Kabanata 14

517 17 0
                                    

Kabanata 14

Alpha

Napabalikwas ako ng bangon at ramdam ko kaagad ang pagkirot ng ulo ko. Napahawak agad ako sa sintido at napangiwi. Omygosh. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko sa sakit. Ano ba ang ginawa ko at ganito nalang kasakit ang ulo ko?

Pumintig ang ulo ko kaya naman napapikit ako ng mariin. Then a sudden flashed of memories about what happened yesterday flooded inside my head. Bigla-bigla ay napamulat ako ng mata at pinamulahan agad ako ng mukha ng maalala iyon. Ilang beses akong lumunok habang nakatingin sa kawalan. Nakagat ko ang ibabang labi at marahas na ginulo ang buhok. 

Oh gosh! What did I do?! Did I just kissed him like there is no tomorrow? Gigil na gigil? Para bang gutom na gutom at tanging ang mga labi niya lamang ang makakawala ng nararamdamang gutom. 

Sinabunutan ko ang buhok ko at mariing napapikit. Paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang eksena kagabi na para bang trailer sa isang movie. Umiling iling ako para mawala iyon sa isipan ko pero parang walang epekto. Paulit-ulit na parang sirang plaka. Ang malala pa ay bakit doon lang sa eksena na nasa parking lot? Huhu bakit highlighted?

"Ahhh!" Sigaw ko at marahas na humiga ulit sa kama bago binaon ang ulo ko sa unan. 

"Stopppp ittt!!!" Pinagdyak padyak ko ang paa sa kama at inis na ginulo ang buhok ko. Anong mukha na ngayon ang ihaharap ko sa kanya? Bakit ba kasi ganoon ako kapusok pag lasing? Kung alam ko lang talaga na sisipot siya doon ay sana hindi na ako uminom.

But why? Bakit nandoon siya?! Uminom nga ako para makalimot pero ang ending nadagdagan lang ang problema ko.

"Bakit ganitoooo."

"Gising ka na pala."

Marahas akong napabangon at bumaling sa may pintuan. Napabuntong hininga ako ng makita si tiyang sa may bukana ng pintuan na may bitbit na tray. Nakagat ko ang ibabang labi ng taasan ako nito ng kilay.

"Mukhang may bumabagabag sa iyo." Ani nito at inilapag ang bitbit na tray sa may gilid ng kama ko. May laman iyong bowl ng sopas at gamot. 

Binalingan ko naman si tiyang bago ako ngumiti sa kanya at yumakap. Bumuntong hininga naman ito kaya mas lalo akong napangiti at nagpacute sa kaniya.

"Ikaw na bata ka talaga, oo. Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin ha Thana?" 

Napanguso ako at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Nagpuppy eyes pa ako para sana ay mabawasan ang tampo nito sa akin ngunit seryoso lamang ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako sa klase ng titig na ibinibigay nito kaya napabuntong hininga ako. Mukhang walang epekto ang puppy eyes ko. 

"Sorry na tiyang. Hindi ko naman kasi ginustong magsinungaling. Proyekto lang talaga namin yun kaya wala akong nagawa." Nakangusong ani ko at kita ko ang pagtaas ng kilay nito bago ako nakapameywang na tinignan. Lihim naman akong napangiwi. 

"Talaga lang ha? Eh bakit nahuli kang nasa bar at nag iinom?" Patay! I'm doomed!

Nakagat ko ang ibabang labi at mas lalo pang nagpacute sa kanya. Try and try lang ako dahil alam kong hindi nya ako matitiis. 

"Kasi naman tiyang eh. Nagkaayaan lang sila kaya sumama na ako atsaka minsan lang naman eh. Diba?" 

Bumuntong hininga ito at ang kaninang seryosong ekspresyon nito ay biglang lumambot. Napangiti naman ako ng haplusin nito ang pisngi ko. 

"Okay lang naman sa akin yun Thana. Ang kaso lang eh baka napahamak ka. Baka kung hindi dumating si Sir Cassius ay baka napano ka na dun. Baka kung saang bahay ka na nakita. Ang malala pa doon ay hindi lang gahasa ang nangyari kundi pinatay ka pa."

The Alpha's Secret [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon