Chapter 9

3.8K 186 24
                                    


A week has passed and I feel like I’m going crazy as the days continue to pass by.

Wala pa rin akong balita kung ano na ang nangyayari sa labas. Hirap din akong magplano kung paano tatakas dahil hindi ko mahanapan ng butas ang mansion ni Vor. Wala akong makitang paraan para makaalis.

Minsan ay gabi na umuuwi si Vor o kaya naman ay nandito siya sa umaga at sa gabi nawawala. Gusto ko sanang magtanong kung anong pinagkakaabalahan o trabaho niya pero baka isipin niya pang interesado ako sa kaniya. Well, it’s half-true. Interesado akong malaman ang mga kahinaan niya na pwede kong gamitin laban sa kaniya.

They kept me in their fancy room. I forced them to move me on the maid quarters but they would only reason out that it’s already full and there’s no space for me anymore. Napagod na ako kakapilit kaya naman sumuko na lang din ako. I just sleep on the floor of that room every night. I would also turn off the AC so I can feel the heat.

Gusto kong mapagod. Gusto kong makaramdam ng hirap kasi alam kong ’yon ang nararamdaman ng kapatid ko ngayon.

Malamang ay iniisip no’n na patay na ako dahil hindi na ako nakauwi.

Natatakot pa rin ako sa kaligtasan niya. Minsan ay naiisip ko nang magmakaawa kay Vor para bigyan ako ng impormasyon tungkol sa kapatid ko. Alam kong magagawa niya ’yon... Pero lagi akong inuunahan ng takot at kahihiyan.

Sobrang kapal naman ata ng mukha ko para hilingin ’yon.

Isa pa, nakakasiguro ba akong walang ginawang masama ang mga tauhan niya sa kapatid ko dahil sa pagkakahuli ko? Wala dapat akong pagkatiwalaan ni isa sa kanila.

Even if the people in this mansion are still treating me like I’m one of their bosses. Kung paano nila pagsilbihan si Vor ay ganoon din ang ginagawa nila sa’kin.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong pinaplano ni Vor. He is too mysterious, I could say that he’s one of those people who don’t open up to people that easily. We never even had a proper conversation. Palagi lang kaming pabalang na sumagot sa isa’t-isa.

I know... this pride is going to be the death of me. Ako pa talaga ang may ganang umakto ng ganito gayong ako naman ang gumawa ng kasalanan. But what can I do? Should I kneel in front of him? Beg for my forgiveness? Beg for my freedom? I already thought of doing that many times. But judging by his personality, I doubt that he will pity me. Wala iyong pakialam kahit pa lumuha ako ng dugo habang nakaluhod sa harap niya.

He’s hard as a rock.

I’d rather not do the pleading.

The past few days, I really tried to look for a possible passage that I can use to escape, but I just can't find anything. The walls that surround this mansion are massive. I’m sure that my climbing skills wouldn’t suffice. Hindi ko ’yon kakayanin. Isa pa ay agad akong mahahalata kung susubukan ko man. Maraming nakabantay sa paligid at alam kong mainit ako sa mata nila. Aware din ako sa mga alarm at CCTVs na nakapalibot sa lugar na ’to.

Kahit na nangangati na akong umalis ay hindi ako puwedeng magpadalos-dalos. Kailangan ko nang siguraduhin na makakatakas talaga ako oras na magtangka ulit ako.

Ngayon ngang kasalukuyan kong tinatanggal ang mga dahon na nalaglag sa pool gamit ang isang panungkit na may net sa dulo ay ramdam ko pa rin ang pagmamatyag sakin ng mga tauhan ni Vor.

Dito ko na lang napiling maglagi dahil wala na akong magawa sa loob ng mansion. Kapag mapapansin ng mga kasambahay na magtatangka akong maglinis ay agad nila akong uunahan.

I don’t know what’s wrong with them. Kayang-kaya ko namang gumawa ng gawaing bahay katulad nila.

“Elora! Ano na namang ginagawa mo?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng mayordoma. Papalapit na siya sakin habang nakakunot ang noo.

Purloin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon