Chapter 8

5 1 2
                                    

Hiwalayan

Mahigit tatlong oras nang tulog si Leila. At mahigit tatlong oras na rin kami dito sa labas ng kwarto, oo kami, dahil kasama ko si Leo na nakaupo dito sa waiting area. Muntik na rin kaming paalisin ng daddy ni Leila dahil sa nagawa naming gulo kanina.

Sa loob ng tatlong oras na iyon ay maraming bagay ang bumabagabag sa isipan ko. Una ay kung bakit gusto nang makipaghiwalay ni Leo kay Leila. Dahil ba gusto niya magparaya para sa bata?. Isa pang bumabagabag sa isipan ko ay ang usapan namin ni Leo kanina.

Halos magkaibigan na kami ni Leo ng matagal na panahon. Napatawa na lang ako sarili ko. Isang babae lang pala ang makakasira sa pinagsamahan namin. Napailing na lang ako.

"Totoo ba? Makikipag-hiwalay ka na kay Leila?" tanong ko kay Leo nang hindi tumitingin sa kanya, nakatitig lang ako pader sa harapan ko.

"Kung totoo man iyon ay, gagamitin ko ang pagkakataong iyon para mas mapalapit kay Leila" dugtong ko pa dito.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya tumingin ako sa gilid ko para makita ang reaksyon nito. Nakita kong nakatingin ito sa akin na may mapang-husgang tingin.

Unti-unting umangat ang sulok ng labi nito. Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin habang tumatawa. Tumigil ito sa harap ko at nagsalita. "Akala ko ay hindi mo sasabihin 'yan. As I expected sa isang mang-aagaw kagaya mo."

Napa-tiim bagang ako dahil sa narinig. Tumlim ang mga tingin ko sa kanya.

"Hindi ako mang-aagaw" nagtitimpi kong sagot dito.

"Hindi nga ba?" mapanutyang sagot nito.

Nilampasan ako nito at naglakad na paalis. Pero bago pa man ito maka-alis sa pasilyong kinalalagyan namin ay may pahabol pa itong sinabi.

"Pumunta lang ako dito dahil nag-alala ako sa nangyari sa kanya at sa kalagayan na rin ng bata sa sinapupunan niya, gayong alam ko na ako ang dahilan kung bakit siya isinugod dito. At oo, totoong makikipaghiwalay na ako sa kanya. Huwag kang mag-alala. Huwag mo ring isipin na ginagawa ko ito para sa iyo. Ginagawa ko ito dahil ito ang utos ng mama ko"

Naguguluhan man sa narinig ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa kaloob-looban ko dahil sa kanyang sinabi. Makikipag hiwalay na siya kay Leila, ibig sabihin ay mawawalan na ako ng karibal.

Napalingon ako sa kinaroroonan ng kwarto ni Leila nung marinig kong bumukas ang pinto nito. Napatayo ako.

"Nasaan si Leo? Hinahanap siya ng anak ko" malamig na turan ng kanyang ama.

Parang may bumundol sa dibdib ko dahil sa narinig. Ang sakit. Ako yung kasama niya nung isinugod siya dito sa hospital.

Bago ako sumagot ay lumunok muna ako para hindi ako mautal dahil sa sakit nararamdaman ko sa puso ko.

"kaka alis niya lang po, Sir"

Akmang aalis na ito para pumasok sa loob ulit ay nagsalita ako.

"P-pwede po ba akong pumasok?" tanong ko dito. Maliit man ang tsansang magkatotoo ang hinihiling ko ay tinatagan ko pa rin ang loob ko. Gusto kong ibigay ang pinagawa kong kwintas para sa kanilang dalawa ng anak namin.

Tumigil ito at pumihit pakanan. " I'll give you 10 minutes "

Sumikdo ang puso ko. Nasisiyahan ako. Pakiramdam ko ay unti-unti ng nagkakatotoo ang mga pangarap ko para sa amin ni Leila at ng anak ko.

Hindi ko na sinayang pa ang oras. Maikli lang ang sampung minuto para maka-usap at makita ko si Leila. Pinihit ko ang seradula ng pinto.

"Leo.." hindi naituloy ni Leila ang kanyang sasabihin nang makita niyang ako ang pumasok sa loob ng pinto. Totoo ngang si Leo ang hinahanap niya.

Nawala ang mapang-asang tingin sa mga mata nito bagkus ay napalitan ito ng galit.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nakikipaghiwalay na sa akin si Leo! Ikaw at itong batang ito!" sumbat nito sabay turo sa tiyan niya.

"kinasusuklaman ko kayo!" dugtong nito sabay suntok sa kanyang tiyan.

Naalerto naman ako sa kanyang ginawa. Mabilisan kong tinakbo ang espasyong nakapagitan sa amin para yakapin siya sa likod para mapigilan siya.

Nagpupumiglas siya at patuloy pa rin sa pagsuntok sa kanyang tiyan" Itigil mo 'yan Leila, baka mapano ang anak natin" nagsusumamong bulong ko dito.

Unti-unti ring humina ang pagpupumiglas nito na parang nawalan siya ng lakas gumalaw. Naramdaman kong may pumatak sa braso ko. Mainit na likido. Umiiyak si Leila. Umiiyak ang mahal ko.

End of Chapter 8

See you next chapter!!!

;*

medj short pala. kala ko naka dalawang libong salita na ako HAHAHAHA. BTW, bawi ako next time hehez. mianheeee!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon