Chapter 4: The Dream

16 2 0
                                    

     Wala pa sa sarili si Jhena habang iniisip ang proposal ng boss nya. Para syang pinaglalaruan ng kapalaran. Nang makarating sya sa front door ng unit nya, wala pa rin sa sarili na kinapa ang susi sa bag nya. "Aww! saan ko kaya naiwan ang susi ng apartment." sambit nya sa sarili. "Patay, paano ako nyan makakapasok. Kapag nga naman minamalas..!" bulong nito sa sarili. "Ai oo nga pala may duplicate sila sa basement." Kahit pagod napilitan syang bumaba sa basement para humiram ng duplicate key. Sa tingin nya may officer in charge doon kahit  3:45 AM na. 24 hrs naman ang service ng Dizon's building. Pagdating nya sa basement, kinatok nya ang pinto ng office. May sumagot.

     "Pasok!" walang kagana ganang sagot -utos ng nasa kabilang pinto. Napilitan syang pumasok alinsunod sa utos ng boses sa loob ng opisina.May isang lalakeng nakatungo na parang may binabasang sulat.

     "Eherm! Sir, manghihiram sana ako ng susi kasi nawawala ko po ang susi ko.Maaari po ba?" paliwanag ni Jhena sa officer na nakayuko pa rin.

     "Anong unit?" tanong nito na hindi man lang nagtaas ng mata sa panauhin. Patuloy pa rin eto sa ginagawang pagbabasa.

     "Unit 3D po Sir." sagot naman ni Jhena.

     "Sige, pakihintay nalang po ako sa Unit nyo. Susunod nalang ako sa inyo sa taas." pakiusap nya.

     Sa inis ni jhena, walang lingon likod na umalis eto. Ibinalibag nya ang pinto ng opisina. Nainis sya sa mamang officer. Nabastusan sya dito. Ni hindi man lamang sya pinag ukulan ng pansin. Naiinis man wala syang magawa kundi maghintay. Umupo nalang sya sa bench na nasa corridor sa harap ng Unit nila.

     Sa lakas ng pagkakasara ng pinto, parang nayanig ang buong office nya. Dahil doon napaangat ng tingin si Fernando. Busy kasi syang nagbabasa ng sulat ng nanay nya. Iniabot eto ng kapatid nya kaninang bago sya umalis sa kanila sa Pangasinan. Hindi na nya nagawang basahin sa bus sa sobrang antok nya. Kaya inilagay na lamang nya eto sa bulsa at iyon nga ang una nyang ginawa ngayong dumating sya sa opisina.

     Naalarma sya...oo nga pala yong nanghihingi ng duplicate key. Ano na nga ba ang unit na sinabi? Unit 3D nga pala. Medyo kinabahan sya. Kaya napatayo sya at bago lumabas ng pinto hinablot nya ang susi ng 3D na nakasabit sa mga susi ng unit ng building na yon

     Pagdating ni Fernando sa 3rd floor, nakita nya an sexy'ng babae na nakayupyop sa bench sa harap ng Unit. Dito din sya galing kaninang umaga para ihatid ang mga books. Iisa lang ang taong nandito..si Jhena. At sigurado syang ang nakaupong babaeng eto ngayon sa bench ay sya ring babaeng hinalikan nya kanina.

     Binuksan na ng binata ang main door ng Unit. Tinawag nya ang babae para sabihing nakabukas na ang pinto pero hindi eto tumitinag sa pagkakayupyop.

     "Miss! Miss! Bukas na ang pinto pwede ka ng pumasok. Lumapit sya at tinapik ang shoulder ng dalaga. Pero mukhang nakarating na yata eto sa ibang dimension ng mundo. Aalis na sana sya pero hindi nya naman eto matiis na maiwan sa labas lalo't alanganing oras na. Kaya napilitan syang buhatin ang dalaga. Ipinasok nya sa loob ng apartment at ibinaba sa sofa. Pagkababa nya sa dalaga, hinanap nya ang switch ng ilaw. Nagtagumpay naman syang mahanap ang switch. Ini on nya eto. IIwanan na sana nya ang dalaga pero may isang pwersa na nagtutulak sa kanyang wag pang umalis. Tinitigan nya ang mukha ng dalaga. Sobrang pagod siguro nya kaya naman nakatulugan na nito ang paghihintay sa labas. Napakaganda nito. Parang anghel ang mukha. At ang katawan..napalunok sya sa nakahain sa harap nya. Napakinis ng legs nito. Nilapitan nya eto at inayos ang pagkakahiga nito sa sofa. Sobrang ikli ng suot na skirt. "Gaano kaya kaganda ang kagandahang natatakpan ng kakarampot na telang eto?" tanong nya sa sarili. Sa isiping yon napatayo sya at kinuha nya ang blanket na nakita nyang nakatupi sa gilid ng sofa.Kinumutan nya eto. Tinitigan nya ang mukha ni Jhena......

     Samantalang si Jhena, nasa kalagitnaan na ng isang panaginip. Hinahalikan sya ng isang matipunong lalake. Ang bango ng hininga. Parang wine na habang sinisimsim mo ay nalalasing ka. Habang dumadami ang naiinom mo, naa addict ka. Habang lumalalim ang halik, parang dinadala ka nya sa ibang dimension ng mundo.Ngayon nya lang naranasan ang mawala sa sarili dahil sa isang halik. Nang bigla nalamang etong naputol..at tinalikuran sya ng lalakeng kanyang iniibig....dahil doon nagising sya at umupo. Napahawak sya sa labi..medyo basa basa pa yon. Parang totoo lang ang halik. Grabe, sana hindi na naputol ang panaginip. Ang sarap kasi sa pakiramdam.

     Nagtataka si Jhena dahil ang pagkakaalam nya ay nakaupo sya sa labas ng unit sa may bench habang hinihntay ang officer in charge para sa duplicate key. "Haizzz.....mababaliw lang ako sa kakaisip. Makatulog na nga uli baka sakaling may continuation ang panaginip ko. Ayon mabuti pa nga." sabi ni Jhena sa sarili. Kaya humiga na sya at natulog muli.

     .......samantalang si Fernando....nakabalik na sya sa office sa basement at kasalukuyng nakaupo. Pero nakokonsensya pa rin. Hindi nya maalis sa isip ang nagawa nya.

     Pagkatapos nyang kumutan ang dalagang mahimbing na natutulog, hindi nya napigilan ang sarili na halikan ang malambot na labi nito. Sa una'y dampi lang. Inulit nya ang paghalik at nagulat sya dahil gumanti ng halik ang dalaga sa kabila ng mahimbing nitong pagkakatulog. Natangay sya sa ginawa ng dalaga. Lumalim ang halik nya dito kaya naman hindi nya namalayang bumaba ang kamay nya sa dibdib nito. Napaso sya at napatayo sa nagawa. Baka kung saan pa humantong ang ginawa nya. Kaya labag man sa kalooban nyang tantanan ang dalaga, iniwan na nya eto at hinayaan nyang makatulog na lamang. "Pero bakit ba sya makokonsensya?" tanong nya sa sarili nya. Pagkatapos syang ipahiya ng dalaga kahapon ng umaga. Naisip nya, "ilang lalake na ba ang nakahalik sa kanya? Ilang lalake na kaya ang nakapag kama sa kanya? Shit!!!" sabay napa slammed sya ng fist nya sa lamesa.'Naiinis sya kasi sa kabila ng kaalaman nyang marami ng lalakeng nagpasasa sa katawan ng babae, he still cannot think of other things than kissing her over and over. Foolish of him. Gusto nyang ikulong ang dalaga sa kanyang mga braso. "Nagseselos ako sa isiping may ibang nagmamay ari sa kanya. Hindi maaari ito!" pag aamin ni Fernando sa sarili nya. Wala man lamang kaalam alam ang dalagang mahimbing na natutulog sa oras na eto sa kanyang Unit.

      

TREACHEROUS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon