinagkait pa saming dalawa. Ang nakakalungkot dito, iyong kasabay ko mangarap hindi ko na kasama.

Since Elementary magkasama na kami ni Aya. Ilang buwan na rin ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari lahat. My mind's been clouded for six months till now. Buti na lamang ay may iilang tao ang nandiyan...

Life's really not fair to everyone. Ilang beses kang madadapa at ang hamon doon ay kung paano ka rin tatayo.

Buti na lamang ay kahit papano ay bumisita sila Mama. Medyo naaliwalasan ang araw ko pag nagpupunta sila dito sa apartment. Ramdam ko ring sobrang proud sila sa akin because isang taon nalang... I will succeed. By next year, mageexam nalang ako for licensure. At iilang buwan nalang din iyong taon na iyon.

Hawak ko ang kape sa kanang kamay at sumimsim doon. Inilayo ko muna ang laptop sa akin at iniayos ang mga papel. Niyakap ko ang aking unan. Halos ilang buwan din akong nakakulong sa kwarto.

Napatayo ako nang may kumatok sa pinto. Agad akong pumunta roon and I saw him... Caiden. May dala dala siyang box ng pizza. Agad ko siyang pinapasok. Onti nalang ay iisipin kong sideline na niya itong ginagawa niya sa akin. Medyo nakakahiya na nga rin. Sinusubukan kong magbayad minsan pero ayaw niyang tanggapin. Hindi ko alam bakit ganito kabait itong taong ito sa akin.

I won't met him kung hindi rin dahil kay Aya.

"What are you doing?" He slowly entered at masama ko siyang tiniginan. Hindi manlang siya nagsabi na pupunta siya ngayon. Itinuro ko ang nakabukas kong laptop at agad siyang tumango. He is still wearing his work clothes. Nakapolo pa rin iyon. Ang magulo niyang buhok ay iniayos ko at ngumiti na lamang siya sa ginawa ko. Inilapag niya ang pizza sa aking mesa.

"Bakit ka andito? Uma-araw araw ka na ata? Wala ka bang ginagawa?" Umiling na lamang siya at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Why? Am I now allowed?" Masama ko siyang tinignan ulit. At ikinuha ang throw pillow sa aking sofa akmang ibabato iyon sa kaniya. Pabiro siyang umiwas at tumawa kami pareho.

Umupo siya sa sofa ko. Sobrang komportable na rin ako na ganito ang asta niya. Halos talo niya pa sila Mama sa pagbisita sa akin at sa pagtatanong kung ayos lang ba ako. Binuksan niya ang pizza at umupo ako sa kabilang dulo rin ng upuan. Okay fine... I still feel kind of tensed with him.

"Why are you so far? Are you shy?" He chuckled at sinipa ko ang binti niya para tumigil siya sa kakatawa. Sinubukan niyang itago ang ngiti niya but he failed.

He's a good friend tho...

Lumapit ako sa kaniya para wala siyang masabi at kumuha ng pizza. Inilabas niya ang phone niya at nagtipa roon kaya kinuha ko rin ang laptop ko para ayusin ulit ang diagnosis. Mas gaganahan ako nito dahil merong pagkaing nasa harap ko.

"Look at this," iniharap niya sa aking ang phone niya. Picture iyon ng kwintas na merong makinang na diamond sa gitna. Paoval ang hugas noon. Tumango ako, "that looks good! Kanino mo ibibigay?" He chuckled at ginulo niya ang buhok ko kaya hinampas ko ang kamay niya.

This guy! Panay ayos ako ng buhok niya pero ang akin ay guguluhin niya lamang.

"Pupunta pala ako kila Aya ngayon. Bibisitahin ko siya. Mga anong oras ka uuwi?" Ilang segundo ay hindi pa rin siya nagsalita. Umangat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatitig lang sa akin kaya pinitik ko ang noo niya. "Hoy Caiden, kung ice cream ako. Panigurado tunaw na ako ngayon!" Tumawa naman siya at umiling.

Drifted Apart [Med Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon