Chapter 6

8 1 0
                                    

N/A: So ito na nga kung si syeli ay naging misteryosong girlalu. Syempre dapat meron ding misteryosong boylalo. Mema ako eh hahahaha. Pero sana magustuhan niyo parin. Enjoy Reading.

-----

Third person POV

Simula nang makilala ko siya di ko na maituon pa sa iba ang atensyon ko. Lagi ko na siyang pinagmamasdan sa malayo .Nahihiya akong lumapit o mag pakilala man sa kanya. Oo na torpe na kung torpe. Minsan nag ooverthinking na ako mag isip at dahil dyan nawawalan ako nang pag asang magustuhan din niya.

Sabi ng kaibigan ko baka daw maunahan ako ng iba kung patuloy ko lang siyang titignan at pagmamasdan sa malayo. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para mapunta sakin ang atensyon niya.

Sa ilang months kong pag mamanman sa kanya, alam ko kung saan siya tumutungo.

Pauwi na siya galing trabaho at ito ako ngayon sinusundan muli siya. Napukaw yung atensyon ko sa lalaking kasunod niya . Nang makita ko kung anu ang gagawin niya binangga ko agad si syeli para di magawa ng lalaki ang kanyang hangarin. Nais niyang nakawan ang taong mahal ko at di ako makakapayag na gawin niya yon.

Sa paraang iyon ay napukaw ko rin kahit papaano ang atensyon niya at natutuwa ako dahil narinig ko ang boses niya sa malapitan.

Pumasok ako ng 7/11 para bumili ng tubig at nang makakain. Nakita ko si syeli na papasok din ng 7/11 kaya napag pasyahan kong maupo muna sandali. Napakasimple niyang babae, walang kaarte arte sa sarili at napakasipag pa. Lalo akong nahuhulog sa mga katangian na meron siya.

Pumila siya sa counter nang humarap siya kung saan ako nakaupo kaya muli kong inilagay ang jacket kong may hood at tumungo para di niya ako pamansin. Ng may tumawag sakin nakaroon ng Emergency sa bahay kaya dali dali akong tumayo at umalis.

Nang di ko aakalain na muli ko siyang mababangga ngunit sa pag kakataon namang ito ay hindi na sadya.

Pasensya na mahal ko, di na ako nakahingi ng sorry dahil sa nag mamadali na ako. Babawi ako, pangako. Tumakbo ako at sumakay sa motor ko at pinaharurot ng matulin papuntang bahay.

Pagpasok ko ng bahay, napakatahimik.Walang mga tao. Asan kaya ang mga tao? Kinuha ko ang selpon ko at tinawagan ko si ate.

"where are you?" pag aalala kong tanong

"Asan ka na?" pagtatanong nya naman

"I'm Home, where are you and what happened?" taranta kong tanong kay ate

I heard someone laughing next to her

"sorry bro please forgive me..." sabi ni ate

"wait, what? forgive you?" pagtataka kong tanong sa kanya

"Im so sorry, iloveyou bro. We play truth or dare and then ayan ang dare nila sakin.. pauwiin ka sa bahay" pagpapaliwanag ni ate

"JUST A....." *toot toot*

WHAT THEEEE pasigaw kong sabi. Nakakainis akala ko may nangyari na dito sa bahay. Kaya ganon na lang ang pag mamadali ko tapos DARE? Shit!

Wala akong nagawa kundi mag stay na lang dito. Di ba nila alam nakastorbo sila sa lakad ko? Pinakalma ko na lang muna yung sarili ko.


--------

Hawak ko ngayon ang mga maliit na merchandise na binili ko noong nag bakasyon ako,balak kong ibigay ito sa taong gusto ko kaso paano? Ni hindi nga ako makalapit o makausap siya. Hayss! Sinuot ko ang sumbrero at mask na dala ko.

Nakita kong pumasok si syeli at may kasama siyang babae na kasing edad niya lang din ata. Bumili sila ng ice cream at naupo. Tsk umuulan na ice cream parin

Di ko masyado marinig ang pinagkwekwentuhan nila dahil sa medyo malayo sila sakin. Kaya pinagmasdan ko na lang sila kahit na nakatalikod sakin si syeli. Gabi na at bakit di pa sila umuuwi? Mamaya kung mapano pa sila sa daan hayss.

Hinawakan ko ulet yung maliliit na dala kong merchandise at nag isip kung paano ko ito maibibigay sa kanya.

Napansin ata ako ng kasama niyang babae na nakatingin sa kanila kaya iniwas ko na ang tingin ko baka pagkamalan pa nila akong masamang tao , nakamask at nakasumbrero pa naman ako.

Tumayo si syeli at umalis Kaya di ko na siya nasundan pa ng tingin kasi mukhang nag hihinala na sila sakin.

Maya maya lang bumalik na si syeli at narinig ko silang uuwi na kaya tumayo na ko.

Huminto ako sa harap nila di ko alam sasabihin ko kaya sabi ko na lang ingat sila. Natotorpe akong kausapin siya pinangunahan nanaman ako ng kaba at pero wakas naibigay ko narin sa kanya ang merchandise na binili ko tlaga sa kanya. Halatang gulat na gulat sila sa ginawa ko. Kaya lumabas agad ako kasi pati ako nagulat sa ginawa pero ayos narin yon hehehe.

Pumunta ako sa may pinagparkingan ko ng motor ko at inaantay sila lumabas kailangan ko muna silang makita na umuwi mapapanatag na ko.

Maya maya lang nakita ko na silang lumabas at umalis sandali ang kasama niya kaya tinignan ko siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil nakatingin kami sa isa't isa. Dadating yung araw syeli na makakasama rin kita. Gusto ko sakin ka lang ngingiti ,tatawa at kikiligin.Hanggang sa muli mahal ko.

[Don't forget to Follow me , Vote and Comment💕]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

U Like Me Too Or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon