Chapter 3

6 5 1
                                    

Flashback

"Sino ang tumututol sa kasal na ito"  saad ng pari. Ngayon ang araw ng kasal ni Leila at Leo. Napaka bilis ng araw. Parang noong isang araw lang sinabi ng ama ni Leila na ikakasal sila. Ngayon heto na nga at nangyayari na. Lubos ang kasiyahang nadarama ni Leila. Bukod sa maililigtas siya sa tiyak na kahihiyan ay mai-kakasal siya sa lalaking pinaka mamahal niya.

Dumaan ang isang minuto at magsasalita na sana ang pari ngunit pinutol ito ng sigaw ng isang lalaki

"ITIGIL ANG KASAL!!"

Tila nag slow-mo ang lahat. Nilingon ni Leila kung saan nanggaling ang boses. At doon nakita niya ang isang matipunong lalaki. Matangkad ito at hindi maipagkakaila ang ganda ng  hubok ng katawan nito pati na rin ang mukha nito. Para itong foreigner. Nilingon din ito ng mga bisitang nasa simbahan.

Nilakad-takbo nito ang altar  kung nasaan sila Leila at habang naglalakad ito ay hindi maiwasan ng mga tao ang hindi sundan ng tingin ang lalaki. Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Leila at tinangkang hilahin ngunit pinigilan ito ng isang kamay- ang kamay ni Leo. Tila ngayon lang ito nahimasmasan sa mga mabibilis na pangyayari.

"Why are you here, Rigor?" matigas na ingles na tanong nito

Tila rin natauhan si Leila at tinanggal ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay nito.

"Ako ang ama ng batang dinadala ni Leila"

Nagulat naman ang lahat sa rebelasyong naganap.  Nag umpisa ng magbulungan ang nga tao sa paligid.

" Huwag kang mang-gulo dito Rigor. Ako ang  ama ng bata" sagot naman ni Leo. Tama nga ang kanyang hinala. Iisang tao lang naman ang kilala niyang gumagamit kaparehong pabango.

Parang binundol ang kanyang puso sa nalaman pero mahal niya si Leila, kailangan matuloy ang kasal. Tanggap niya ang bata. Hindi siya papayag na masira ang relasyon nila ni Leila dahil lang sa isang kaibigan.

Oo, kaibigan ni si Rigor.

Napatayo naman ang ama ni Leila sa narinig.

"What did you just say?!" Galit na saad ng ama ni Leila

" Ako ho ang ama ng dinadala ni Leila, kaya nararapat lamang po na ako ang ikasal sa kanya" magalang nitong sagot sa ama ni Leila na parang isa itong simpleng bagay lamang

Rigor

FLASHBACK

Hulyo 9, 1989

Nagkayayaan nanaman ang barkada ng inuman. Tamang-tama, isasama ni Leo yung girlfriend niya, si Leila, Makikita  ko  ulit.

Si Leila ang pinaka-mamahal  kong babae. Alam kong mali kasi girlfriend siya ni Leo, isa sa kaibigan ko, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

Si Leila yung klase ng babae na matagal ko ng pinapangarap. Kahit sinasabi nilang magaspang ang ugali nito,hindi ako naniniwala.

Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa ang nararamdaman kong ito, ni hindi nga kami nagsasama  sa isang lugar na kaming dalawa lang o  hindi rin kami halos nag-kaka -usap kasi nahihiya ako sa kanya pati na rin baka kung ano ang isipin ng mga kabarkada ko.

Mamaya, sa inuman ng barkada namin lalakasan ko na ang loob ko. Susubukan ko nang makipag usap sa kanya. Siguro naman hindi maghihinala ang mga  kaibigan ko.

"Rigor, sasama ka ba sa inuman mamaya?" Ani ni Sam isa kong kabarkada

"Oo pre, may ambagan ba?"

"Wala pre, sagot ni Leo lahat mukhang masaya ang loko" natatawang saad nito

"Sige pre, saan tayo magkikita-kita?" Pagtatanong ko ulit

"Sa may harap na lang daw ng parke, mga alas kwatro ng hapon. Bawal ma-late ha!" Bilin niya

Kala mo  naman hindi ito nale-late tuwing nagkakayayan ang barkada. 

"Woow! Nagsabi ang maaga"  kantyaw sakanya ni Javier pa naming barkada

"Oo nga! Sabi otw na, iyon pala ay nasa higaan pa at naka higa! Walanghiya!" Dagdag pa ni mark at nag simula  na silang mag asaran doon. Napa-iling iling na lang ako sa mga katarantaduhan nila.

"Sige pre, una na muna ako baka kasi hinahanap na ako ni nanay" paalam ko at nag fist bump kaming lahat.

Linggo ngayon at kanina nagkayayaan kami ng basketball, bale 6 kami sa barkada ako, Leo, Mark, Liam, Javier at Sam.

Si  Leo nauna nang umuwi kanina kasi tinawagan ng girlfriend niya  kaya sa iba ko na lang tinanong yung ibang detalye kasi wala rin ako nung nag-pa-plano sila.

Nai-inggit ako kasi, buti pa si Leo nakaka-usap niya si Leila. Ay  tanga, girlfriend niya nga pala. Tinuktokan ko ang sarili ko habang naglalakad.

"Rigor! Bakit mo tinutuktokan ang sarili mo  ha?! Nababaliw ka na ba?" Ani ng nanay ko.

Nagulat naman ako. Nandito na pala ako sa bahay  namin, hindi  ko namalayan sa lalim ng iniisip ko.

"Eh nanay may iniisip  lang ako, nakakagulat ka naman! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot"

"Ako pa!, hala sige pumasok ka sa loob ng bahay! Gawin mo lahat ng gawaing bahay! Alam mo naman ang tatay mo! Wala ng ibang ginawa kundi ang uminnom! Wala ng  naitulong sa atin!......."

Habang nagsasalita si nanay doon unti-unti na akong pumuslit papasok ng bahay. Eh pano ba naman, kung ganon na ang lumalabas sa bibig niya hindi  na iyan titigil!  Parang armalite ang bunganga niyan eh.

Mamaya, pupuslit rin ako papunta sa parke, hindi kasi alam ni nanay na umiinom ako.

Mamaya ko na lang  iisipin kung anong palusot ang sasabihin pagkarating galing sa inuman.

Kahit naman may barkada ako eh hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Sa katunayan nga ay isa ako sa mga deans lister! At pangarap ko ang maging business man, sabi kasi ng  nanay ko  ay maganda ang kinabukasan ko sa pag-bi-business! Hindi ko alam kung totoo yun o inu-uto uto lang ako ni nanay para mag-aral mabuti pero ginawa ko na rin, mahirap lang kasi kami, gusto ko matulungan si nanay para maka angat angat kami sa buhay.   Iisa lang  ako na anak ni nanay at tatay.  Hindi na naka-ulit si tatay kasi palaging badtrip si nanay sa kanya. Puro inom  at bisyo lang naman kasi  ang inaatupag.

Hindi  ko nga alam kung bakit  pinakasalan ni nanay si tatay kung ganoon siya. Minsan narinig ko kay  nanay nung binubungangaan niya si  tatay

"Ganyan naman kayong mga lalake! Sa panliligaw lang magaling! Kapag  nanliligaw kayo saka niyo ilalabas lahat ng kabutihang asal niyo pero habang tumatagal ay lumalabas na ang totoong kulay niyo!"

Lalake ako pero sisiguraduhin kong hindi ako ganoon.

Pero kahit ganoon nga ang nangyari, hindi pa rin iniwan ni nanay si tatay, mahal niya raw kasi eh.

"Oy pre! Ikaw nahuli! Muntik ka ng malate! Iiwan ka na sana namin"  pang aalaska ni Mark kay Sam na muntik nang mahuli.

Tignan mo ito, siya ang nagsabi na bawal ma-late ito siya at muntik-muntikan ng ma-late

"Ulol! May limang minuto pa bago mag-alas kuwatro" sagot naman nito

"Maalam ka pala sa pagbabasa ng oras? Kala ko puro katarantaduhan lang alam mo" asar ko naman

"Pakyu"  at nagsimula kaming magtawanan.

napalingon naman ako  sa gilid ko ng marinig ko ang hagikhik ni Leila. Sa kamalas-malasan kasi pagkarating ko kanina. Ito lang yung parte na may bakante kung saan katabi ko si Leo na nakahawak sa bewang ni Leila.

Naiingit ako. Oo. Kaya mamaya ay makikipag-kilala na ako sa kanya. Ibig kong sabihin makikipag-kaibigan. Wala naman sigurong masama doon diba?

<>

End of chapter 3

Please use the hashtag

#AfL3flashback

See you next chapter! Mwah :*

-사랑해요.

All for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon