First Kiss

49 2 0
                                    

     Tok Tok Tok....

     Malakas na katok sa pinto ang pumukaw sa mahimbing na pagtulog ni Jhena.

     "Sino ba ang impaktong ito', ang aga aga istorbo!"

     Naiinis syang tumayo habang bumubulong para pagbuksan ang pintong nakasimangot din ata sa lakas ng katok sa mukha nito.

     "sino pong kailangan nila? Wala po dito si Aunty Mila...balik nalang kau mamaya kapag dumating sya.."

     Sabay sara ng pinto. Ni hindi nya hinayaang makapagsalita ang panauhin.Palibhasa'y antok na antok pa ang dalaga.

     Si Aunty Mila ang nagrerent ng unit na binabantayan nya as caretaker. Isa etong boarding house exclusively for college students dito sa Baguio City.

     Akmang babalik sa pagkakahiga sa sofa...panibagong katok na mas malakas pa sa naunang mga katok. Parang iritado din kung sino man ang pinanggagalingan ng pagkatok.

     Kahit inis, napilitan syang tumayo at pagbuksan ang tao.Pagbukas nya ng pinto, hindi nya inaasahan ang biglang pagpasok ng panauhin. Dire-diretso etong pumasok patungo sa lamesa at ibinaba ang mga aklat na dala-dalahin nya.

     "Kanina pa ako ngawit na ngawit sa pagdadala ko ng mga yan habang kinakatok ko ang pintuan mo. Nakisuyo sa akin si Judith. Ayan, ibigay ko raw sayo. Mag-usap nalang daw kayo pagdating nya galing Supermarket. Sige Jhena, alis na ako. Mukhang antok na antok ka pa. Tulog ka nalang uli..." sabay talikod ng lalake at isinara rin nya ang pintong kanyang nilabasan. Hindi na nya hinayaang makapagsalita man lang ang dalaga.

     Hindi man lang nya nagawang magpasalamat. Grabe! Paano pa sya makakatulog..sira na ang moment nya.Hindi man lang nagpakilala ang mokong. Kung gaano kabilis pumasok, ganon din kabilis lumabas ang panauhin nya. And take notr..kilala sya. She remember kahit inaantok sya, nasambit ng lalake ang name nya.

     Napabuntong hininga si Jhena. Dahil hindi na rin lang sya makatulog, she decided to take a bath. Ganon sya pag gumigising sa umaga. Habang nasa ilalim ng dutsa ng shower, she comes into realization na nakatulog pala sya ng naka bra at panty lamang. Para syang gininaw. Napayakap sya sa sarili nya sa isiping nakita sya ng panauhin na halos naka nude na pala. Sa sobrang pagod nya mula sa pagpapart-time, ni hindi nya na pala nagawang magsuot ng damit nang hubarin nya ang kanyang uniform kaninang madaling araw.

     Pumasok syang night shift service crew sa Alberta's hotel and restobar sa may Maharlika. Pinayagan naman sya ni Mrs Mila dahil summer vacation naman. Walang naiwang boarders, nagsipag uwi sila sa kanikanilang mga province. Bukod don, hindi naman nya pinababayaan ang mga gawain nya sa unit. Actually kahit hindi sakop ng work nya tulad ng paminsan minsan na paglilinis sa mismong bahay nila Mrs Mila ay pinapaboran nya. Kaya naman malakas din sya sa boss nya.

     Nakatapis lang sya ng towel na lumabas sa bathroom. Kampante naman sya na mag-isa lamang nya sa apartment. Paglabas nya, nabungaran nya ang lalakeng naghatid ng mga aklat kanina na prenteng nakaupo sa sofa kung saan sya nakatulog kanina.

     Sa sobrang pagkapahiya sa sarili napahawak sya ng mahigpit sa towel na nakatapis sa kanya. Hindi nya mawari kung papasok sya pabalik sa bathroom o tatakbo sya sa kwarto. Namumula ang mukha nya sa isiping nakita sya nang binata na naka undies lamang kanina.

     Nakita ng lalake na medyo awkward sya kaya tumayo eto sabay paliwanag.

     "Hindi mo nai lock ang pinto kaya dumiretso na akong pumasok. Wala kasing sumasagot sa tawag ko. May ibibilin lang sana ako..hope you don't mind? Hindi ko na kasi mahintay si Judith na makabalik from market. Ibilin ko sana sayo ang sulat ko. Pwede mo bang iabot sa kanya mamaya pag nagkita kayo?

     Lumapit sya sa dalaga na animo'y namatanda sa pagkakatayo. Kapit na kapit si Jhena sa towel na para bang malalaglag eto kapag binitawan nya.

     "Ah i..iyon lang ba? O...okey sige..." nag stammer pa sya sa pagsagot sa favor na hinihingi ng binata na lalong lumalapit sa kanya.

     "Oo..iyon lang Jhena." Sagot ng lalake habang nakatunghay sa mata nyang naguguluhan sa pagkakalapit nila.

     Hindi nila namalayan na isang dangkal nalang ang space na nakapagitan sa kanila. It's like magic. Mula sa pagbaba ng labi ng binata sa labi ni Jhena.

     It's a real magic. Jhena cannot resist the extraordinary sweetness of his tongue whoever this man was. She felt helpless inside his strong arms. Parang panaginip, when their lips partways..isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ng binata. At doon lamang nakita ng dalaga ang animal appeal na hinahanap nya sa sang guy.

     "Is this your first kiss?",  tanong ng binata

     Sa narinig ni Jhena, napahiya sya. Lalo at nakita nya ang ngisi nitong sobrang tuwa na naka first base.

     "No! Actually your kiss was too boring...." sabay ngisi din ni Jhena.

     Sa narinig ng binata, nainsulto sya at madilim ang mukhang umalis. Ni hindi na nya naiwan ang hawak hawak nyang sulat para kay Judith.

     Pag alis ng lalake, nanginginig ang tuhod na napaupo si Jhena sa sofa. Napaiyak sya sa kadahilanang hindi nya mawari. Hindi naman totoo ang sinabi nya sa binata. KAso ayaw nyang pagtawanan sya nito. Sa panahon kasi ngayon, ang pagiging virgin at naive ay wala na sa trend. Kaya nahiya syang umamin na it was her very first kiss at sa lalakeng ni hindi man lamang nya alam ang pangalan.

     "Iyon lang

TREACHEROUS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon