Chapter 5

8 6 0
                                    

Call Off

Dati ay sa teleserye ko lang napapanood ang mga ganitong kaganapan. Iyong tipong may hahadlang sa kasalang nagaganap. Ni hindi umabot sa isip ko na gagawin ko rin pala ito.

Ang pigilin ang kasal ng babaeng pinakamamahal ko.

Ramdam ko ang mga tingin na ibinibigay ng mga taong nasa loob ng simbahan sa akin habang papalapit ako sa altar kung nasaan sila. Hinawakan ko ang kamay ni Leila para hilahin siya patayo sa kinauupuan niya. But she was still in trance--dahil siguro sa pagdating ko para makagalaw.

"Why are you here, Rigor?" Matigas na tanong ni Leo sa akin. Ni wala sa hinagap ko na mag-papang abot kami ni Leo ng ganito.

Napabitaw naman sa akin si Leila.

"Ako ang ama ng batang dinadala ni Leila"

Rinig ko ang singhapan ng mga tao sa loob ng simbahan marahil siguro sa gulat. Nag umpisa ng magbulungan ang mga tao sa paligid.

"Huwag kang mang-gulo dito Rigor. Ako ang ama ng bata" asik ni Leo, tila hindi na ito nagulat sa narinig.

Napatayo naman ang ama ni Leila sa narinig.

"What did you just say?!" Galit na saad ng ama ni Leila

" Ako ho ang ama ng dinadala ni Leila, kaya nararapat lamang po na ako ang ikasal sa kanya" Magalang kong sagot.

"No! Ayoko! Hindi!" Napalingon kaming lahat kay Leila na biglang nagsalita.

"Hindi siya ang ama ng anak ko! Si Leo! Si Leo ang ama"

Napatingin naman ako kay Leo. He wears a smug look on his face. Parang inaasar niya ako at ipinapamukha sa akin na siya ang gusto ni Leila.

"Ako Leila, Ako ang ama ng dinadala mo"

Nakatayo lang kami sa harap ng altar at nagkatinginan.

"Let's Call Off this Wedding" ma-awtoridad na sambit ng papa ni Leila at nagsimula ng maglakad paalis, pati na rin ang mga magulang ni Leo.

Nagsimula na ring magsitayuan ang mga bisita at umalis. Lahat ay may mapanghusgang tingin na ginagawad sa amin. Mga hindi ang alam ang kwento pero mabilis manghusga.

"No Dad!! Ituloy na'tin ang kasal! Si Leo ang gusto kong pakasalan. Mahal ko siya!" Naiiyak na saad ni Leila. Hindi siya pinansin ng ama. Unti-unti siyang napadausdos paupo sa sahig dahil sa kawalan ng pag-asa.

Lalapitan ko sana siya at papatahanin kasi alam kong hindi makaka buti para sa bata- sa anak namin kung patuloy siyang iiyak at mai-stress.

Pero bigla siyang tumayo at dinuro ako.

"Kasalanan mo itong lahat! Masaya na ako! Tanggap ko na ang nangyari sa akin! Hindi kita kailangan sa buhay ko!" Umiiyak niyang saad.

Masakit para sa akin ang marinig ito mula sa kanya. I can see pure resentment in her eyes.

But, naiintindihan ko siya. Mali ako. Nagkamali ako sa parteng may nangyari sa amin kahit nasa tamang pag-iisip ako at sa parte na iniwan ko siya dahil sa kaduwagan.

"L-leila" nagsimulang magtubig ang sulok ng aking mata. Hindi ako iyaking tao pero pag dating kay Leila ay para akong nagiging iba. Iniba ako ng pagmamahal ko kay Leila.

"Sino ka ba ha?! Hindi kita kilala!"

"Tama na 'yan Leila. Umuwi na tayo. Kailangan pa nating kausapin ang Daddy mo" mahinahong pag-aalo ni Leo sa kanya.

Inalalayan niya ito sa paglalakad paalis. Humhikbi pa rin siya dahil sa walang tigil na pag-iyak.

Ako dapat iyon. Ako dapat ang gumagawa ng mga bagay na iyon.

All for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon