Chapter 3 : The Proposal

24 2 0
                                    

     Pagbaba nya sa pasilyo ng lobby, nakasalubong ni Jhena ang kaibigang si Judith. "Girl, salamat sa mga books. Malaking bagay sa akin yon." Magse self study kasi sya ngayong summer vacation para sa pag reready nya sa darating na pasukan. Maipasa man lamang ang scholarship ng SLU para makapag aral.

     "Oo nga pala may iiwan sanang sulat si...a.. para sayo.nakalimutan naman nyang iwan sa akin." saad ni Jhena.

     "A si Fernando..ai baka nakalimutan na nya kasi nagmamadali syang umuwi. Okey lang yon. Babalik din naman yon dito. Kausapin ko nalang ng personal." saad naman ni Judith.

     "A Fernando pala ang name ng gwapong yon," bulong ni Jhena.

     "May sinasabi ka ba girl?" tanong ni Judith.

     "A e wala naman. Mukhang ngayon ko lang kasi nakita dito yong lalakeng yon. Fernando pala ang pangalan nya girl. Hindi na kasi sya nakipag kilala sa akin nong ibinigay nya mga books. Mukhang nagmamadali nga. Nagwowork din ba sya dito?" tanong naman n Jhena.

     "Oo, nagwo work din sya dito. Kababata ko sya from Pangasinan.Nakiusap sya if pwede syang magwork dito habang bakasyon. Masipag naman yon kaya okey lang. Siya ang namamahala sa mga units na pinapaupahan. Nasa kanya ang mga duplicate keys in case mawala mo yong key mo. Kapag may problem ka regarding sa mha tubo o electric wirings..sya rin ang pwede mong lapitan. Sa basement ang office nya. Huwag kang mahihiyang lumapit sa kanya in case you encounter problems here at Dizon's buildng. Ane girl? sabi ni Judith.

     "A okey. Sige! Salamat uli ha. Diretso na ako baka ma late ako sa Alberta's. See you around then" paalam ni Jhena.

     "Okey, Ingats much!" kaway naman ni Judith sa dalaga habang palayo etong naglalakad patungo sa gate.

     Lahat ng madaanan nya sa pasilyo ng building ay napapalingon sa kanya. Bukod kasi sa angkin nyang kagandahan, biniyayaan din sya ng sexy'ng pangangatawan at mahahabang legs. Sabi nga, "if you have it, flaunt it!" Kaya kahit anong suot nya' agaw pansin sya kapag naglalakad.

     Pagdating nya sa Alberta's, sinalubong sya ng kapwa nya crew. Si Georgina, ang baklang kaibigan nya na nagrefer sa kanya sa pagpa part time sa Alberta's.

     "Jhena girl, mabuti at dumating kana. Pinasasabi ni Bossing na kapag dumating ka, magreport ka raw sa office nya. Wala sya sa mood." banta ni georgina sa dalaga.

     Kinabahan naman si Jhena. "Bakit kaya?" tanong naman ni Jhena na nangungunot ang noo.

     "Ang alam ko lang dumating syang mainit ang ulo. I have no idea kung anong dahilan. Go kana kaya girl sa office para malaman natin. Go!" sabay hatak ng bakla sa braso ng dalaga.

     Nagtataka man si Jhena kung ano ang dahilan bakit sya biglang pinatawag, dumiretso na rin sya. Anyways, may tiwala naman sya sa boss nya kasi makatao naman eto sa mga empleyado nya dito sa Alberta's. Napabuntunghininga sya bago kumatok sa pinto ng opisina.

     Tok Tok Tok!

     Tatlong mahihinang katok ang ginawa nya. Bago sya nakarinig ng salita.

     "Please come in." sabi ng boses sa loob.

     "Good evening po. Sir, pinapatawag nyo daw po ako sabi ni Georgina? medyo kinakabahang salita ni Jhena sa nakayukong boss habang nakatingin eto sa binabasang paper.

     "Yes maupo ka." medyo istriktong sabi nito.Ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya ay nagbago. Nakangiti na eto ngayon habang pinagmamasdan nya kung paano eto umupo sa silyang nasa harap ng table nya.

     "May gusto sana akong hinging favor sayo Jhena... sana you won't turn me down." sabay lungkot ng mukha nito na animo'y nakikiusap ng matimtiman sa kanya. Tumayo eto at lumakad palapit sa kanya. Huminto eto sa likod nya. Hinawakan sya sa dalawang balikat nya at minasahe.

     "Wow, ang sarap ng masahe nyo sir...ano po ba ang favor? Grabe..parang nakakawala ng problema ang masahe...napaka comfortable naman...sir, ano ba ang favor...Yes na ang sagot ko sir" sabi pa ni Jhena na nakapikit pa habang ninanamnam ang masahe sa kanya. Parang may isip ang mga kamay ng boss at alam ang kahinaan nya.

     Dahil sa sinabi nya, nagkalakas ng loob ang boss nya na sabihin ang hinihingi nitong favor.

     "Marry me Jhena." sabi ng boss nya.

   "What?" napatayo sya sa sinabi ng boss. "Come again Sir, Are you sure? I mean, kidding aside...Sir, wag nyo naman akong biruin ng ganyan!?" kahit kinakabahan sa narinig na proposal ng boss, pilit pa rin nyang dinadaan sa biro.

     "I am serious" sabi naman ng boss nya. Na nakatingin lang sa reaction nya habang nakatayo at medyo lumayo sa kanya.

     "So you really mean what you have said? Grabe Sir! Sir naman ang tanda nyo na kaya para sa akin?! Ay naku Sir..tell me you don't mean it..kasi I don't mean my answer..." sabay panlalaki ng mata nya sa pagkakasabi nito sa boss nya.

     Natawa si Mr Alberta sa tinuran ng dalaga. Gwapo naman eto. Wala sa edad nya ang itsura. Kahit strict sa mga empleyado, may sense of humor eto kaya parang kuya lang nila eto sa workplace nila. Naiintindihan naman nya kung hindi papayag ang dalaga sa proposal nya pero kailangan by hook or by crook mapapayag nya eto. Kung ano ang dahilan nya, sya lamang ang nakakaalam.

      "Sir 18 yo lang ako and you are 35 yo...para ko na kayong tatay..well parang kuya lang pala dahil you are handsome naman Sir. Pero hindi talaga tayo bagay. Marami namang ibang babae jan. Si Ms Lady, yong palaging dumadalaw sa inyo na lawyer. Bagay kayo non. Gusto nyo iligaw ko kayo sa kanya? Perfect match kayo non kasi maganda sya at sophisticated, kayo naman handsome and yummy...hehe..Sir, sabihin nyo lang. Tutulungan ko kayo sa panliligaw." pangungumbinsi pa ni Jhena sa boss nya.

     "You don't understand.What I am offering you is a marriage for convinience. I need a wife pero sa papel lang. Pero you can use every resources that I have. Whatever I own will be yours." saad pa ni Mr Alberta.

     "What a tempting offer Sir. Pero to tell you the truth...hindi ko alam ang sasabihin sa inyo. I want you to know na my answer is still no." malungkot na pahayag ni Jhena sa proposal ni Mr Alberta. "Do you mind if I ask you a question Sir?

    "Yeah sure...it's my pleasure" nakangiti pa rin eto kahit na turn down ang offer nya.

     "Why? Why me? Well, kahit pa sabihing marriage for convinience or whatever your reason for choosing me or asking me, marami namang pwede jan na willing sa alok nyo, diba Sir?" nagtatakang tanong ni Jhena.

     Sa sinabi ni Jhena,lumutang ang lungkot hindi lamang sa mukha pati na sa mga mata nito. "In time you will know my reasons but for now ang masasabi ko lang sayo.. siguro kasi nararamdaman kong may mabuti kang puso at di ka mapagsamantala." sabay lapit ni Mr Alberta sa mga kamay nya. "I know it's hard for you to understand and besides may sarili kang buhay. And it's so selfish of me na hindi iconsider ang feelings mo. Baka hindi mo kayang igive up ang boyfriend mo. Pero umaasa pa rin ako na you will consider my proposal." sincere na pagsusumamo ni Mr Alberta sa dalaga.

     Napansin ni Jhena na sobrang lungkot ng boss nya habang nagsasalita. Para tuloy natutunaw ang puso nya. Parang gusto nya etong aluhin at yakapin. Hindi bagay sa gwapo nitong mukha ang malungkot. Kaya naman pinaikot nya ang mata at hinila ang isang kamay at pakwelang inilagay sa noo..." Haizz...Sir naman..wala akong boyfriend since birth! Hindi ko nga alam anong mali sa akin at walang magka gusto. Akala siguro nila transgender ako..pero don't worry Sir..alam ko..magbabago din isip mo..he he he!" sabay ngiti ni Jhena.

     "Ikaw talaga puro ka biro" napangiti na rin si Mr Alberta. Lalo tuloy etong naging makisig sa paglabas ng dimples nya.

     "In fairness Sir, sa gwapo nyong yan..maraming magkakandarapa sa offer nyo kahit hindi marriage for convinience..kahit trueness pa..promise!" sabay seryoso ni Jhena.

     "Jhena, I hope you will consider my offer. I'm dead serious. I'll give you one month to think it over. But if you have a change of heart and finally accept my offer, please let me know as soon as possible.You know where to reach me honey." sabay talikod ni Mr Alberta para hindi makita ni Jhena ang namumuong takot sa mata ng boss.

     "Sige po Sir, labas na po ako.Good evening po uli" sabay talikod na rin ng dalaga at tuluyang nilisan ang office ng boss nya.

     

TREACHEROUS HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon