Hanggang ngayon usap usapan pa rin yung naganap kanina kahit wala naman masyadong nangyari. Pagkatapos kasing magsalita ni Nixon ay tinignan lang siya ni Ryker saka tuluyang lumabas sa cafeteria. Madaming nagsasabi na sa kanilang magpipinsan silang dalawa raw ang hindi magkasundo, wala naman makapagsabi kung ano ang dahilan.
Nagpaalam ako kay Jade na didiretso ako ng restroom kaya nauna na siyang pumunta sa next class namin.
Agad akong naghugas nang kamay at kumuha ng paper towels. Saglit akong tumitig sa salamin habang inaayos ang aking buhok, I always hate looking at the mirror kasi ang tanging nakikita ko lang ay ang pangit, boring, at ang babaeng ni isa walang nagkakagusto. Yup,that's me or should I say that's what I think of myself. Tumingin ako sa oras bago ko napagdesisyunan na pumasok na sa next class namin.
Pagkalabas ko sa restroom ay nakarinig ako nang malalakas na yabang ng mga paa na nagmumula sa aking likuran kaya naman napalingon ako. Bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko ay bumangga na sa akin ang isang lalaki.Iniangat ko ang aking tingin sa lalaking nasa ibabaw ko at laking gulat ko ng makita kung sino ito.
Siya na naman, si Ryker. Pangalawang beses na kaming nagkabungguan ngunit sa pagkakataong ito siya naman ang may kasalanan. Mabilis naman siyang tumayo at iniabot ang kanyang kamay sa akin, hindi naman na ako tumanggi dahil nagmamadali na rin ako. Pinagpag ko ang mga duming dumikit sa paldang suot ko.
" Mr. Delaney, there you are! You're in serious trouble. " sabi sa kanya ng teacher habang tinuturo siya.
"Oh c'mon, Mr. Hernandez"seryosong sagot naman ni Ryker dito.
"So tumakas ka sa klase ko para makipagkita sa girlfriend mo huh?"pagtatanong nito na ikinagulat ko.
"Hindi---" naputol na lamang ang sinasabi ko nang abutan niya kami ng tig isang detention slips mula sa kanyang bulsa.
"Eto ang detention slips para sayo at sa girlfriend mo. Mr. Delaney , don't expect a special treatment for you dahil bago ka rito o pamangkin ka ng Director. Wala ka na sa U.S., kaya hindi mo na pwedeng basta nalang gawin yung gusto mo, stop acting immature and start acting like a senior here in Karstein. " panenermon nito sa kanya.
Ang pinaka unang detention sa buong buhay ko, that did not just happen. Hindi na ko naka imik dahil nahiya na rin ako, sa dami ba naman nang sinabi sa kanya eh matatahimik ka talaga.Tumingin ako kay Ryker na walang kahit anong bakas ng reaksyon bukod sa paghalukipkip nito sabay paglakad papalayo. Nakadaing naman akong pumasok sa klase at inilapag ang mga gamit sa lamesa ko.
Tumingin sa akin si Jade at bumulong "Bakit ang tagal mo?"
"Hindi ka maniniwala sa nangyari sakin"sagot ko.
Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa akin habang nagaantay sa susunod kong sasabihan, huminga muna ako nang malalim at nagsalita.
"I got a detention with Ryker"
Bahagya akong humiga at ipinikit ang aking mata. Tangka sana akong matutulog para makalimutan ang nangyari kanina nang yugyugin ako ng malakas ni Jade.
"Ryker Delaney?!!!!" malakas nitong sabi dahilan para mapalingon ang ilan sa amin.
Tinakpan ko nang mabilis yung bibig niya. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari pagkatapos ay tinawanan niya lang ako.
Makalipas ang ilang oras narinig kong tumunog ang bell, halos buong klase akong nakatulala at nagiisip. Walang gana akong tumayo at inayos ang aking gamit.
"Balitaan mo ko sa detention mo bukas, have fun Alee!"pangaasaar ni Jade bago magpaalam.
Papunta pa lang ako ng detention room nagiisip na agad ako nang paraan kung pano makakatakas. Hindi ko kakayanin ang magtagal ng 2 hours doon. Pagkapasok ko sa loob ay nahagip na agad ng paningin ko si Ryker, nakasandal ito sa kinauupuan niya at nakasuot ng earphones habang nakapikit ang mga mata nito. Dahan dahan ko naman hinatak ang upuan sa gilid nito.
*After 1 and a half hour*
May ilang minuto pa ang natitira kaya tumayo ako matapos makapag isip ng plano paano ako makakalabas ng maaga rito.
Lumapit ako sa direksyon ni Mr. Tan na naka assign sa pagbabantay sa amin na siya ring nagmamarka ng mga papel sa kanyang lamesa.
"Mr. Tan, may I please leave early?masama po kasi pakiramdam ko" sabi ko sabay ubo at hawak sa aking tyan na kunwari ay masakit.
Tumayo naman si Mr. Tan at sinabing kukuha lang sya ng early release form bago lumabas ng silid. Mabilis akong kumilos at iniligpit ang gamit ko.
"Liar"narinig kong sabi ni Ryker, tinanggal nito ang earphones na suot niya at humarap sa akin.
"H--hindi n--no!"pagtanggi ko dito
"Hindi ko sasabihin kay Mr. Tan that you're lying if you let me come with you"dagdag pa nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya "Nagpapatawa ka ba?". Seryoso lang itong tumitig sa akin kaya muli akong nagsalita "Paano kapag sinabi kong No?"
"Mmm then i'm sure you wouldn't mind kapag sinabi ko kay Mr. Tan how great actress you are" nakangisi niyang sabi.
Napairap naman ako sa kanyang sinabi, pumayag na rin naman ako dahil gustong gusto ko na rin makauwi."Ok sge,basta ikaw na bahalang gumawa ng excuse kay Mr. Tan"
Tumango lang ito at sakto naman ang pagdating ni Mr. Tan ,sabay kaming lumapit dito."Anong kailangan mo Mr. Delaney?"
"She may need a ride, so I'm driving her home."
"Alam nyo bagay kayo"sabi ni Mr. Tan, iniabot niya na rin sa amin ang forms. Nahihiyang ngumiti ako rito at mabilis na lumakad palabas.
Pagkalabas ay nakahinga na rin ako nang maluwag hindi ko naman na nilingon kung saan na pumunta si Ryker, mas mahalaga sa akin ang makauwi na ngayon dahil panigurado hinahanap na ako ni Mama.
Narinig ko ang ingay ng pagkulog at biglang pagdilim ng langit. Sabay buhos nang malakas na ulan, ang malas ko naman ngayong araw. Ilang minuto pa bago ako makarating ng bahay kaya binilisan ko ang paglalakad na halos tumakbo na ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang mabilis ng makarinig ako ng pagbusina mula sa likuran at pagtawag nito sa pangalan ko.
"Alee!Alee!"
Nilingon ko ito at nakita ang isang red sports car na huminto sa gilid ko. Ibinaba nito ang bintana at bumungad naman sa akin ang nagaalalang mukha ni Nixon.
"Bakit ka naglalakad pauwi ng umuulan?Sumakay kana ihahatid na kita"sigaw nito nang malakas para marinig ko. Nakita kong bumaba siya ng sasakyan sabay lapit sa akin, hinila nito ang kamay ko at dinala ako sa passenger seat ng kanyang sasakyan.
Binigay ko naman ang direksyon patungo sa bahay ko pagkatapos ay tahimik na buong byahe namin, ang tanging maririnig mo lang ay yung ingay ng pag ulan at ang pinapatugtog nitong music.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay nagpasalamat ako sa kanya, bababa na sana ako ng sasakyan nang hawakan niya ako sa braso kaya napatingin ako sa kanya.
"' 'Wag na 'wag kang lalapit kay Ryker."
BINABASA MO ANG
Before Her Twentieth
Teen FictionAleevonne never imagined that he would be the one to inspire her to create the most compelling love story out of all the people.