Chapter Eight

29 5 18
                                    

I ran towards their classroom. I can't think of anything, basta ang gusto ko lang ay malaman niya ang nangyari.

Hiningal akong nakapunta sa tapat ng pinto nila. Pinunasan ko muna ang luha ko bago kumatok, hindi ko na inantay ang permiso ng teacher nila, binuksan ko na agad ang pinto.

They're all turned to me. Hindi ko sila pinansin at hinanap agad si Chryszyler. I saw him at the second row, near the window. His bored look turned into a worried look when he saw me, maybe he notice that I cried?

Tumayo siya kaya napunta sakaniya ang atensyon. Hindi niya rin 'yon pinansin at mabilisang pumunta sa akin.

He cupped my face and examine me. "Are you okay?" he asked, worriedly.

Umiling ako at hinawakan ang kamay niya, Nanginginig pa ang kamay ko. "I-I'm okay, but y-you're parents." Mas nag-alala ang mukha niya sa sinabi ko. "Tumawag 'yong Caring Hospital, naakside--" Hindi na niya ako pinatapos dahil tumakbo na siya palabas.

Narinig ko pa ang sermon ng teacher niya pero sumunod nalang ako sakaniya. Ang layo na niya sa akin. Ang bilis niya tumakbo! Hindi ko siya mahabol.

Tumigil ako saglit para habulin ang hininga ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang nanikip 'yon. Kanina pa pala ako tumatakbo.

Napatingin ako kay Chryszyler na pabalik sa akin. Sinenyasan ko siyang 'wag na, pero patuloy lang siya sa paglakad papunta sa akin.

"You okay?" he asked. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Lakad takbo ang ginawa namin papunta sa kotse niya.

Pagkapasok namin sa kotse niya, agad niya 'yon pinaharurot. Palinga-linga siya sa kalsada. Hindi mawala ang pag-aalala sa mukha. Pinalobo ko ang pisngi ko dahil hindi ko rin alam ang gagawin.

"I said don't do that." Nagtataka ko siyang tinignan. He glanced at me. Nakita niya pa 'yon? He bit his lower lip. Ipinatong niya ang kaliwang braso sa bintana at kinagat ang kuko. Halatang kinakabahan siya.

"Chryszyler," I called. Saglit siyang tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Magiging okay lang sila." He looked at me. I smiled at him that made him sighed. Umibsan naman ang pag-aalala niya nang kaunti.

"It's just too early this year..." sabi niya. Hindi ko naintindihan kung anong tinutukoy niyang maaga. Hindi ko na siya pinansin at inantay na makapunta sa Hospital.

"Where's Mr. and Mrs. Dizon's room?" Chryszyler asked. May tinignan naman ang isang nurse sa desk bago tumingin sa amin.

"Mr. Dizon is in Private Room 03..." She smiled awkwardly before continuing. "Mrs. Dizon is still in the Operating Room..."

Napalingon ako kay Chryszyler. Nakita kong kumuyom ang kamao niya bago tumakbo papuntang Operating Room.

Nakarating kami ro'n at hindi pa tapos ang pag-opera nila. Naglakad-lakad siya nang pabalik-balik sa tapat ng pinto habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Taas baba ang balikat niya na akala mo'y hinihingal.

"Hindi mo ba pupuntahan papa mo?" tanong ko. Tinignan niya ako. Halatang hindi niya alam kung sino ang uunahin.

"I don't want to think that there's no one here waiting for mom." Naglakad-lakad ulit siya. Pinalobo ko ulit ang pisngi ko. Hindi ko na rin alam ang gagawin. Alam kong nahihirapan siya ngayon at naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para matulungan siya.

"How many times do I have to tell you that stop doing that." Nakatingin ako sa kawalan, hindi ko siya napapansin. Iniisip ko pa kung anong p'wedeng gawin para tulungan siya. "If I ever see you do that ag--" Tumigil siya nang mapansin na hindi ko siya pinapakinggan. "Are you listening?"

The Darkest LightWhere stories live. Discover now