Chapter 2: Scent

26 3 0
                                    

" Jake bakla ka ba?"

"Huh!...
.... ano? ako bakla.........?"

Pagkagulat at pagkabigla ang unang pumasok sa isip. Di ko alam kung bakit niya iyon naitanong sakin. Dahil sa sinabing iyon ni Francis tinitigan ko ito sa mga mata at tinitimbang kung seryoso ba ito .  Sa totoo kasi niyan ay tangging si Jane lang ang nakakaalam ng tunay na ako. Hindi ito alam ni mama o ng iba pa naming kaibigan dahil sa takot ako na hindi nila ako maintindihan.

Natatakot din ako na kapag nalaman nila ang tungkol sakin ay layuan nila ako. Sino ba naman ang may gusto ng may kaibigang bading at hindi normal kung ituring ng iba. Kaya kahit na mahirap, pinipilit ko ang sarili ko na magpakalalaki.

"Francis seryoso ka ba?
...ako bakla? baka ikaw?

"Sssoorry.....
...hindi ko naman alam na seseryosohin mo pala. I'm just joking, ito naman hindi na mabiro"

Napangisi na lang ako sa kanya tanda na hindi ako galit sa mga sinabi nito.

"Sorry kung naoffend ka".

Natawa na lang kaming dalawa nang biglang,

"ang saya ha..
.........anong meron?"

"Ahhh wala.....
.....ito kasing si Francis may pagka joker.
Teka bakit ang tagal mo? malapit ko ng maubus tong binili kong pagkain"

"Si ate kasi ang daming binili halos lahat ng kaklse niya binilihan niya"

"Guys wala na ba kayong ibang bibilhin?"

Sa salita iyon ni Francis ay natigilan kaming dalawa ni Jane. Bumalik na kami sa classroom namin at doon na tinapos ang iba pa naming biniling pagkain.

Isang mahaba at nakakapagod na hapon ang dumaan ngunit masaya naman.

"Ahhhh Francis san ka ba nakatira?"

Napangiti na lamang ako nang sabihin nito kung saan ito nakatira. Dalawang street lang kasi ang layo ng bahay nito sa bahay namin.

"Sabay ka na samin ni Jane, pauwi na rin naman kami"

Tumango na lang ito  sa akin bilang sagot sa aking alok. Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay nadaanan namin sila Migs at ang kateam mates nito na naglalaro ng basketball.

"Jake sali ka samin tsaka isama mo rin yang kasama mo"

"Pare ako nga pala si Migs",

"Francis pare"

Habang pinapakilala ni Migs si Francis sa mga kateam mates nito ay nagpaalam na rin si Jane dahil pupunta pa ito nang bayan para mamili ng ilang gamit sa school.

"Jake una na ko...
.....Francis mauuna na ko sa inyo, talunin niyo si Migs"

At kumaway ito sa kateam ni Migs hudyat na aalis na ito.

"Aalis ka na agad baby, pano mo makikita kung gano ako kagalingan"

Pagmamayabang ni Migs kay Jane. Matagal na kasing nililigawan ni Migs si Jane. Mag-aapat na taon na nitong sinusuyo si Jane pero study first si bakla. Tuluyan na ngang nakalayo si Jane at nag- umpisa na rin kaming maglaro. Isang oras na ang nakalipas kaya naisipan ko ng magpaalam kay Migs.

"Migs una na kami at marami pa kaming assignment na gagawin"

" Sige pare ingat kayo sa pag-uwi..
.......bukas na lang ulit"

Malapit na ko sa bahay ng biglang nag-salita ang basang basa sa pawis na si Francis.

"Ahh Jake nakakahiya man pero kakapalan ko na mukha ko"

"Ano yun pare?"

"Ahhh... ehhh...  Jake pwede ba akong makahiram ng damit mo? mapapagalitan kasi ako ni tita kapag nakita niya na ang dumi ng damit ko"

"Pwede naman, sana may magkasya sayo"

May kalakihan kasi ang katawan nito halatang batak sa mga gawing bahay. Pumasok na kami sa loob ng bahay at naghanap na rin ako nang damit na magkakasya sa kanya.

"Jake wala ka bang kasama dito?"

"Meron, si mama ang kaso nasa trabaho pa yun mamaya pang 10 dating nun"

"Ehhh papa mo nasan?"

"Si papa? di ko alam ehh kapag tinatanong ko naman si mama palaging sinasabi nito na patay na daw...
......Ikaw ba, sino kasama mo sa inyo?"

"Si tita lang, sa totoo nga nyan siya nagpapa- aral sakin"

"Ehhh mga magulang mo nasan?"

"Wala na sila mama't papa, matagal na silang wala"

Napansin ko na biglang itong naluha sa mga sinabi nito, halatang sa maamo niyang mukha na miss na miss niya na ang mga magulang niya.

"Sorry Francis naitanong ko pa"

"Ano ka ba okay lang tsaka matagal na yun"

Habang nagpupunas ito nang mga luha ay inabot ko na ang damit na pamalit sa basang basa niyang polo.

"Francis ohh, sana magkasya sayo"

"Salamat"

Agad niya namang hinubad ang suot nitong basa polo at sando. Nang mga oras na yun hindi ko alam pero napako ang tingin ko sa makinis at maputi niyang katawan. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang sa kanyang katawan. Halos hindi ko na namamalayan na nailalapi ko na pala ang aking mukha sa kanyang katawan kaya nagsalita ito.

"Jake anong ginagawa mo?"

"Ahh..wala...nababanguhan lang ako sa pabango mo"

"Ehhh hindi pa naman ako nagpapabango"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Napakamot na lang ako at sabay sabing,

"ahh baka dumikit sayo ung amoy ng pabango mo"

"Okay"

Kabang kaba ako, halos sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Ipinagpatuloy na nito ang pagbibihis.

Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na ibaba pa ang tingin sa kanyang suot na black pants, natigilan lamang ako ng sabihin nitong.

"Ayannn kasya, Jake balik ko na lang bukas, salamat ulit ahh"

Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya na nooy ay hindi pa rin maalis ang tingin ko sa black pants niya. Sa pagmamadali nito ay naiwan nito ang basang polo at sando na nakapatong sa upuan. Hindi naman ko naman na ito hinabol,naisip ko na ako na lamang ang maglalaba ng mga ito.

Kinabukas agad akong pumasok sa banyo para maligo mali- late na kasi ako. Palabas ko sa banyo ay may pamilyar na boses akong narinig mula sa sala. Nakita ko si Francis kausap si mama.

"Ohh anak tapos kana pala kanina ka pa inaantay ni pogi, bilisan mo na"

Tumakbo na ko sa kwarto at mabilis na nagbihis at tinungo si Francis.

"Sorry natagal, teka ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Ahhh hindi sinadya ko talagang dumaan dito para ibalik to tsaka gusto ko na sabay tayong pumasok.
....Nilabhan ko na rin yan ay pinabanguhan, diba sabi mo ang bango ng pabango ko, kaya ayan para lagi mo kong naaamoy.

Natawa na lamang ako at ganon din siya.

"Ano tara na"

Tumango na lang ako bilang tugon. Palabas na kami ng pinto nang bigla itong magsalita,

"tita una na po kami"

Nagulat ako sa mga sinabi nito, si Francis lang kasi ang unang lalaking nagpaalam kay mama. Ang iba ko kasing kaklase ay bigla na lang umaalis ng hindi man lamg nagpapaalam.  Dahil doon ay lalo ko pang hinangaan si Francis.

best friendWhere stories live. Discover now