Chapter 2

22 5 0
                                    


Abortion

Si Leila Reese Cuevo Rizon ay anak ng isang business tycoon na si Dave Rizon. Si Leila ay 18 years old at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Siya ay sopistikada kung manamit at masasabing may hindi kagandahang ugali.

Makalipas ang isang linggo mula ng mag-usap si Leo at Leila. May naisip na plano si Leila.

"God, I hope you forgive me for this" pagdadasal nito

"Miss, ikaw na ang susunod. Pwede ka ng pumasok sa loob" sabi ng babaeng nakasuot ng puti

"Sure, but wait, I'll just call someone"

Leo calling....

"Please Leo answer your phone" bulong ni Leila

"...."

"Nakapag-isip isip na ako Leo, I will abort this child" walang prenong saad ni Leila

"N-no!" Tila nabibiglang sagot ni Leo. Nagulat naman si Leila sa sagot ng lalaki

"Leila, don't you ever think of doing that! The child is nowhere at fault!  Walang muwang ang batang iyan!"

"But this is for the best" naiiyak na saad ni Leila. Nasasaktan din siya sa isiping ipapalaglag niya ang walang kamuwang-muwang na bata. Ngunit ito lang ang naiisip niyang paraan para makatakas sa kahihiyang naghihintay sa hinaharap.

"I-I will take responsibility for that child, go away from there and text me your location. I'll get you" pinal na sagot ni Leo at pinatay ang tawag.
Nagulat naman si Leila sa biglaang pasya ni Leo. Alam niyang nasaktan niya si Leo dahil sa kanyang nagawang kasalanan. Pero ito siya at sinasabing papanagutan daw ang batang hindi naman kanya.

"Miss pasok ka na sa loob" sabi ulit ng babaeng naka-puti

"H-hindi na ako tutuloy, pasensya na po"  saad ni Leila at dali-daling umalis

To: Leo

Gomez Clinic, Reyes St.

Message sent...

After 10 minutes

Pumarada ang pamilyar na sasakyan sa harap ni Leila at bumaba doon ang kasintahang hindi nakita sa loob ng isang linggo.

"L-leo..."

"Sumakay ka na Leila. We'll go to your father" sabi ni Leo habang hindi nakatingin sa kanya.

"S-sige" saka sumakay si Leila sa loob bg sasakyan. Masaya si Leila dahil nakita niya ulit si Leo. Hindi maipagkaka-ilang na miss niya ito kahit sa madaling panahon na pagkakahiwalay niya dito.

Napansin ni Leila ang nangingitim na ilalim ng mata ni Leo halata rin sa itsura ng binata na hindi ito nakatulog.

"Leo, are you okay?"nag-aalalang tanong ni Leila

"I'm not okay Leila" matapat nitong sagot at saka siya direktang tinignan sa mata. Kita ni Leila ang sakit sa mata ni Leo kaya napa-iwas na lang siya ng tingin.

"Wear your seatbelt Leila" saad nito at humarap na sa kalsada

Dumiretso si Leo sa bahay nina Leila.  Dahil doon ay nagsimula na siyang matakot sa posibleng mangyari. Pa'no kung malaman ng daddy niya ang pagbubuntis niya? pa'no kung  itakwil siya nito. Alam niyang hindi niya kakayanin ang maghirap dahil nasanay siya sa marangyang buhay.

Nilingon siya ni Leo

" sabihin natin sa daddy mo ang tungkol sa pinagbubuntis mo"

"A-ayoko, Leo hindi ko alam kung sino ang ama nito. Isa akong disgrasyada, ano na lang ang sasabihin ng daddy ko? Ikakahiya niya ako"  at nagsimula ng mangilid ang luha ni Leila dahil marahil sa kaba kaya siya nagkaka ganito. Kung kanina ay may lakas pa siya ng loob para sabihin sa ama, ngayong nasa harap na sila ng kanilang bahay para siyang napipilan. Malakas din and kabog ng kanyang puso.

All for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon