Chapter 1: Meaty Saucy

45 3 0
                                    


Sabi nga ng nakararami ang high school life raw ang pinakamasayang bahagi ng buhay ng isang mag-aaral. Dito natin unang makikita ang iyong first true love. Sa mga panahong ito nagsisismula na tayong manligaw at magpaligaw.

First day of school excited ang lahat dahil makakasama ulit nila ang kanilang mga kaibagan pero ako, mas naeexcite ako sa mga bago kong makikilala. Habang iniikot ko ang aking mga mata sa loob ng campus, isang boses ang pumukaw ng atensyon ko.

"Jake...Jake....Jake.....uy!"

Dahil sa tawag ay agad naman akong napalingon.

"Jake anong section mo?"

"O Jane ikaw pala yan.....
.....ahh..ehh di ko pa alam ehh, ikaw ba?"

"Di ko rin nga alam eh pero sabay tayo maghanap malay mo magung magkakalse ulit tayo"

Nagsimula na itong mag kwento, alam ko na ilanng kababaihan ang mahilig magkwento.
Pinapatuloy ni Jane ang kanyang pagkukwento samantala ako naman natatuon ang atensyon sa isang transferee nakatayo malapit sa hallway ng canteen.

Ang yummm..............
bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad akong tinulak ni Jane sabay sabing,

"hoy! baka matunaw yan tsaka anong yummy yummy?"

"Ahh....hindi.....
.......ano ka ba, sabi ko yummy ung mga pagkain sa canteen kahit mabatabang ang carbonara nila yummy pa rin"

"Haayyyy naku Jake kilala na kita alam ko na hindi ang pagkain sa canteen ang tinutukoy mo. Jake pinapaalala ko lang ulit sayo na sana naman ay mag-iingat ka sa mga kilos mo tsaka panigurado akong hindi ka type niyan"

Bago pa man matunaw ang transferee sa titig ko ay niyaya ko na itong umalis at hanapin ang aming classroom.

Sa wakas na nahanap din namin ang classroon at hindi na kami naripan paghanap dahil nasa 3rd floor lang naman ito. Pero ang mas ikinaka-inis ko ay kaklase ko ulit ang bruhildang si Jane. Simula kasi first year high school hanggang ngayong fouth year siya ang kaklase ko, kaya naman siguro close na close na kaming dalawa.

Pumasok na kami sa loob. Habang inaatay ang aming guro, hindi pa rin maalis sa isip ko ang wangis ng transferee na nakita ko kanina.

"Good morning Sir!"
ang masiglang pagbati ng mga kaklase namin na nagbigay dahilan upang matauhan ako.

Agad naman akong tumayo para batiin ang aming guro. Laking gulat ko nang nakita ko ang kasama ni sir. Namilog ang mga mata ko at nagtama naman ang aking mga mata kay Jane at gaoon din siya.

"You may now take your sit"

Hindi ko alam bakit pakiramdam ko ay biglang tumigas ang aking mga tuhod na naging dahilan upang ako ay nanatiling nakatayo.

"Jake.......Jake...."
sigaw ni Jane.

"Sssorry..sorry sir.."

Napuno ng malakas na tawanan ang aming silid at napansin ko na napangisi ang kasama ni sir.

"Let's welcome our new student, introduce yourself for us"

"Hi everyone I'm Francis and I am 17 years old"

Matapos ni Francis magpakilala ay pinaupo ito ni sir sa aking tabi. Matapos nito ay agad akong nagpakilala.

"Hi I'm Jake"
ibinigay ko ang aking kamay, hindi naman ito nag-atubiling abutin ito sabay sabing

"Francis pare"

Dalawang oras na ang lumipas at tumunog na ang bell hudyat ito na recess na.

"Ah...Francis gusto mo bang sumabay samin kumain?"

Tumango ito at tumayo bilang tugon sa alok ko. Habang naglalakad kami papuntang canteen ay ipinakilala ko siya kay Jane at nagkamayan ang dalawa. Pumasok na kami sa loob ng canteen bago pa man humaba ang pila.

Nabili na namin ni Francis ang pagkaing gusto namin at nag-aantay na lamang kami sa pagbalik ni Jane. Dahil mahaba ang pila kung nasaan si Jane ay naiisapan naming tinikman ni Francis ang binili naming spaghetti. Nauna nang kumain si Francis at sabay sabing,

"hhmmm... sarap ah".

Sa mga oras na iyon ay di ko alam kung bakit inaabangan ko ang pagsubo ni Francis sa kanyang pangkain.

"Yeah....ang sarap... mo".

"Jake? anong masarap?
.........ako masarap?"

"Ahh...ehhh..ano..ang sarap ng ano..ng..ng spaghetti..oo spaghetti ang meaty kasi and saucy din......
..........Last year kasi matabang to tapos kulang sa sahog"

ang pautal utal kong sagot sa kanya. Muntik na akong mabuking ni Francis. Dahil sa nangyari ay  mas gusto ko na lang na lang lamunin ng lupa nang dahil sa kahihiyan. Halos kaba at takot ang nararamdaman ko sa puntong iyon.

"Ahhh okay.....
.......kala ko ako ung masarap.
Ahh Jake may tatanong sana ako sayo wag ka sanang mamasamain"

"Ano yun?"

"Teka.....
...... wait pano ba to sabihin?

.......ahh Jake bakla ka ba?"

best friendWhere stories live. Discover now