Chapter 1

21 1 0
                                    

Graduating student ako ng senior high school at nag karoon na kayo ng idea kung anung nangyari sa past lovelife ko bibigyan ko pa kayo ng onting idea para madama niyo ang nararamdaman ko! sobrang hirap ng sitwasyon ko dahil kaklase ko pa siya.. Iisang room,iisang table,iisang tropa ang sinasamahan namin dalawa, pag may groupings pa iisang group din kami nakakatawa diba! imagine niyo yon kung makakakilos pa kayo ng ganong lagay kung ganon sitwasyon niyo.

Simula nung natapos ang lahat samin ganito na ang nangyari samin dalawa.

Wala nang kibuan alangan naman magkibuan kami agad agad diba.

Lumayo na siya ng upuan dahil dati katabi ko siya sa upuan.

Wala narin tinginan inshort nagkakaroon ng ilangan sa pagitan naming dalawa...

At ang masakit pa sa nangyari parang wala lang lahat sa kanya ang lahat ng mga pinagsamahan namin sa loob ng 11 months.

Bakit?


Kasi sa bawat tawa niya nasasaktan ako pinapakita niya sakin na sobrang laya niya na.. Parang ang saya saya niya pa di mo makikita sa kanya na naapektuhan o anuman.

Masakit din na makita na lahat ng pinagbawal mo sa kanya ginagawa niya na ngayon mismo sa harap mo gagawin niya diba ang saket non pati pagmumura niya bumalik na din.

Pumasok ang bagong taon sa bawat pasok sa skul sa bawat pag uwi hinahanap hanap ko mga nagawian namin..

Dumating ang mga araw na hinang hina ako, stress sa kakaisip, hindi matanggap, umiiyak buong araw, hindi kumakain, wala nang ayos ayos tuwing papasok ng school, iniisip siya kung minahal niya ba tlaga ako bakit ganon siya dapat mas lalo pang tatatag ang panliligaw niya kasi sinusubukan ko lang naman siya..babae ako kaya susubukan ko talaga ang manliligaw ko..

Minahal ko talaga siya kahit na hindi ko pa siya boyfriend..dumating sa punto na nagkasakit ako..

Muli akong bumangon at hinarap sa bagong pagsubok.

Nagulat lahat ng kaibigan ko dahil bumalik na ako sa kasiglahan. At nalaman ko rin na gusto niya na ang kaklase kong si sani.. Nasaktan ako dahil ilang araw pa lang nakakalipas hindi pa ko totally move on tas mayroon agad kapalit ang loko? Nakakatawa grabe ..kaya pala bang bilis mag move on ang hayop kasi may kapalit ako agad....

Nasasaktan ako pero di ko pinapakita sa kanya na naaapektuhan parin ako..

Lumipas ang araw unti unti na rin akong nasanay at unti unti naring nakakamove on....naging normal na saming lahat lalo na sakin alam ko sa sarili ko na okay na ko! Nilibang ko lang sarili ko sa ibang bagay at hindi ako nag patalo sa kalungkutan na dinanas ko.


After 1 and half months


May isang lalaki na patingin tingin sakin hindi ko alam kung bakit..kada araw na nag kakasama kami sa isang lugar panay ang tingin niya noong una sabi ko normal lang naman siguro un kasi may mata siya pero nung lumipas ang mga araw.. Hindi na normal yon.. Panay ang tingin? What the!

Dahil sa simpleng pagtingin niyang yon di ko alam kung bakit ganto... Para akong nahulog sa tingin lang...o diba ang landi ko tingin lang yon pero parang may kahulugan kasi ung tingin eh.

Kalagitnaan ng buwan ng march! Napag usapan namin ng mga kaibigan ko about sa lovelife syempre ayon di ako nakatakas.. Napaamin ako kung sino ung natitipuan ko. At di ko inaasahan na kilala pala ng nakakatanda kong kaibigan ang lalaki yon..


Pangalan niya nalaman ko nakapagtapos narin sa pag aaral may maganda nang trabaho rin, mabubuhay na daw ako don! O diba binugaw ba naman ako..eh naging crush ko lang naman yon hindi ko naman aasawahin.. At nalaman ko rin na nasa edad na siya patungong pag aasawa.

U Like Me Too Or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon