VII

22 6 6
                                    

"Bakit ka andito?" Tanong ni Jeiden. Nang iiwas ako ay agad niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya doon kaya napangiwi ako. Bigla siyang tinulak ni Aya pero hindi siya nagpatinag.

"Tinatanong kita Kat!" Pagalit na sabi sa akin ni Jeiden. Malamig ko na lamang siyang tinignan. Bumaling ang tingin niya kay Aya. "At ikaw, napakabad influence mo!" Sigaw niya kay Aya at doon na tumaas lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi ko na napigilan na apakan ang paa niya at alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Magsasalita na sana ako ng may sumabat, "who are you? At bakit ka nanggugulo sa building ko?" Kilala ko agad ang boses na iyon. Wait... He owns this place?! Ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Maangas na tumingin si Jeiden sa lalaki. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala ang lalaking ito.

"E ikaw, sino ka rin ba? Ang yabang mo ah!" Nang akmang sasapakin na ni Jeiden ang lalaki at bigla siyang tinulak nito at kwinelyohan. Napasandal agad ni Jeiden sa pader malapit sa elevator. I was so shocked. Nakatayo lang si Aya sa tabi ko at halatang hindi ito aawat. Kaya ako na ang nagsalita.

"Bitawan mo siya," malamig kong sabi. Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking shoulder bag. At nang binitawan siya noong lalaki ay naramdamang kong tumingin iyon sa akin. Pero, hindi ko siya tinignan. Humarap ako kay Jeiden.

"Tapos na tayo," sambit ko. Nang hahatakin ko si Aya ay hinawakan niya ang damit ko. Kaya agad akong napahinto. Napakabastos!

Nang sasagot akong muli ay sinuntok ulit siya ng lalaki. Napasigaw si Aya dahil sa pagkakasuntok noong lalaki. Halos sumalampak si Jeiden sa lapag. Nakita kong dumugo ang labi niya. Nang susuntukin ulit siya ng lalaki ay pumagitna na ako. "Pwede bang tama na!" Pasigaw na sabi ko. Nadala rin ng kaba kaya napataas ang boses ko. Nakaka kaba yung titig niya sa akin. He was staring at me intently with his cold eyes... Hindi ko mabasa ang ekspresyon noon. The next thing I knew, we were escorted out of the building.

Nang makalabas ay agad kaming pumunta sa parking. Habang naglalakad ay naririnig ko pa ring sumisigaw si Jeiden. Him and his anger issues. Sana maubusan siya ng boses dyan...

"Kat! Putangina naman Kat, kausapin mo ko!" I stopped. Nang tumigil ako ay hinarap ko siya. Hinahatak hatak ni Aya ang braso ko. This time, hindi na ako magpapapigil. Punong puno na ako.

"Alam mo, putangina mo rin! Ayaw na sana kitang kausapin pero pinagpipilitan mo yung sarili mo sa akin," lumapit ako sa kanya at napahinto siya. His eyes, pamilyar iyon. Humihingi ng pasensya, ng isa pang tsansa, pero pagod na ako.

"Putangina Jeiden! Sa lahat ng desisyon ko kasama ka. Sa lahat ng bagay na gagawin ko, kailangan alam mo. Putangina! Init ng katawan nalang hindi ko maibibigay sayo, pero oras at puso ko asa iyo na hindi pa rin ba sapat?" I was so mad. I let all the words out. Hinayaang kong sabihin ko lahat ng kinikimkim ko sa dibdib ko. Hindi ko na kaya na pigilan ang sarili ko. I needed to tell him this. Kailangan niyang malaman na hindi sa lahat ng oras ay kakayanin niya ako. Hindi sa lahat ng oras ay madadala niya ako sa pagmamakaawa niya.

"Tangina! Apat na taon, ikaw lang yung lalaking minahal ko. Hinap hanap ko tuwing gigising ako, huling kausap ko tuwing gabi! Halos isakripisyo ko kaibigan ko pati pamilya ko para lang sayo. Pati pangarap ko Jeiden, kaya tangina! Tigilan mo na ako," I shouted so hard. Hindi ko na rin pinansin ang mga luhang tumakas sa aking mata. My heart was pounding so hard. Sobrang sikip ng dibdib ko. All I wanted is to have peace of mind.

"Pati ba naman yon, ipagkakait mo sa akin? Ha! Ilang beses na kitang pinatawad. Hinayaan kong paikot-ikotin mo ako. Pinatawad ko lahat ng katarantaduhan mo sa akin. Ilang taon akong umaasa na magbabago ka pero wala pa rin!" I felt Aya hugged me. She was trying to calm me down. Ramdam ko rin na gusto na niya akong papasukin ng kotse. I can feel her hands trembling. Inialis ko muna ang yakap niya dahil ayokong kung sakali ay masaktan ko rin siya.

Drifted Apart [Med Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon