01

46 4 0
                                    

I was stuck in chemistry class at halos sumubsob na ang mukha ko sa lamesa sa sobrang antok. Habang patuloy sa paglelecture yung teacher namin napalingon naman ako kay Jade, tulog na tulog at humihilik pa. Kung hindi ko siya gigisingin ay pangatlong beses na niya masesermonan sa week na ito.

Si Jade Santiago ay bestfriend ko. Magkaibigan kami simula grade school kaya kilalang kilala na namin ang isa't isa at halos nagawa na namin ang maraming bagay nang magkasama kahit na we're totally opposite, tahimik ako, siya maingay, she's popular and i'm invisible.

Binatukan ko siya nang malakas at agad naman siyang napabangon.

"Aray!"mahinang sigaw nito.

Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil hindi ko na napigilang matawa sa naging reaksyon niya. Nagkalat ang mga papel na nasa loob ng kanyang binder at nagpapanic niyang kinuha ang mga ito. Habang pinupulot niya ang kanyang mga gamit ay huminga ito ng malalim at lumingon sa akin.

"Ipaalala mo nga sa akin bakit tayo nag apply sa class na to imbis na nagshoshopping tayo at nanunuod ng sine?"

"For college applications, nakalimutan mo na ba?" pagpapaalala ko sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang ulo at hindi na sumagot. Nagpatuloy ako sa pagdadrawing sa notebook ko. Last year naman na namin as a highschool student so napagdesisyunan kong gawin ang isang bagay na never ko pang nagawa at na experience.

Tumayo ako dala ang bag ko at ramdam kong halos lahat sila ay pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Lumakad ako papalapit sa teacher namin.

"Anong kailangan mo,Ms. Adler?"pagtatanong nito sa akin.

"May I....go out Ma'am?"

Kinuha ni Mrs.Lopez ang hall pass at binigay sa akin.

Mabilis naman akong lumabas at kumaway kay Jade na nakatulala sa ginawa ko. Mag isa lang akong naglalakad sa hallway at nagiisip kung saan pupunta,ito ang unang beses na nagawa kong magcutting class kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatuon ang buong atensyon sa pagbabasa ng librong hawak ko kaya hindi ko na namalayang may nabunggo ako dahilan para tumalsik ang libro at mga papel na hawak ko. Napapikit ako at napabuntong hininga bago pulutin ang mga ito.

"Careful"sabi nito. Lumingon naman ako sa kaliwa at nakita ang isang hindi familiar na lalaki. Matangkad ito, maputi, at brown ang kanyang mga mata. Ngayon ko lang siya nakita kaya naisip ko na baka transferee siya.

"Sorry"nahihiya kong sabi rito. Hindi ko siya nakitaan ng kahit anong reaksyon, nakatitig lang ito na parang nagiisip kung tutulungan niya ba ako o hindi.

"Alee!"napalingon ako at nakita si Nixon na papalapit sa akin.

Si Nixon Delaney, magkaibigan kami pero 3 years na akong may gusto sa kanya. Talented, tahimik at gwapo, ibang-iba sa mga playboy niyang pinsan. Siya ang pinakamatanda sa magpipinsan at nag iisang anak nina Mrs. Amanda at Mr. Rafael Delaney, sila ang nagmamay ari ng Karstein University.

Kilalang kilala ang mga Delaney dahil pinagpala ang mga ito sa yaman. Si Nami ang nag iisang babae sa kanilang magpipinsan at karamihan sa babae sa university ay kinaiinggitan siya dahil halos lahat ng magandang katangiang hahanapin mo sa isang babae ay nasa kanya na. Magkapatid sila ni Mico, ang pinaka bata sa magpipinsan. Anak sina ni Mrs. Beverly at Mr. Diego Delaney na may ari ng Karstein Mall.

Sina Kenji at Kristoff naman ay kambal, parehas babaero at malakas mang trip ang dalawang ito. Anak sila nina Mrs. Charlotte at Mr. George Delaney, sila naman ang nagmamanage ng kanilang company.

"Ok ka lang?"pagtatanong nito sabay abot ng mga papel sa akin. Nakita ko naman nagtititigan sila ng masama nung lalaki bago ito magpatuloy sa paglalakad na ipinagtaka ko.

Ngumiti ako bago sumagot " Oo thank you, kilala mo ba yon?ngayon ko lang kasi siya nakita"

"Ah-- hindi ngayon ko lang rin siya nakita, sge mauna na ko. Mag iingat ka."nauutal nitong sagot bago tuluyang umalis

Tumango lang ako at kinuha ang phone ko sa aking bulsa,nagmessage si Jade.

From:Jade

Nasa cafeteria ako dali may chismis ako sayo!

Napailing ako nang nakangiti, kahit kailan talaga hindi siya nawawalan ng chismis.

Dumiretso naman ako roon at pagka pasok ko dito ay bumungad sa akin ang hiyawan ng mga babae. Kadalasan kasing ginagawa nilang tambayang magpipinsan ang cafeteria kaya hindi na bago kung makakarinig ka nang ingay rito pero laking pagtataka ko kasi hindi pa naman nahahagip ng mata ko sila Kristoff.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Jade na humawak sa braso ko sabay hatak sa akin.

"Anong nangyayari rito?"curious na curious kong tanong

Ngumuso lang ito sa direksyon kung saan nakaupo ang isang lalaki na nakayuko at kumakain. Pinagmasdan ko naman ito habang patuloy siyang pinagkakaguluhan ng mga babae.

"Anong gusto mong snacks dadalhan ka naming ng friends ko?"rinig kong sabi nang isang babae rito.

Hindi niya ito kinibo at nagpatuloy lang siya sa pagkain.

"Sge na wag ka nang mahiya,kahit ano treat namin!"pagpipilit naman nung isa pang babae.

Iniangat nito ang kanyang ulo at tinignan ang mga babae sa kanyang harapan bago nagsalita " I don't accept anything from other people"

"Ang sungit naman nito"dagdag pa nung isa nilang kasama bago tuluyang umalis.

Muling lumakas ang tilian ng mga babae ng pumasok si Kenji.

"Ako tatanggihan mo ba?"nakangisi nitong sabi roon sa lalaki dahilan para mapalingon siya sa gawi namin dahil nakatayo sa gilid namin si Kenji.

Umiling lang ang lalaki sa kanya at siya namang nilapitan nito.

Siya yung lalaking nakabungguan ko kanina. Medyo naguguluhan ako sa nangyayari kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong kay Jade "Sino siya?"

"Transfer student siya rito galing ng U.S. , pinsan siya nila Nixon" pagpapaliwanag niya.

Ikinagulat ko naman ang kanyang sinabi"Wait..naguguluhan ako pinsan siya nila Nixon?"

"Oo pinsan as in cousin"sarkastiko nitong sabi.

Nabalot sa pagtataka ang aking isip kung bakit hindi sinabi ni Nixon na kilala niya ito nung tanungin ko siya matapos ang nangyari kanina.

"Hoyy ok ka lang ba?" biglang sabi ni Jade na naging dahilan para mawala ako sa aking iniisip.

"Oo ok lang ako,wait ano bang pangalan niya?"muli kong tanong.

"Siya si R----"Naputol ang kanyang sinasabi nang umingay ulit dahil sa pagdating ni Nixon. Seryoso lang itong naglalakad papalapit at nakatitig dun sa lalaki na tumayo sa kanyang kinauupuan. Tumahimik naman ang paligid na animo'y nakakita sila ng multo, pati na rin si Kenji na kaninang malakas mag ingay ay ngayong walang imik. Halos lahat kami ay pinapanuod lang silang nakaharap sa isa't isa at walang kahit anong salita ang maririnig mo sa kanila nang biglang ngumisi si Nixon at nagsalita.

"Long time no see,Ryker"

Before Her TwentiethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon