III

27 7 0
                                    

“Sino bang tinitignan mo dyan!” Halos isubsob na ni Aya ang mukha niya sakin. Lahat ng pagtataka at halos lahat ng emosyon ko ay nawala nang makita ko yung mukha niya. Pinitik ko yung noo niya para umalis yung mukha niya sa harap ko. Nakakaumay! “Aray naman,” sambit ni Aya habang hinihimas niya ang noo niya.

Binalik ko agad ang tingin ko doon sa kung saang pwesto ko nakita ang lalaki. Bumuntong hininga ako noong hindi ko na siya maaninag kung saan. Inilibot ko rin ang tingin ko ngunit wala pa rin siya. Umupo ako at binalik ulit ang tingin sa aking phone.

Nakita kong muli ang post, halos mag 5-50k views na iyon. Iniabot ni Aya ang coffee at nagpasalamat ako sa kanya. Tumabi siya sakin at tinignan agad ang screen ng phone ko. “Shit, pinost?!” Pasigaw niyang sabi kaya umiwas ako agad sa kanya. Walang paalam niyang hinablot ang phone ko at clinick ang video.

“Walanghiya! Sino kaya ang nagpakalat ng video na ‘to?” Umiling siya at takot na tumingin sakin. Hindi ko alam pero sinusubukan kong kapain ang emosyon na nararamdaman ko kanina. Napapikit ako ng mariin. Ayoko ng isipin si Jeiden. Ayoko ng makita lahat lahat, kahit ang itsura niya sa isipan ko.

Hinablot ko ang phone ko kay Aya, “hayaan mo siya. Maybe he deserve it. Kailangan niya ring matuto na hindi lahat ng tao ay papatawarin nalang basta basta yung kalokohan niya.” Pinalitan ko ang kanta. Kinuha rin ni Aya ang airpods sa kabilang tenga ko. Sa sobrang komportable talaga namin sa isa't isa ay minsan hindi na kami nagpapalaam... o lagi.

“Pero, hindi ka ba naawa sa kanya? And for sure, your message are blowing up also! Sigurado akong tropa niya ang nagkalat non,” nagkibit balikat na lamang ako dahil ayokong isipin kung ano mang katangahan ang ginawa niya. Lagi naman siya ang gumagawa ng sarili niyang gulo at pumapasok doon. Ayoko ng isipin.

Nagkwento naman si Aya ng kung sino ang lalaking nakaaway niya kanina sa cafe, “napakayabang ng ugali! Ipakain ko pa sa kanya yung iPhone 11 niya e.” Tumawa na lamang ako.

Nagannounce na ang airlines na ib-board na ang flight namin kaya tumayo na kami ni Aya. Kinuha ko ang kape ko at ang bag. Kumapit ako sa braso ni Aya. At tinext din sila Mama na pauwi na ako.

Ma, pauwi na akong Maynila. Gusto niyo ba ng pasalubong nila Kyle?’ At sinend ko iyon. Nang maubos ko ang kape ay itinapon ko agad iyon. Kahit papaano naman ay nawala na rin ang sakit ng ulo ko. Bago kami pumasok ng eroplano ay may kinuha ako sa bag ko. That rose.

The rose he gave me nung asa simbahan kami dito sa Cebu. Yung rosas kung saan binulong niya rin ang pangako na pakakasalan niya ako sa simbahan na iyon. Napailing ako.

Maybe, this is the time na kailangan ko naman siyang kamuhian. Hindi intindihin, patawarin, o payagan muli na makapasok sa buhay ko. Ngayon ko lang hihingin ang kapayapaan na matagal niya ring ipinagkait sa akin.

Itinapon ako ang rosas na iyon sa basurahan. Hinatak na ako ni Aya. “Wag ka na magdrama dyan!” Tumawa na lamang ako. Then I suddenly remembered the guy and the bouquet of roses noong andon kami sa resort ni Aya. Pagkaupo ay agad ko siyang kinausap.

“Aya, remember noong may bouquet of roses at akala ko kay Jeiden iyon?” Lumingon siya sa akin at umiwas ng tingin. Kinalabit ko ulit siya pero nagkibit balikat lang siya sakin. “Subukan mo. Sakin ka pa talaga magtatago ng sekreto Aya?” Umiling siya ulit.

“Like what I said, Besh... Meron lang daw talagang nagpapaabot doon sa room service natin last time. Akala ko nga ay may nakaharutan ka before tayo pumasok dito sa resort,” she giggled at nang mapatingin siya sa akin ay sinamaan ko siya ng tingin.

“I am not single Aya! Bakit naman ako haharot? Sabihin mo nalang sa akin agad kung ikaw lamang yung nagpakulo o nagayos non para hindi ako umasa asa dito,” mukhang hindi ata tama yung mga salitang pinili ko dahil tinaasan ako ni Aya ng kilay. Padabog akong sumandal sa upuan at hindi siya tinignan. Siya namain itong umayos ng upo at humilig sa banda ko.

Drifted Apart [Med Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon