Kabanata V

10 4 0
                                    


"Ma! Kala 'ko ba nasa canada na si mark tas yung pamilya niya?" Pagtatanong ko.

"Oh bakit? Bawal na ba sila umuwi dito?" Sagot ni mama.

Ang tino, diba?

Hindi ko na lang kinausap pa si mama dahil naiistress lang ako sakaniya. Kakauwi lang namin galing simbahan tas iniinis kaagad ako! Hmp! Linggo kasi ngayon.

Ang natutunan ko kanina sa simbahan ay matuto raw tayong magpatawad dahil ang Diyos nga nagpapatawad diba? Tayo pa kaya.

At sabi huwag na huwag daw tayo agad susuko sapagkat marami pang magagandang plano ang Diyos para sa'ting lahat. Kaya sige po, aasa pa 'ko kay James Reid! Hihihi.

Tumungo nalang ako agad sa kwarto at nag-bihis pagkayari ay nag-cellphone nalang ako. Ano pa nga ba ang gagawin ko?

Naghanap na lang ako ng movie na mapapanood sa netflix.

Nang nasa kalagitnaan na 'ko ng movie ay tinawag naman ako bigla ni mama dahil kakain na raw.

Agad rin akong tumungo sa hapag kainan dahil baka mapagalitan pa ako.
Adobong manok ang ulam, ang best recipe ni mama. Araw-araw na lang yata eto ulam namin e. Pero oks lang, aarte pa ba? "Buti nga may nakakain ka, e!" 'Yan ang tiyak sasabihin ni mama kapag nagreklamo pa ako.

Nakahanda na ang plato at kanin ko ang sweet talaga ni mama. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpasalamat sakaniya. Sweet ko rin, no?

Nagdasal muna kami bago simulan ang pag-kain. Pagkayari namin magdasal ay nagsalita si mama.

"Nak gusto mo bang sumama sa—"

"Ayoko po." Sagot ko kaagad kahit hindi pa naman yari si mama magsalita.

"Excited much lang? Bibili kita ng bagong cellphone kapag sumama ka!" Aniya.

"Ayoko pong hindi sumama, san ba 'yan ma? Arat na!" Masiglang sabi ko.

Kapag kasi bagong cellphone ang usapan ay kaagad nagliliwanag ang aking mga mata.

"Kailangan talaga may kapalit pa? Kurutin 'ko kaya singit mo riyan!" Aniya at tumawa.

"Wala nang atrasan 'yan ma, ha?" Ani ko at binilisan ang pag-kain para mayari na 'ko.

"Ganadong-ganado ka nak, ah!" Sigaw ni mama. "Gandahan mo 'yung isusuot mo!" Dagdag niya.

Bakit naman kaya? Wala naman akong matinong damit! Anong trip kaya nito si mama at biglaan na lang kung mag-aya!

Nagtingin ako sa cabinet ko nang pwedeng maisuot na matino. Kung ano-ano pa ang sinubukan ko, pero nauwi na lang sa crop top off shoulder na floral ang design at high waisted skirt.

Pagharap ko sa salamin ay nadismaya lang ako.

"Psh! Ano bang hitsura 'yan, bhie?! Ampanget! Pero yaan na nga! Grr!" Pagrereklamo ko.

Ano ba naman kasi 'yan! Kailan ba titino ang mukha ko? Saka kailan ba babagay yung mga sinusuot ko sa'kin?! Hmp!

Paglabas ko ay namangha pa yata si mama at ngumiti.

"Ganda naman ng anak ko! Manang-mana sa'kin!" Aniya.

Plastik na rin si mama?

"Nako, ma! Tama na ang pakikipagbiruan!" Ani ko at tumawa lang siya.

Wala na akong dinalang bag dahil andiyan naman si mama kung sakaling  mangailangan ako ng pera. Mama's girl yata 'to mga dzai! Hahaha!

Bago kami umalis ay nilock muna ni mama ang mga pinto sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon