Kabanata 26

458 25 10
                                    

KABANATA 26
Her ex

"Grabe thanie ! I'm so happy for you." Bella exclaimed and hugged me. Natatawa ko din itong niyakap pabalik.

"Omygosh! Sana maging babae yung anak mo tas magiging kamukha ko pa." Anito habang ngiting ngiti sa akin. Gusto ko nalang na mapangiti ng marinig ko ang masayang tinig nito. Masaya ako na bumalik na ang dati nitong sigla.

"Wag naman sana. Siguro lumayo layo ka muna dito kay Bella, than. Baka kasi pumangit yung anak mo pagkasama mo to'. Nakakatakot. Alam ko naman na maganda ang genes nyo ni Sir kaso wala akong tiwala dito kay Bella." Si carter habang ngising ngisi sa akin. Agad naman itong binatukan ni bella at dun na nagsimula ang pag away nilang dalawa. Napailing na lamang ako sa ginagawa ng dalawa. Heto na naman po ang amin aso't pusa.

"Congrats thana girl! I'm so happy for you." Mahigpit akong niyakap ni Donna at napangiti naman ako. Donna is my best friend since highschool and I'm very happy that she is here with me. I really thought na malalayo kami sa isa't-isa dahil pumunta ako dito sa mundo ng mga bampira. And it saddened me thinking that she can't come with me. Pero nga talaga ang Tadhana dahil isa pala siyang witch, which gives her the priveledge to enter this world.

Simula noon ay ayaw ko na talagang humiwalay sa kanya at ganoon din siya sa akin. I even imagined us to be together until our hairs turned gray.

I smiled at my first bestfriend.

"Thank you Donna." I answered. 

"Always think that the baby is a blessing okay?" She whispered and I  nodded. I know, the baby is a blessing to me, to us. Hindi namin iisipin na isa siyang balakid dahil never siyang maging ganoon.

Braeden and I decided to go to school tomorrow para kausapin ang dean. Titigil muna ako sa pag aaral ng ilang buwan dahil nga mabilis lamang lalaki ang tiyan ko at isang buwan na lamang ay manganganak na ako. He will also want to take a leave in school. Sabi ko ayos lang naman sa akin kahit na hindi na sya mag leave dahil kasama ko naman si tiyang at tiyang arlanda. But he insisted dahil ang sabi niya ay gusto niya akong alagaan. Gusto niyang ibigay ang full attention niya sa amin ni baby kaya wala na akong nagawa at pinayagan siya.

"Tangina mo talaga." Mura ni Bella kay carter habang sinasabunutan ito. Nagtatagis pa ang bagang nito na halatang inis na inis sa lalaki.

"Aray! Aray naman! Walanghiyang amasona to!" Reklamo ni Carter at halatang nasasaktan na talaga kaya inawat ko na si Bella. Hindi naman kasi lumalaban ng pisikalan si Carter kaya kawawa talaga siya.

"Tangina mo talagang lalaki ka." Pahabol pa ni bella bago bumaling ng nakangiti sa akin na para bang walang ibang ginawang kabangisan kanina lang. Ibang klaseng babae talaga. 

"By the way." Kuha ko ng atensyon nito. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis bago ito kurutin sa tagiliran. 

"Aba't nananakit ka na thanie ah. Tong buntis na to!" Reklamo nito kaya napatawa ako. Hindi ko na din napigilan pa ang impit na pagtili. 

"Eeeeehhh! Kinikilig kasi ako." Ani ko at tumili tili pa. Napanganga ang dalawa habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay hindi sila makapaniwala habang nakatingin sa akin.

"T*ngina...iba ka pala kung kiligin. Ngayon lang kitang nakitang kilig na kilig." Usal nito na nagpatawa sa akin. Eh kinikilig nga talaga ako sa kanilang dalawa ni Cassius eh. Kung hindi lang sana sinira ni Braeden ang moment nila.

Kumunot ang noo nila sa akin.

"Bakit ka kilig na kilig dyan? May ginawa bang sweet na bagay sayo si Sir Alvaros kaya kilig na kilig ka?" Tanong ni Donna at agad naman akong umiling. 

The Alpha's Secret [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon