Chapter Ten

26 4 64
                                    

"M-Mang Bert..." Kanina pa kami nagtitigan dito. Hindi namin alam kung anong salita ang bibigkasin.

"A-Andiyan ka pala, Mang Bert?" tanong ko. Gagana ba 'to? Kunware wala akong alam.

Napakurap-kurap naman siya bago ilapag ang punong-kahoy sa tabi. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Kinakabahan na ako!

"P'wede mo ba ako tulungan dito, Faye, iha." I tilted my head to the side. Still processing what he said. Wait. Hindi niya nahalata?

I heaved a sigh before helping him. Naginhawaan ako! Pagtapos ko siyang tulungan ilagay ang mga punong-kahoy sa tabi ng karinderya, tinanong ko kung nasa saan si Aling Melinda.

"Nasa kusina, nagluluto." Tinitigan ko muna siya magputol do'n bago pumunta sa loob.

Naginhawaan ako na hindi niya nakita. Kailangan ko na talaga mag-ingat. Nakita ko naman ang araw na papaakyat na. Bumuntong hininga pa ako bago pumasok sa loob ng karinderya

"Aling Melinda?" pagtawag ko. Dumiretso ako sa kusina kung saan nagluluto si Aling Melinda. Parang narinig ko naman na may kausap siya kaya dinalian ko ang pagpasok.

"Baka mamaya pa 'yon si Faye. Salamat sa pagtulong, iho." Rinig kong sabi ni Aling Melinda. Sino kausap niya? Bakit hinahanap ako?

"Ayos lang po, Aling Melinda! Malayo po ba bahay niya rito?" I froze when I heard Thy's voice. Hindi ko maapak ang paa ko ulit. Lalong natigilan ako nang marinig ang huling sinabi niya. He knows that I don't live here. Paano kapag nagtanong siya? Paano kung sabihin niyang ihahatid niya ako?

Tatalikod na sana ako nang makita ako ni Thy. Shemay naman.

"Faye! Andito ka na pala!" Tumingin ako sakaniya at nginitian siya. Magulo ang mahabang buhok niya. Naka dark green t shirt siya at pantalon. He's smiling widely.

"Nagkaabutan na rin kayo!" sabi ni Aling Melinda habang naghahalo. "Araw-araw 'yan dito si Thyron! Inaantay ka. Siya lagi tumutulong sa akin, 'di ba, iho?" Natawa naman si Thyron sa sinabi ni Aling Melinda. Tumango ito at nginitian si Aling Melinda bago lumapit sa akin.

"Good morning," I greeted. Ngumiti siya sa akin at binati ako pabalik. Come to think of it, madalas na nga sila rito kumakain, pero hindi ko naman inaasahan na andito lagi si Thy.

"Makanonood ka ba mamaya?" he asked. Iginaya ko na muna siya sa upuan para makaupo. May gig ulit sila?

"First gig with Chryszyler?" I asked. Nalungkot naman ang mukha niya pero ibinalik din ang ngiti. Umiling siya at tinukod ang siko sa lamesa.

"Still in the hospital," tipid niyang sagot. Sabagay, hindi naman niya agad-agad maiiwan ang magulang niya ro'n. Hindi pa nga ata gising ang mama niya.

"Anong oras gig niyo?" He looked at his wrist watch. Lumingon siya sa pasukan ng karinderya at nagpalinga-linga, parang may hinahanap.

"They should be here by now." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Kahit nagtataka ay nginitian ko nalang din.

Naalala kong nagluluto pala si Aling Melinda. I want to help her. Napalobo ako sa pisngi ko, hindi ko naman p'wede iwan si Thy rito. Thy saw it and chuckled. Tinigil ko naman agad ang paglobo. What's wrong with blowing my cheeks? Pinuna na rin 'yon ni Chryszyler. I can't help it.

"What's wrong?" he asked. I saw how concern he is. Hindi ako makaisip ng sagot sa tanong niya dahil hindi ko naman alam kung bakit siya nagtatanong. Nakita niya siguro ang pagtataka ko. "You do that when you don't know what to do," he said that made me stop. Parang narinig ko na 'yon, a?

He chuckled when I didn't answer. Suddenly, his joyful eyes became curious. Hindi siya nagsalita, tinitigan lang niya ako with those curious eyes. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako.

The Darkest LightWhere stories live. Discover now