Kabanata I

24 5 1
                                    



"I love you,babe." bulong ng isang lalaki na nasa aking harapan.

Habang tinititigan ko ang kanyang maamo na mukha ay unti-unting naglapit rin ang aming mukha. At ayan na, konting galaw na lamang ay maglalapat na ang aming mga labi. Ito na... Ito na..... Ito n---

"HANNAH ANO BA?!" bulyaw ng isang pamilyar na boses.

"Ay ina ko!" ani ko sapagkat pagkadilat na pagkadilat ko ng aking mga mata ay si mama agad ang aking nakita na malapit na malapit sa aking mukha.

"Minumura mo ba 'ko ha?" ani mama.

"Luh mama naman hehe,labyu." ani ko sabay halik sa kaniyang pisngi.

"Bumangon ka na riyan at kumain kana! Anong oras na!" Pagbubulyaw niya.

Pabiro kong tiningnan ang orasan at sinabi sakaniya kung anong oras na. Pabiro naman niyang hinampas ang aking pwetan at pinatuloy na ako sa hapagkainan.

Nakita kong nakahanda na ang aking pagkain at pagkain niya sa lamesa. Kaming dalawa lang ang narito sa bahay sapagkat nasa ibang bansa ang aking ama upang mairaos kami sa pang-araw-araw.

"Ma! May tanong po ako." Ani ko.

"Ano 'yun nak?" Sagot ni mama.

"Paano po ba malalaman kapag inlove ka?" Pagtanong ko.

"Ha? Edi kapag mahal mo na siya, inlove kana." Aniya.

"Eh paano ko po malalaman kung mahal ko na siya?" Ani ko.

"Kapag love mo na siya." Aniya.

Tinuloy ko nalang ang pag-kain ko dahil hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasabi ng nanay ko.

Hanggang sa mapagtanto ni mama ang aking tinatanong kanina lang.

"Ba't mo nga pala natanong 'yun? Aba'y kabata mo pa ah?!" Nanlaki ang mga mata niya.

"Iniisip ko po kasi kung inlove naba ako kay James Reid hehe." Ani ko.

"Berat ka talaga!" Natawa siya at niyari na ang kinakain.

Niligpit ko ang mga pinagkainan namin at inurungan na rin kaagad ang mga 'yon.

Dumiretso ako sa kwarto at dali-daling binuksan ang cellphone ko dahil may nakita akong nagchat sa'kin sa messenger.

Makire kong pinsan:Pupunta ko diyan, ah? Pakonek sa wifi naputulan kami e, nalimutan magbayad.

Me: Dito ka matutulog?

Makire kong pinsan: Gusto mo?

Me: Ayoko.

Makire kong pinsan: Osige dyan ako matutulog. Bye! Otw na me! See u mwah.

Nickname 'yan sa'kin ng pinsan ko dahil sobrang kire nila ng jowa niya palagi. Nakakaumay kung maglandian, grabe!

Nagscroll nalang ako ng nagscroll sa facebook hanggang sa bigla siyang dumating at sumampa kaagad sa kama ko.

"Oh ano? Namiss mo ba 'ko?" Makapal na mukhang sabi nya.

"Bakit hindi kana lang nagpaload!" Pagsusungit ko.

"Bakit ba ayaw mong nandito ako?" Aniya saka tumawa.

"Eh paano hindi nanaman ako makakatulog sa ingay mo kapag kausap mo jowa mo!" Ani ko.

"Bitter kalang, wala ka kasi nun!" Aniya.

"Tse! Bahala kanga diyan." Ani ko.

Hindi nalang kami nagpansinan at nag-YouTube nalang ako para manood ng mga make-up vlogs kahit ako mismo ay hindi naman marunong mag-make-up.

Mema lang ganon? Memapanood. Habang abala ako sa paghahanap ng mapapanood ay naisipan kong panoodin nalang si James Reid.

Ultimate crush ko talaga yun! Kaya siguro nagbreak sila ni Nadine Lustre ay kami talaga ni James ang tinadhana para sa isa't isa.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, pero nagising pa rin ako nung mga bandang madaling araw na dahil may narinig akong ingay.

"Miss na miss na kita baby ko huhu." Pabebeng pagsabi ng pinsan ko sa jowa n'ya.

"I miss you, too." Anang jowa niya.
"I wuv u mwah mwah—"

Tinakpan ko ng unan ko ang aking tainga para di na marinig pa ang kakirehan ng pinsan ko at ng jowa niya.

Bakit kasi hindi nalang siya mag-earphones para hindi ko na naririnig yung kalandian nila?

Sino ba naman hindi mandidiri dun?! Kasuka! Hintayin niya lang ako na maging jowa ko si James Reid, hmp!

Hindi na talaga ako makatulog sa ingay kaya 'di ko na napiligan ang sarili 'kong bulyawan siya.

"Hoy Allysa! Madaling araw na hindi pa rin kayo nayayari mag-usap niyang jowa mo! Matulog naman na kayo! Nakakastress kayooo! Hindi ako makatulog sa kalandian niyo oh!" Galit na galit usto manaket?

"Ah eh baby bukas nalang ha hehe I love you ingat k—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya sa jowa niya dahil ako na mismo ang pumatay ng tawag. "Bakit mo pinatay! Ang epal mo naman hannah!" Inis na sabi niya.

"Paulit-ulit mo nalang sinasabi sakaniya 'yon, baka naumay na rin siya kaya pinatay ko na." Ani ko sabay hikab. "Para naman kasing 'di mabubuhay nang hindi nakakausap jowa niya."

Hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi niya para matahimik na ang bunganga niya at makatulog na kami nang mahimbing.

Patirik pa lang yata ang araw ay ginigising na 'ko ni mama para samahan siya mamalengke. Wala naman akong nagawa kaya sumama nalang rin ako.

Habang abala si mama sa paghahanap ng mga karne ay eto naman ako nakabuntot lang sakaniya.

Si mama naman kasi ayaw na ayaw yatang mahiwalay ako sakaniya. Mahal na mahal ako neto kasi nag-iisa lang ako e.

Nang payari na si mama bumili ng mga pinamili niya ay nagkakita naman sila ng kaniyang kumare.

"Mare ang laki na ng anak mo ah! Ang ganda pang dalaga! Siguro may boyfriend na yan, no?" Paninitsit niya.

"Nako mare walang boyfriend yan. Atsaka maganda talaga, mana sa ina!" Aniya saka ngumisi.

Nginitian ko nalang sila kahit nagpiflip hair na talaga 'ko niyan sa isipan ko. Ganda ka na niyan, teh? Wala daw akong boyfriend, e boyfriend ko nga si James Reid! Grr!

Nang makauwi kami ay bilis-bilis akong tumungo sa kwarto ko at nang akmang kukuhanin ko na ang cellphone ko ay nagsalita kaagad si mama.

"Magsecellphone ka na agad, kaaga-aga pa. Tigilan mo 'yan." Ani mama.

Grabe naman?! Manghuhula talaga 'to si mama, eh hindi ko pa nga nasasalat cellphone ko! Hay!

Tinignan ko nalang ang pagmumukha ni Allysa habang natutulog. Grabe napakapanget niya talaga! Parang kapatid ko na 'to kaso nga lang ay nawawalan na siya ng time para sa'kin dahil sa jowa n'ya.

Ano kayang feeling nang may jowa? Nakakakilig kaya? Nakakaumay? Nakakadiri? Masarap kaya sa pakiramdam? Ah basta! Ayoko muna ng jowa jowa nayan, kasuya!

Habang kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko ay hindi ko namalayang nagising na pala si Allysa.

"Good morning, panget!" Masiglang sabi niya.

"Morning landi." Masungit na sabi ko.

"Grabe na sa kabitter-an ha? Ba't ba kasi hindi mo nalang patulan 'yung kapitbahay n'yo! Gwapo naman ah!" Aniya.

"Sino na naman ba?!"Ani ko.
"Si Mark! Diba type ka non?" Aniya.

Si Mark.

Ang aking childhood friend.

HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon