Pasko, isa sa mga pinakamakasayang okasyon sa buhay nating mga Pilipino. Sa panahon kasing ito ay nagkakasama sama ang mga pamilya, nagkakabati bati ang mga magkaka- away at sa mga panahon ding ito ay naipaparamdam natin ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal sa isa't isa.
Habang abala ako sa pag- aasikaso ng mga bisita ay may isang boses na pumukaw sa aking atensyon. Agad akong nabigla nang bigla itong bumulong sa aking tenga.
"Merry Christmas and happy birthday baby...."
Bahagya nanlaki ang aking mga mata sa mga sinabi niyang iyon at agad ko itong hinarap halata sa mukha nito ang pang- aasar.
"Huh...! anong baby baby? ehahahahaha...
..baka marinig ka nila anong pang isipin ng mga yan tsaka anong baby, eh di pa naman kita sinasagot""Sa ngayon hindi pa pero hindi ako titigil hangga't di mo binibigay sakin ang matamis mong oo"
" Ehahahahaha umayos ka nga dyan nakatingin na sila lahat sayo, tsaka ibaba mo yang kamay mo nakakahiya. Ano ka tumutula? ehahahahaha..
...Teka si tita nga pala nandyan na ba?
kanina pa kasi siya hinihintay mama""Ahh Jake sa totoo niyan ako lang, si tita kasi ay umuwi ng probinsya kaninang madaling araw"
"Ahh ganon ba?
...sayang naman""Tsaka pinabibigay niya nga pala to sayo, pabirthday and pachristmas niya raw yan"
Sabay abot ng isang maliit na subre at isang kahon.
"Ahhhhh pasabi kay tita salamat..
..buti pa si tita may regalo sakin ung iba wala""Huh..? regalo ba? ito ohh regalo"
"Nasan?"
"Ako"
Natawa na lamang ako sa sinabing iyon ni Francis. Agad ko munang itong pina- upo at baka matumba sa mga tinuturan nito. Baka dala lang ito ng gutom, ang pang- aasar ko dito.
"Kumain ka muna baka gutom lang yan"
"Ahhh mamaya na hindi pa naman ako nagugutom, asikasuhin mo muna mga bisita mo dito lang ako kila Jane. Happy birthday ulit baby"
Agad nitong tinungo ang lugar kung nasaan sila Jane at ilan pa sa aming mga kaklase. Matapos nito ay tumungo na ako sa kusina para kumuha ng maiinom.
Matapos kumain at umuwi na rin ang mga kaopisina ni mama. Dahil may kalayuan ang ilan sa kanila ay inihatid niya na ito gamit ang sasakyan namin. Kasabay nito at nagpaalam na rin sila Jane at ang aming mga kaklase. Kami na lamang ni Francis ang naiwan sa loob.
"Jake ako na nyan, umupo ka muna at magpahinga, alam kong pagod ka na"
Natapoos na nitong ayusin ang mga kalat kaya niyaya ko itong kumain dahil kahit hindi niya sabihin ay alam ko na gutom na ito.
"Francis kain muna tayo, ahh teka't ipaghahain muna kita. Ano bang gusto mo?"
"Spaghetti, ung meaty and saucy ahh..
ehahahahaha"Naalala niya pa pala ang tungkol sa meaty and saucy. Napangiti na lamang ako nang narinig ko ang sinabi ni Francis. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari ng mga panahong iyon.
"Huh...?"
"Sabi ko, ung masarap..
...ehahahaha"Natapos na kaming kumain at wala pa rin si mama. Naisipan kong buksan ang videoke para kahit papaano may malibang kaming dalawa.
Sa tagal naming magkakilala ni Francis ay hindi ko pa itong narinig kumanta. Hindi naman kasi ito nagkukwento. Pagbukas pa lamang ng kanya labi, unang letra, unang salita, unang tono ay napagtanto kong magaling sa larangan ng pag- awit si Francis.
Sa maganda at lalaki boses nito ay lalo tuloy akong napapa- ibig at nahuhulog sa kanya. Sa mga titig na tila ba'y may salitang lumabas sa kanya. Salitang gustong gusto kong marinig. Sa bawat ngiti na nagbibigay kuryente na dumadaloy sa aking buong katawan.
"Jake....
.......I love you"Napangiti na lamang ako sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasaya at pinakamaswerteng tao sa gabing iyon.
Ito na ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko.
Si Francis.