Chapter 1

6 0 0
                                    

" Bakasyon nanaman!!!!!!! "  sigaw ko habang pagulong gulo sa kama ko.

iniisip niyo siguro kung bakit ako naiinis? kasi dapat masaya ako kasi bakasyon pero hindi, hindi na ako makakalabas ng bahay, tanging sa loob nalang ako ng bahay paikot ikot nakakasawa na, nasa akin na ang lahat pero isa lang ang wala kundi ang kalayaan.

Kalayaan lang ang hinihingi ko sa kanila pero hindi nila ito binibigay kasi daw babae ako dapat mag ingat ako lagi, nakakasama ng loob kasi tinuturing pa nila akong bata mag 18 na ako next month pero ito padin nakakulong.

Simula kasi bata pa ako lagi na ako nakakulong, wala na din akong mga magulang  matagal ng namatay, tanging si lolo nalang ang meron ako ngayon, isa nga akong mayaman dalaga pero malungkot ang buhay, naiintindihan ko naman sila pero diba dapat bigyan naman nila ako ng kalayaan?

naalala ko tuloy ng may pasok pa ako, ang saya saya nakakalabas ako kung saan saan ng hindi ni lolo nalalaman, ang sarap sa pakiramdam lumanghap ng hangin sa labas kahit maingay at mausok gusto ko padin, hays nakakamiss talaga.

Nag iisip nanaman ako ng paraan para makatakas uli, sana maging succesful na to, di ko na kayang mag failed ulit, sabi nga nila try and try lang para makuha mo ang gusto mo,hindi naman ako naniniwala ilang beses na ako nagtry pero wala padin, nakakakulong padin sa isang magandang selda.

lalabas na nga muna ako para makapagrelax relax naman ako kahit papaano, malawak naman itong mansyon, May swimming pool, may basketball area, may garden, may helicopter terminal,lahat ng iniisip niyo meron charot! sempre kalayaan lang ang gusto ko.

naglakad lakad lang ako sa garden at umupo sa bench nag iisip, ano pa? edi kung paano makatakas,ilang taon ko na gusto makawala sa seldang ito nakakasawa na, paulit ulit ang mga nakikita, mga body guards, mga yaya ay nako nakakasawa na ulit ng ulit ng ulit.

tumingin ako sa kalangitan at napangiti, nakakamiss yung mga magulang ko kahit limang taon ko lang sila nakasama, ay iyon na ang napakasayang pangyayari sa buhay ko, nung una hindi ko matanggap na wala na sila, kahit hanggang ngayon hindi ko parin matanggap
lalo na ngayon na mag cecelebrate ako ng 18th birthday ko sa december 29 next month diba? nakakalungkot, imbis na si daddy sana ang last dance ko wala na, naiiyak nanaman tuloy ako hays.

365 DAYSWhere stories live. Discover now