Kabanata 10

608 19 1
                                    

Kabanata 10
Weird

Did you experience something that makes you think that it is the end for you? That, that is your last day here on earth?

Because if you ask me? Then I'll answer, yes.

It is so traumatizing for me to experience that horrible thing. But the father in heaven gave me another chance to live again. And that is something that I want to thank.

And to that person who save me from that traumatizing scenario. I want to say thank you to him. I want to thank him personally but I don't have an idea who he is and what he looks like. 

That day I just suddenly woke up here in my bed, sleeping peacefully. And I asked my tiyang why I end up here. When I clearly remembered that I'm with someone.

I'm with the person who save me.

Ang sagot nya sa akin ay nakita nila akong nakahandusay sa sahig sa labas ng pintuan. Marami daw akong mga sugat kaya agad silang nagmadaling gamutin ako. Mukhang marami daw dugong nawala sa akin kaya naman hindi na sila nag atubili pang gamutin ako dahil baka daw hindi na ako maagapan. 

I still did not tell tiyang that I already knew what kind of creatures they are. Hindi ako nakatyempong sabihin sa kanya iyon pero alam ko naman na ngayon ay mukhang alam na niya. Alam na niya na alam ko kung anong klaseng mga nilalang ang nasa palibot namin. 

But I am wondering kung anong klaseng nilalang ang pinagsisilbihan namin ngayon. Could it be vampire? Or werewolve? Hindi ko kasi makita sa kaniya ang pagiging witch. It is either vampire or werewolve. 

Pagkatapos ng dalawang araw na walang pasok ay gumaling na din ang sugat ko. Nakakapagtaka dahil wala ng bakas ng kung anong sugat ang katawan ko. Ngunit dalawang araw palang naman ang nakalipas magmula ng gamutin ako. And from what they told me, mukhang malala ang natamo kong sugat dahil sa nangyari. Ngunit nakakapagtaka na dalawang araw lamang ang lumipas ay tuluyan na akong gumaling at tuluyan na talagang nag hilom ang mga sugat ko sa katawan. 

Maybe they did something? A spell perhaps?

I shrugged. Wala namang problema sa akin kung ginamitan nga nila ako ng spell. Using a spell is okay for me  as long as walang nasasaktang ibang tao. Nasa nature na talaga nilang gumamit ng spell kaya sino tayo para husgahan sila? Kung wala naman silang naapakan o napepwerwisyo ay ayos lang naman iyon. Ang masama lang naman ay ang gumamit ng  black magic. They used Black magic to harm other people. They learned it to use against innocent people. 

"Oh hija? Hindi ka pa papasok?"

Napalingon ako kay tiyang ng tanungin nya ako. Wala akong ganang pumasok dahil sa nangyari noong nakaraang linggo. Like what I've said, I was traumatized. Who would not? Kung ganoon ang ginawa nila sayo. May lakas ka pa bang pumasok?

Pinag aagawan nila ako. Iyong mga tingin nila ay tila mga uhaw na uhaw sa dugo. Ang nakakatawa pa ay wala man sa mga kaklase ko na lobo at witch ang tumulong sa akin. Nanonood lamang sila habang pinag aagawan ako na para bang isa akong masarap na pagkain. Kaya naman takot na takot na akong pumasok pa pagkatapos ng nangyari. Papaano nalang pag nakita nila ako? I know wala akong magiging kakampi kahit na mga lobo o witch man. 

Kung papasok ako edi kakagatin nila ako dahil alam nilang tao ako. Nakakapagtaka nga na wala pang bampira ang sumugod dito sa mansyon. Alam ko naman na matatalas ang pang amoy nila kaya bakit dalawang araw na ay wala pa ding sumugod. Hindi naman sa gusto ko iyong mangyari pero nakakapagtaka lang. 

Dahil ba malayo ang mansyon kaya hindi sila nakapunta? 

Gusto kong matawa dahil sa naisip. Kahit na malayo man iyon ay magagawa pa ring makapunta ng mga bampira dahil may kakaiba silang lakas at liksi. Kaya sino ang niloloko ko?

The Alpha's Secret [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon