Chapter 5: Why?

10 1 0
                                    

Mabilis na dumaan ang mga araw., hindi ko napansin na halos mag-aapat na buwan na ang nakalipas matapos ang retreat. Isang buwan na lang ay darating na ang karaawan ko.

Sabado at wala kaming pasok sa eskwela, sinadya ko na magpatanghali na ng gising dahil wala namang pasok. Mag-aalas nuebe na ng umaga nang ako ay bumangon na sa higaan, nakaramdam na rin kasi ako ng gutom.

Habang bumababa ako sa hagdanan ay may bigla na lamang may kumatok sa pinto. Napa- isip ako kung sino ang nasa labas, wala naman kasi akong inaasahang bisitang darating. Kaya naisip ko na si Francis ang tao labas. Agad ko na tinungo at pagmamadaling binuksan ang pinto.

"Ang tagal mo naman, kanina pa ko kumakatok dito"

"Ohh Migs ikaw pala,
....ano nga pala ginagawa mo dito?"

"Jake may gagawin ka ba?
...yayain sana kita na maglaro ng basketball, tsaka sama mo ulit si Francis"

"Bat di mo puntahan tsaka hindi rin ako makakasama, maglalaba pa kasi ako...
...kung matapos ako ng maaga, sunod na lang ako"

"Ahhh ganon ba, sige basta sunod ka ha"

Nagpaalam na rin si Migs sa akin at hinihintay pa ito ng mga kateam mates niya. Habang sinasara ko ang pinto ay nakaramdam ako ng lungkot. Dahil na rin umaasa ako na si Francis ang tao sa labas na kumakatok sa pinto.

Habang tumatagal na napapalapit na ako kay Francis. Hindi ko na rin minsan nagagawa ang ilan sa mga assignment ko. Napansin din ni Jane na hindi na ako masyadong nakakapag- recite at halos lahat ng oras ko ay nakatuon na kay Francis.

Pagkatapos kong kumain na agad na ko nang nilabhan ang ilan sa mga labahin namin ni mama. Dahil nakawashing machine naman kami ay isinabay ko na ang paglilinis ng bahay. Hapon na rin akong natapos at hindi na ako sumunod sa court kung saan ay maglalaro kami nila Migs. Nawalan din kasi ako ng gana at napagod din ako sa pag- aasikaso sa bahay.

Habang nasa sala ako ay kinuha ko ang aking cellphone at nilog- in ang aking Fb. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mga comments sa profile picture ko ay may isang message ang dumating sakin.

"Hi...
ako nga pala si Abby, girlfriend ako ni Francis. Ahh itatanong ko lang sana kung anong address mg school niyo. Nakita ko kasi sa fb na magkakilala kayo"

Huh? ano naman paki konkung girlfriend ka ni Francis, di ko naman tinanong. Tsaka close ba kami, eh ngayon ko nga lang to nakita. Dahil sa message iyon ni Abby ay agad ko na tiningnan ang ilang pictures nito sa fb. Napansin ko rin na may pictures na magkasama sila ni Francis.

"Ahh sorry late reply, ako nga pala si Jake. Bakit di ba kayo nag- uusap? sa kanya mo na lang itanong"

"Okay lang, ako nga tong nakakaabala..
.....hindi niya kasi sinagot mga tawag ko tsaka ni hindi niya rin binasa mga messages ko"

Dahil sa sinabing iyon ni Abby, nabuo sa isip ko na baka ayaw na sa kanya ni Francis. Napangiti na lamang ako na parang demonyo. Alam ko na mali ang ginagawa ko pero kung alam ko na may lamat na ang relasyon nila ay baka sakaling may pag- asa ako sa kanya.

"Jake sorry kung aabala kita, wala na kasi akong naiisip na paraan para maka- usap si Francis. Alam ko na ikaw na lang ang taong makakatulong sakin na maka- usap siya. Galit kasi siya sakin at gusto ko na magkaayos kaming dalawa. Napalayas kasi samin kaya wala na akong iba pang matutuluyan, si Francis na lang ang pwede kong lapitan"

Ang sayang nararamdaman ko ng mga oras na iyon ay napalitan ng awa. Di ko alam na ganon pala ang nangyari sa kaniya. Naisip ko agad na mali ang gagawin ko, mali ang sirain ko ang relasyon nila. Natauhan ako sa mga sinabing iyon ni Abby.

Bago matapos ang araw ay tinawagan ko  si Abby at binigay ang address ng school at address nila Francis. Dahil napansin kong bumababa na ang ilan sa mga grades ko at nawawala na ang focus ko sa pag-aaral, malaki ang tulong ni Abby.

Magkakaroon na ako ng dahilan para iwasan si Francis. Liban sa makakapag- focus ako sa pag- aaral ay mabibigyan ko na ng oras si Jane. Sa totoo niyan ay nagtatampo na ito dahil simula ng nakilala ko si Francis ay sa kanya na lamang nakatuon ang atensyon at oras ko.

"Jake iniiwasan mo ba ko?..
..Jake kausapin mo naman ako"

Hindi ko na sinagot ang mga tanong nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi na rin ako nagpapa- antay sa kanya tuwing umaga. Hindi ko na rin ito kinaka- usap. Iniiwasan ko na siya kung magkakasalubong kaming dalawa.

"Jake ano bang problema?
..may nagawa ba ko na hindi mo nagustuhan. Isang linggo mo na akong hindi kinakausap, ni hindi ka na rin nagrereply sa chat ko....
Jake kausapin mo naman ako, ano ba kasing problema?"

Halos lumuhod na ito sa harap ko. Habang ginagawa niya iyon, ay awa ang nararamdaman ko. Pero kailangan ko na tatagan para naman ito sakin.

"Walang problema, tumayo ka na dyan at nagmamadali ako"

Sa pagtayo nito ay may isang boses ang narinig ko na galing sa aking likuran.

"Babe...?
...Francis..."

Si Abby. Bigla nitong niyakap si Francis ng napakahigpit. Bakas sa mga yakap nito ang pagka- miss. Hindi naman gumati ng yakap si Francis. Kita sa mukha nito ang pagkagulat, hindi niya kasi inaasahang darating si Abby.

Nang mga oras na iyon, di ko alam kung bakit ako nasasaktan. Kitang kita ko kung gaanon kamahal ni Abby si Francis. Ang sakit makita
na ang taong mahal na mahal mo ay pagmamay- ari na nang iba. Gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa para hindi ko nakita kung gaano sila kasaya. Gustuhin ko mang humakbang palayo ay di ko magawa, ayaw gumalaw ng mga paa ko sa kinatatayuan nito.

Sana bulag na ako. Nang hindi nakita at di ko maramdam ang sakit. Unti unti nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kayang makita ang anong mang nasa harap ko. Nakakatitig lamang sakin si Francis, walang emosyon. Habang humihikbi ako ay agad na tinulak ng marahan ni Francis si Abby.

"Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman kung nasan ako? Tsaka bitawan mo nga ako"

"Di mo man lang ba ako tatanungin kung okay lang ba ako?
..nagpatulong ako sa kaibigan mong si Jake, binigay niya sakin ang address ng school niyo, para maka- usap kita. Pina- alis na ako samin ay wala na akong iba pang matutuluyan pa"

"Bakit di ka pumunta sa kanila? Ang kapal naman ng mukha na magpakita pa sakin at ngayon hihingi ka pa nang tulong. Alam mo ba kung gano kahirapan at kasakit ang ginawa niyo sakin ng pinsan ko?
...halos hindi ko alam ang gagawin ng nalaman ko na niloloko mo ako. Hindi ko alam kung anong mali ang ginawa para ipagpalit mo ko, ang mas masakit ay sa pinsan ko pa. Isa dalawang pagkakamali mo tinanggap ko, nagbulag bulagan ako. Pero ung lokuhin mo ko ng tatlong beses at sa harap ko pa, ang lakas din ng loob mo na magpakita pa sakin"

Sa mga sinabing iyon ni Francis ay unti unting tumulo ang mga luha nito na kanina pa gustong kumawala. Hindi na sumagot pa si Abby, napayuko na lamang ito.

"Abby ang dami kong pangarap para satin. Ang daming isinakripisyo para sayo. Tinalikuran ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko para sayo. Ang tanga tanga ko, nagpaloko ako sayo..."

Agad na lumapit sakin si Francis at hinawakan ang kamay ko. Nagulat na lamang ako sa ginawa niyang yun.

"Siya ba....?"

"Oo Abby, si Jake. Alam ko na hindi tama, pero wala akong pakialam. Kaya umalis ka na"

Naramdam ko na lamang ang palad ni Abby. Ngunit di na ako umalma pa dahil alam ko ang sakit na dulot non sa kanya. Agad na naglakad palayo si Abby dala ang sama ng loob at sakit.

"Francis joke ba to?
.......hindi ako natutuwa"

"Jake hindi to joke...
...Jake mahal kita"

"Ano...!? mahal..?
.....Francis bakit ako?"

best friendWhere stories live. Discover now