Nakita ko si Nixon na nakasandal sa may pader malapit sa pinto ng singing club. Nakahalukipkip ito at nakatingin sa amin.
"Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi niya agad sinagot ang tanong ko, lumakad lang muna siya papalapit sa amin at saka huminto.
"Diba sinabi ko layuan mo siya.." may halong inis na sabi nito.
Narinig ko ang hagikgik ni Ryker sabay siko sa kanya ni Kristoff na hindi naman niya pinansin. Ramdam kong ginawa niya iyon para mas lalong mainis sa kanya si Nixon, hindi naman siya nabigo dahil nilapitan siya nito at ngayon nasa mismong harapan na niya ito.
"Freak"nakangising sabi ni Ryker, mas lumapit sa kanyang harap si Nixon at akmang aambahan na niya ito ng sapak nang pigilan sila ng kambal.
"Woah chill!" sabi ni Kenji
Lumingon sa akin si Nixon, nilapitan niya ako habang pinagmamasdan ko lang kung anong gagawin niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita.
"Sumama ka sa akin" seryosong sabi nito. Hahatakin niya na sana ako paalis ng makaramdam ako nang pagpigil at paghawak sa aking kanang kamay.
"She's staying here" singhal ni Ryker, kitang kita ko ang pagpikit ni Nixon sa inis. Kinakabahan ako kasi pakiramdam ko anumang oras ay magsusuntukan sila.
Nakapagitna ako sa kanilang dalawa, saglit akong yumuko dahil hindi ko na malaman ang dapat kong gawin. Tumingin ako kala Kristoff at Kenji na parang nagtatalo pa sa kung anong dapat nilang gawin.
Iniisip ko pa kung bakit kailangan malagay ako sa sitwasyong ganito at madamay pa sa kung ano ang meron sa pagitan nilang dalawa. Dumami ang nakapansin na may nangyayaring kakaiba kaya naman nagkumpulan ang mga ito at pinalibutan kami, pipigilan pa sana nila Kenji yung mga ito na makisawsaw pero huli na dahil nagkalat na ang mga ito sa paligid namin.
"It's none of your business, bumalik ka nalang sa U.S. mas nababagay ka roon."mariing sabi nito sa pagmumukha ni Ryker na mas lalo lang lumaki ang mga ngisi sa mukha.
"Why should i?are you threaten?"
Humigpit ang pagkakahawak ni Nixon sa kamay ko, sobrang higpit na halos mabali na niya ang mga buto ko sa daliri. Dumaing naman ako dahil hindi ko na napigilan yung sakit.
"N--Nixon ano ba!b--bitawan mo ko nasasaktan ako"
Imbis na makinig ito at tuluyang bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay mo ay mas lalo itong humigpit. Hinatak ako nito papalapit sa kanya pero hindi natinag si Ryker na nakahawak sa kanang kamay ko. Kitang kita ko ang mga mata ni Nixon na halos mag apoy na sa sobrang galit. Sa buong buhay ko na nakilala ko siya ito na siguro ang unang beses na makita ko siyang ganito,kaya siguro ganito nalang ang takot ko sa kanya.
"Let go of her"sabi ni Ryker
"YOU!Let go of her!" sigaw sa kanya ni Nixon.
Umalingawngaw ang mga bulungan. Hindi ako makakibo, parang naparalisa ang mga paa at hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Napadasal nalang ako na sana ay may magtangkang tumulong sa akin, nakita kong sumeryoso ang mukha ng kambal kaya batid kong ayaw nalang nilang makisawsaw sa kung anong di pagkakaunawaan ng dalawa.
"I think you two should stop" nakakrus ang mga kamay na sabi ni Nami habang lumalakad sa gawi ng kinatatayuan namin.
Napailing pa ito sa dalawa at saka bumulong "I don't think gusto nyong umabot pa ito kay Director kaya sinasabihan ko na kayong dalawa stop it right now and leave the girl out of it."
Binitawan ako ng mga ito at nakita ko ang pagkalma sa kanilang dalawa. Huminga ako ng malalim, laking pasalamat ko na dumating si Nami dahil kung hindi baka kung ano nang nangyari.
"The show is over magsi alis na kayo."malakas na sabi ni Nami kaya naman mabilis silang nagsi alisan maging si Kristoff at Kenji ay nawala sa paligid namin.
Napahawak ako sa kaliwang kamay ko, ramdam ko pa rin yung sakit mula sa pagkakahigpit ng hawak ni Nixon kanina.
"Alee, Ryker hindi pa ba kayo papasok?" pagtawag sa amin ni Nico, siya yung president ng singing club.
"Sge susunod na kami" pilit na ngiti kong sabi rito.
Lumakad papalayo si Nixon na ni kahit isang sorry ay walang nasabi sa akin hanggang sa hindi ko na ito matanaw habang tinignan ko naman si Ryker na nakatingin rin sa akin. Mauuna na sana ako sa kanya pero hinawakan ulit nito ang kanang kamay ko para pigilan ako sa paglalakad, pati si Nico ay napatingin kay Ryker.
"I'll be back dadalhin ko muna siya sa clinic" banggit nito kay Nico sabay karipas nang takbo na halos makaladkad na ako sa sobrang bilis.
Pagkarating namin ng clinic ay hindi namin nadatnan yung nurse na nagbabantay kaya pinaupo niya ako sa may gilid ng kama. Pinagmasdan ko naman siyang dumiretso sa fridge, kumuha ito ng ice pack saka lumapit sa akin. Umupo ito sa may tabi ko at kinuha ang aking kaliwang kamay.
"Hindi naman na kailangan ok lang 'to"nahihiya kong sabi at pagbawi ko sa kamay ko pero kinuha niya ito ulit.
"Look"turo nito sa kamay ko" namumula yung kamay mo and i know it hurts so it's not ok." mahinahong sabi nito at saka idinampi ang ice pack rito.
Napatalon ako ng konti dahil sa kirot nito kaya napangisi siya.
"See?"dagdag pa nito.
"Ako na" mahina kong sabi sa kanya, ibinigay niya naman ka agad sa akin yung ice pack at saka nilagay yung mga kamay niya sa kanyang bulsa.
Narinig ko pa itong bumuntong hininga habang nakayuko ito.
"It's my fault, sorry."
"Hindi ko alam kung anong problema nyo sa isa't isa pero hindi mo kailangan magsorry kasi hindi mo rin naman kasalanan."paninigurado ko sa kanya. Alam ko namang meron talagang something sa pagitan nilang dalawa pero hindi ko gustong manghimasok dahil ayokong madamay sa kung anong problema ang meron sila.
"You should stay here, i know you are also not feeling well."
"Pero hahanapin tayo ni Nico kailangan na natin bumalik."giit ko sa kanya.
"I'll go there by myself,you can rest here. I'll just explain to him what happened to you I'm sure he will understand."
"Pero----"
"No more buts, i'll go ahead." pagputol nito sa akin saka tumayo at naglakad.
Hindi naman na ako nakasagot pa, naisip ko rin na kung ipipilit ko ay baka mapwersa lang yung sarili ko at lalo akong magkasakit. Mas mabuti na rin siguro magstay ako rito para makatulog kahit saglit at makapagpahinga.
Papalabas na si Ryker ng clinic pero hindi ko namalayan ang sarili ko na tinawag ang pangalan niya.
"Ryker"
"What?"salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin habang nag aantay ng sasabihin ko.
"Thank you" nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango lang ito saka tuluyang lumabas. Inihiga ko naman ang sarili ko sa kama at nagisip ng kung ano anong mga bagay. Sa tingin ko mukhang ok naman si Ryker kahit medyo masungit, ang hindi ko maintindihan bakit nagkakaganun si Nixon ng dahil lang sa kanya. Ganun ba talaga nila kaayaw sa isa't isa? O baka may mas malalim pang dahilan yung galit ni Nixon sa kanya?
"Ahh ewan ko sa kanila ang gulo gulo nila" irita kong sabi sa sarili ko
Tumagilid ako nang pagkakahiga at ipinikit ang aking mga mata hanggang sa hindi ko na namamalayang nakatulog na ako ng mahimbing.

BINABASA MO ANG
Before Her Twentieth
Fiksi RemajaAleevonne never imagined that he would be the one to inspire her to create the most compelling love story out of all the people.