03

28 2 0
                                    

"Sinabi niya yun sayo?" tanong ni Jade matapos kong maikwento sa kanya yung sinabi ni Nixon kahapon.

"Ewan ko ba nung una sinabi niya sa akin hindi niya  kilala si Ryker ngayon naman gusto niya iwasan ko, hindi ko siya maintindihan."

"Uyyy may gusto ka kay Ryker no"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Sus in denial ka pa akala ko ba si Nixon lang" pangungulit pa nito.

"Hindi ganon! ang weird nya lang kasi lately" pageexplain ko.

"Paanong weird?" nakataas kilay niyang tanong.

"Simula nung dumating si Ryker ewan hindi ko maexplain" pabahing kong sabi sabay daing habang kinukuha yung mga notes ko, nakalimutan ko pa magdala ng panyo.

"Ang chaka mo naman, may sakit ka ba?" nakatitig nitong sabi sa akin. "So kamusta ang detention?"

"Ok naman" ramdam ko ang pagka tuyot ng lalamunan ko at pagsama ng pakiramdam ko,naisip ko na baka dahil sa naulanan ako kahapon.

"Ok?!!Si Ryker Delaney yung kasama mo tapos ok lang masasabi mo?!!" napairap ako sa kanya at humagikgik.

"Pwede ba?!" may halong inis na sabi ko rito.

"Ok ok titigil na, halika na nga pumasok na tayo"kumapit sa akin si Jade at niyugyog ito na parang bata habang naglalakad kami.

Nahagip ng mga mata ko si Ryker kasama si Kenji na naglalakad papunta sa gawi namin, busy naman si Jade kaka cellphone kaya hindi na niya ito napansin. Sinubukan kong pigilan ang pagbahing hanggang makalampas lang kami sa kanila pero hindi ko na kinaya sa sobrang kati na ng ilong ko.

"Here it's yours, nalaglag mo kahapon" iniangat ko ang ulo ko kay Ryker na nakatayo sa harapan ko at iniaabot ang panyong hawak niya.

"T--thank you" nahihiya kong sabi.

Panay siko naman sa akin ni Jade pero hindi ko ito pinapansin habang nakatitig lang sa amin si Kenji, hindi na umimik si Ryker at lumakad nalang papalayo.

"Anong eksena yun te?"pang aasar ni Jade.

"Tara na nga, narinig mo siya diba ibinalik niya lang yung pa--"

"Panyo mong may initials na R.M.D" pagtuloy nito. Napatingin ako sa panyo na hawak ko, nakita ko nga ang initials na binaggit nya. Nagtataka naman ako kung bakit binigay niya sa akin ito, so kung hindi sa akin ito ibig sabihin

"Kay Ryker 'to.."

"Baka pinahiram sayo kasi nakita niya yung kulangot mo" tawang tawa na sabi nito kaya inirapan ko nalang siya. Panigurado hindi na naman niya ko titigilan dahil dito, nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating ng classroom namin.

Sakto naman kasabay namin dumating si Mrs. Morano kaya agad na kaming dumiresto ni Jade sa aming upuan.

"Settle down class may mga announcements ako" pabungad ni Mrs. Morano

Mabilis kaming nagsibalik sa kanya kanya naming upuan, nakita ko naman sumenyas si Mrs. Morano sa may pintuan kaya lahat kami ay napatingin sa gawing iyon. Nakita kong pumasok si Ryker bitbit ang kanyang bag at tumayo sa tabi ni Mrs. Morano. Umalingawngaw naman ang bulungan sa loob ng aming classroom.

"Ryker will be joining our class starting today" nakangiting sabi ni Mrs. Morano "please introduce yourself, Mr. Delaney."

"They probably already know who I am, so I think there's no need for me to do that." seryosong sabi nito.

"A-ahh alright, you can sit on that empty chair behind Ms. Santiago"sabi nito na nakaturo sa upuan sa likuran ni Jade.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Jade na tumingin sa akin, umiling lang ako sa naging reaksyon niya. Dumiretso naman si Ryker at inilapag ang kanyang mga gamit, inalis ko ang paningin ko sa kanya.

Samantalang nagpatuloy si Mrs. Morano sa pagaannounce "Since it is your last year as a highschool student ay naisip ng Director na gawing memorable ito" naghiyawan ang mga kaklase ko kaya huminto muna ito sa pageexplain saglit at saka nagpatuloy "Magkakaroon kayo ng Ilocos Trip, yung mga gustong sumama lumapit nalang kayo sa akin para maibigay ko sa inyo yung form na sasagutan nyo, yung mga ayaw ayos lang rin naman. But I suggest it is better kung lahat makakasama since it would be a fun experience. "

3 days ang itatagal ng gaganapin na trip namin, nakita ko ang tuwang tuwang mukha ni Jade na nakatingin sa akin kaya pati ako ay nakaramdam ng excite bukod kasi sa first time ko makakasama sa ganun ay medyo mahaba rin ang tatlong araw para makapagpahinga sa pag aaral kaya mukhang magiging masaya talaga ito.

Naubos ang oras ni Mrs. Morano kaka explain sa amin,narinig namin na tumunog na ang bell kaya nagpaalam na ito at umalis. Nauna nang umalis si Jade dahil kailangan niya raw umattend ng meeting ng dancing club kaya naiwan naman ako na nagliligpit ng aking mga gamit. Nakita ko naman na may lumapit at nakatayo sa harapan ng desk ko, nakatingin sa akin si Ryker at nagsalita.

"Are you going to join the trip?" mahina nitong tanong na halos pabulong nalang niya itong sabihin.

"Ah oo, ikaw ba?" sagot ko dito.

"Mmm i don't know"walang gana nitong sabi. Tumango ako at akmang lalabas na sana nang magsalita ulit siya "Where are you heading?"

Gusto ko magreklamo. Hindi naman sa hindi ako marunong mag english pero kanina pa ako na nonosebleed sa kanya. Napapikit nalang ako sabay hinga nang malalim.

"Sa room ng Singing Club"

"Doon rin ang punta ko, can I come with you? I am still not familiar with the building yet." sabay kamot nito sa kanyang batok.

"Sure" pagpayag ko rito.

Sabay kaming lumabas ng silid at tumungo sa Singing Club. Tahimik kaming naglalakad kaya naisipan kong tanungin siya.

"Sumali ka sa Singing Club?"panimula ko

"Mmm"tipid na sagot nito. Ngumiti nalang ako sa kanya at hindi na umimik, mukha naman kasing ayaw niya makipag usap kaya hindi na rin ako nagsalita.

"So you like singing?"tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo, ikaw bakit ka suma-----"napalingon kaming dalawa ng may marinig kaming sumisigaw sa likuran namin.

"RYKERRRR!!!!!!" masiglang sigaw ni Kenji kasama si Kristoff habang tumatakbo papalapit sa amin, sabay akbay nila kay Ryker na ngumisi lang sa kanila.

"Bakit magkasama kayo?"pagtatanong ni Kristoff na may halong pangaasar.

"I asked her if I could come with her since I am still not familiar with the way to the Singing Club." pageexplain ni Ryker na tinanguan ko naman.

"HINDI MO ALAM EH TINURO KO---"mabilis na tinakpan ni Ryker ang bibig ni Kenji, rinig ko pang humagikgik si Kristoff at nakita kong nilakihan niya ng mga mata ang mga ito kaya tumigil sila sa pagsasalita. Hindi ko nalang iyon pinsansin at tinawanan ko nalang yung mukha nilang dalawa.

"Ano nga yung sinasabi mo kanina?" balin sa akin ni Ryker.

"Wala 'yon"

"Come on, I heard you said something."pagpilit nito, sasagot na sana ako nang may mahagip ang mga mata ko at ito sa taong nakatayo at nakatigtig sa amin. Napahinto ako sa paglalakad pati na rin sila Ryker na nakatingin rin sa kanya.

"N--Nixon?"

Before Her TwentiethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon