Secret Crush

20 2 0
                                    

     Habang nakaupo sya sa opisina sa basement..lumilipad ang isip ni Fernando....

    Simula ng dumating sya sa Dizon's building para magtrabaho, may isang babae syang gustong makilala.

     "Kuya Boy, sino ba yong babaeng yon? tanong ng binata sa guard ng building kung saan sya nagwo work ngayon habang sinusundan nya ng tingin ang dalagang palabas ng building.

     "Si Jhena yon. Caretaker sa unit 3D at 4D na nire rent under kay Mrs Mila Uzon. Bakit kursonada mo?" birong tanong ng guard.

     "Hindi a..naitanong ko lang kuya. Wala sa wildest dream ko na magka gusto sa isang liberated woman. Tingnan mo nga kung makasuot ng damit parang palaging kulang sa tela." pagdedeny ni Fernando sa nararamdaman nya sa dalaga.

     "Two months palang yan dito sa Dizon's building. Sa nakita ko naman in fairness to her, mabait at masipag namn yang batang yan. Nagpa partime yan sa Alberta's kaya ganyan ang uniform nya. At magalang naman kaya lahat kami dito iginagalang din sya." sabi ng guard.

     "Okey na po etong switch nyo Kuya. Balik na ako sa basement. In case magka problema uli kayo..tawagin nyo lang ako doon sa opisina"' pag iiba ng topic ni Fernando bago pa makahalata ang guard na masyado syang interesated sa dalaga.

     "Okey, sige salamat bro..sa uulitin he he! saad ng guard.

     Pabalik na sya sa basement ng makasalubong nya si Judith. ang apo ng may ari ng Dizon's building. Eto ang namamahala sa pagpapayakbo ng buong building regarding sa pagpapa rent ng mga unit. Sya din ang dahilan bakit nakapasok sya dito na katiwala.

     Maganda at simple si Judith.Isang babaeng magiging isang mabuting asawa, yan ang image nya. Pero kung bakit hanggang ngayon ay wala syang alam na naging kasintahan ng kababata. Isa pa etong aspect na nakadagdag sa paghanga nya dito. Para kasing napaka perfectionist ata nito kaya walang pumapasa. Nakakahiyang ligawan.

     "Fernando, pwede bang humingi ng favor?" bungad tanong nito sabay ngiti ng sobrang tamis. Na akala mo'y mapupunit ang labi sa pagka demure...

     "Ikaw pa,ang lakas mo kaya sa akin!" pabirong turan ng binata na pacharming din.

     "Ano ba yon, sige kakayanin ko" sabi pa nito.

     "May mga hinihiram kasing books sa akin si Jhena. Yong dalagang katiwala sa unit 3D. Pwede mo bang pakidala sa unit nila. Pero bukas na kasi wala sya ngayon jan. Aalis kasi ako maaga bukas siguradong late na ako makakabalik hindi ko na naman sya madadatnan. Baka matagalan kasi akong mamimili bukas ng hapon. Dadaan din kasi ako sa Cathedral bukas ng umaga.Sana okey lang sayo?" tonong nang aakit pa sa huli.

     "okey lang namn. No problem po ma'am..at your service po always!" biro pa ng binata.

     "Ha Ha! ikaw talaga!" tawa naman ng dalaga.

     "Oo nga pala, uuwi pala ako bukas sa Pangasinan.Pero idadaan ko sa unit nila ang mga books na pinasuyo mo bago ako aalis." sabi naman ni Fernando ng maalala nya ang naka schedule nyang gagawin kinabukasan.

     "Okey, maraming salamat sayo. Idadaan ko na lamang sa office mo basement ang mga books mamaya."

     "Haizz..ikaw talaga..pwede ko namang daanan ngayon sa unit mo para di ka na mabigatan sa pagdala. Kakahiya naman sayo mapagod ka pa..konsensya ko pa!" pagpapalapad papel ni Fernado sa dalaga.

     "Ganon ba? O sige, halika sunod ka sa akin at nang maibigay ko na rin CA mo", tugon ng dalaga.

     Sabay silang naglakad patungo sa 2nd floor kung saan andon ang unit ng dalaga.

     "Pasok ka muna. Kukuhanin ko lang sa loob ang mga books." saaad ng dalaga. Oero bago sya tumungo sa room nya, kumuha muna sya ng 2 glass of juice para dalhan ang binata na kasalukuyang nakaupo ngayon sa sala.

     "Eto o, juice ka muna." alok ni Judith kay Fernando.

     "Ikaw naman nag abala ka pa, alam mo namang hindi ko tatanggihan ang alok mo", biro pa nito sa dalaga.

     Pasimpleng kinikilig naman ang pwet ng dalaga. Ngiting ngiti eto sa simpleng biro ng lalake. 

     "Iwan muna kita sandali...kuhanin ko lang ang books bago tayo magkalimutan...hi hi hi!" sabay talikod nito at tuluyang tinungo ang kwarto nya kung saan naka ready na ang mga books at ang  sobre ng CA ng binata. Nakiusap syang mag-Cash Advance dahil uuwi sya sa kanila para bigyan ng allowance ang stepfather nyang may sakit at ang nag iisa nyang kapatid. Baka kasi di na sya makauwi nitong sunod na mga araw dahil sunod sunod ang activity sa building. Siguradong maraming darating na mga tourist na magta transient dahil sa holy week. Bago tuluyang lumabas ng kwarto, dumaan pa eto sa salamin upang sipatin ang sarili. Sinigurado muna nyang maayos ang mukha nya bago tuluyang lumabas.

     "Napakarami naman nyang books na yan!" sambit ni Fernando ng makita nya si Judith na daladala ang mga librong halos hindi magkandaugaga palabas sa room.

      "Eto na ang mga books. Pakibigay kay Jhena ha.Kailangan nya kasi yan. Plan nyang mag aral nitong sunod na pasukan sa SLU. Kaya gsuto nya fully equipped sya kasi gusto nyang mag SA. Malaking bagay kasi yon sa kanya. Eto nga at naawa ako sa kanya. todo part time sya para makaipon pang aral." kwento ni Judith.

     "Bakit, wala ba syang magulang na tumutulong sa kanya? tanong ni Fernando.

     "Ang alam ko base sa kwento nya sa akin, may ama namn sya pero inabandona sila noong maliit pa sya. At ang ina namn nya, wala naman ding work kaya walang tumutulong sa kanya para makapag aral. Sariling kayod lang sya taz need nya pang tustusan ang mother nyang may sakit.Kaya I'm trying my best din na tulungan sya.Kahit man lamang sa alam ko." malungkot na saad ng dalaga.

     "Ang bait mo talaga kaya idol kita e!" biro ng binata dito.

     "Ikaw talaga puro ka nalang biro. Eto nga pala ang CA mo baka kakabiro mo madagdagan ko pa." sabay abot sa white envelope sa binata.

     "Salamat ha. Sige hindi na ako magtatagal kasi baka nakaka istorbo na ako ng labis sayo." sabay silang tumayo at tumungo sa pinto. Kinarga na ni Fernando ang mga books at tuluyan ng nagpaalam.

     Bago isara ang pinto, sinundan pa ng tingin ni Judith ang binata. Sabay asam sa sarili, "kailan mo ako liligawan Fernando?" Walang kaalam alam ang binata sa lihim na pagtingin ng dalaga sa kanya. Samantalang ang binata, abala naman ang isip kay Jhena.

    

TREACHEROUS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon