Kabanata IV

11 4 0
                                    


"Akingggggggg sintaaaaaa!!! Ikaw na ang tahanan at mundoooo!!!!" Pagkanta ko ng sobrang lakas habang nagwawalis ako ng buong bahay.

Masipag kasi talaga ako, kaya sana tularan niyo ako, 'wag lang sa pagiging sipsip hehe.

Sobrang saya kasi walang pasok ngayon, yohoo!

"Ang sakit mo sa tainga, nakakarindi ng sobra. Sa true lang." Rinig kong sabi ng isang babae na pamilyar ang boses.

"Ay pwet! Ba't ka nandine, bruha ka!" Gulat na sabi ko dahil hindi ko inaasahang si Bella pala ang nagsabi noon.

Kaya naman pala pamilyar!

"Wala namiss lang kita. Ayaw mo?" Pamamlastik n'ya.

"Sus! Mangongopya ka lang kamo sa mga isasagot ko mamaya sa math!" Ani ko.

"Duh! Hindi ko kailangan ng sagot mo, ah!" Pagtanggi niya.

"Weh? Edi wag." Ani ko.

"Joke! Pero syempre miss ko na rin kasi luto ni tita. Hehe." Pamamlastik niya kay mama.

"Aba't ulam lang talaga ang namiss ng batang 'to, ah?" Pabirong sabi ni mama.

"Siyempre tita mommy pati ikaw!" Pamamlastik ulit ni bella.

Pabebe 'yan e kaya nakiki-mommy pa si baliw.

"Talaga ba, bella? Ako hindi kita namiss." Seryosong sabi ni mama.

"Hala siya. Weh? Galit ka po ba tita mommy?" Nag-aaalalang tanong ni Bella.

"Charot! Duh!" Tugon ni mama at tumawa.

Aba't parang teenager lang ah? Mama talaga, feeling!

Alas nueve na mahigit kami nagsimula kumain, alas otso dumating si bella tas 'di pa pala kumakain ang bruha. Napakakapal! Naligo na kaya re? Malamang hindi, matapang hiya nun e! Sanay na 'ko.

Pagkakain namin ay nag-prisinta nang mag-urong si Bella, dahil nakakahiya naman sakaniya diba? Siya nanga lam nakikain, aba.

Tumungo na agad ako sa kwarto at nag-scroll nalang sa twitter. Ang daming chika, ah?

"Hoy!" Sigaw ni bella.
"Ano?" Ani ko habang nakatutok pa rin sa cellphone.
"Gawin na natin assignment!" Ani bella.
"Maya na!" Sabi ko.

"Oh sige. Kuhanin ko na notebook mo sa bag para nakahanda na?" Tanong niya.

"Bahala ka sa life mo. Kung ano trip mo." Ani ko.

Sinilip niya nga ang bag 'ko at nakita ko pang biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. Ngayon lang ba siya nakakita ng makalat na bag?

Dahan-dahan siyang lumingon sakin na animo'y nagtataka.

"May tinatago ka ba?!" Madiing sabi niya.

"Ano?" Ani ko na kala mo'y hindi ko narinig ang sinabi niya.

"May tinatag—"

"Pangalan mo." Pamimilosopo ko.

"Seryoso ako." Aniya at hindi manlang nga natatawa.

"Ay wow? Sana all!" Pang-iinis ko pa ulit.

"Ano 'to?" Aniya.

HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon