Chapter 31 Calm before the storm

61 11 0
                                    

[October 21 2020: Exam Day]

"Required bang sabay tayong pumasok pag exam day?" Mikael asked.

Sabay sabay kasi kami ngayon na naglalakad papasok ng school. Sino nag isip? Siyempre—ako.

"Maganda kaya 'yun, buong tropa handa nang mag exam." I said.

"Buang." Taejin whispered.

"Eh ikaw? Speed." Axel said.

Ano raw?

"What do you mean?" I asked.

Axel smirked, "Speed lang, may kapatong agad." Axel said.

Gigil na gigil si Taejin sa sinabi ni Axel, naasar pa nga.

"Sino ba 'yun?" Yuri suddenly asked.

Agad lumapit si Axel kay Yuri, "May nakilala kasi kaming transfer student kahapon, Elisha ang pangalan, maganda naman siya." Axel said.

I noticed Taejin clenched his fist. Gigil na gigil na nga siya, at the same time—embarassed.

Natawa lamang si Yuri sa narinig niya, "Maganda pala kung ganon."

"Pati ba naman ikaw aasarin mo ako?" Taejin asked. Ba't iyak, kuya?

"Hindi naman kita inaasar, 'wag ka ngang ano diyan. Ffff." Yuri said, halatang natatawa siya.

Napansin ko si Mikael na kanina pa nakatutok ang ulo sa notebook niya? Hanggang sa paglalakad, review pa rin?

"Hindi ba parang sobrang pagrereview na yung ginagawa mo, Mikael?" I asked, nag aalala lang.

Mikael slightly sratched his cheek, "Nangako kay kuya na pagbubutihin ko ang exam ko ngayon, hindi ko siya dapat biguin."

Sana lahat magkasundo. Ewan ko ba kay Taejin, I'm sure naman na okay na kami—ayaw niya lang ako pansinin.

Mayamaya nakarating na kami sa school.

"Uhm, guys... Kinakabahan ako." Axel said.

"Huwag ka ngang pahumble. Tapos ano? 100 nanaman score mo? Amazing." Taejin said.

'Nga naman. HAHAHA.

Agad na kaming pumasok, humiwalay na rin sa amin si Yuri dahil iba ang classroom niya.

Nang makarating na kami sa classroom, ang tahimik sa loob. Lahat sila nagbabasa, nagrereview, walang chikahan, yung mga naririnig ko lang sa mga boses nila ay yung mga nirereview nila.

Marami sigurong bagsak dati kaya pinagbubutihan nila ngayon.

Agad na kaming umupo sa mga upuan namin.

Mayamaya kinalabit ako ni Axel, "Kinakabahan ka?" He asked, concern pa nga.

I nodded, "Oo, kabadong kabado."

Axel smiled, "Nagawa na natin 'to dati, kaya mo 'yan, kaya natin 'to. 'Wag ka nang kabahan diyan, hinga ka na lang ng malalim."

"Salamat." Then I took a deep breathe several times para mawala ang kaba ko.

Mayamaya dumating na ang proctor namin.

Ok, I'm ready.

___________________________________________

Dexter's POV:

Maayos naman ang naging pamumuhay ko sa bahay ni Axel, wala namang nangyayaring hindi maganda—maliban sa maligaw sa mansion na 'to.

Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa, nagiisip kung anong puwedeng gawin.

"..."

Mayamaya may naramdaman akong presensya, matagal na rin bago ako nakaradam ng ganito kalakas na presensya.

Time's Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon