Nang lumingon ako sakanya, laki ng pasasalamat ko ng tulog siya. Akala ko maman minamanyak na ako nito. Di ko rin alam sa sarili ko kung bakit di ko siya tinataboy. Saka bakit ang bilis makatulog nito. Scam?!?!
Inalog alog ko ang balikat niya at hindi parin siya nagising. Baka nga naman tulog na talaga siya. Gustong gusto kong tanggalin yung kamay niya sa hita ko pero kapag hinawakan ko yung kamay niya magkagerms pa ako sa kamay. Di ko na siya ginising at nanood na lang.
Hanggang sa matapos ang palabas ay di parin siya nagigising nakakainis naman to. Baka nananyansing na to ha, masasapak ko talaga to. Nagising siya ng saktong lumabas na sa screen ang credits. Iisipin ko na talaga na nananadya to.
"Tapos na pala. Tara kain na tayo 12:30 na oh." Sabi niya sabay punas sa gilid ng labi.
Habang palabas kami ng sinehan tinanong ko siya.
"Bat ka ba tulog ng tulog?" Tanong ko sakanya.
"Ganun talaga pre-med ako eh, walang magagawa aral aral para makapasa." Sabi niya na parang nahihirapan siya. Pre-med pala siya, lalo na ako 'no accountant, hilo na ko sa math.
"Ahh ganon." Maikling tugon ko. Wala naman akong masasabi eh wala naman akong alam sa medical eme-eme.
Di na kami nagsalita hanggang sa makadating kami sa samgyup restaurant. Ilang segundo siyang nakatitig sa menu na nakalagay sa labas at pumasok na sa loob. Mukhang may reservation na ata to eh.
"Hoy, ikaw balak mo ba akong patabain?" Sabi ko sakanya habang namimili ng flavor ng pork.
"Okay lang yan, babe. Eat all you can. Eat all you want kasama ako." Sabi niya na ikinasama ng mukha ko. Naiilang padin ako sa endearment niya.
"Ang wild mo Mr. Viazon. Rawr." Sabi ko at iginiya ko ang kamay ko na parang tigre na nagsasabi ng 'roar'. Sinabi ba naman niya na pwede ko siyang kainin. Edi sige.
Char.
"Ako pa. Habulin yata to n--" Naputol ang sasabihin niya ng magtanong ang waitress.
"Ma'am, Sir ano pong oorderin iyo? Pork or chicken?" Tanong niya. Halatang kumekembot-kembot pa para magpapansin sa future boyfriend ko.
Chos!
"I'll order pork na lang, bulgogi and dae-pae." I said to the waitress. Seryoso ang mukha niya sakin pero pagdating kay Ken, ayos ah.
Selos ka na ba mind. Haleer, Di mo pa siya naka-crushback. Tsk! Gusto mo isigaw ko ngayon na ih.
Gusto kong tanggalin ang pagkabaliw ng utak ko. Ano bang epekto nito at nagkakaganito ako. Nagorder na siya ng kanya. Ilang minuto ang lumipas ng dumating na yung order namin and nabuksan na nila yung kalan and whatsoever, dumating na rin yung mga side dishes at yung cheese na masarap sa gilid ng stove. Nagsimula na ako maggrill ng kakainin ko. Hindi ko siya ipagluluto no. Ano siya sinusuwerte. Kala niya. Di na nga kita crush, mahal na kita eh.
Charot!
"Alam kong hindi mo ako ipagluluto babe kaya magluluto na ako ng kakainin ko." Sabi niya. "At kung hindi mo alam, hate na hate ko ang maingay kumain kaya manahimik ka dyan kung ayaw mo masapak." Sabi niya, naghahamon ng suntok. Di ako sumagot at sumimangot nalang.
"Joke lang babe, eto naman."
"I didn't even say anything." I said habang binabaliktad yung niluluto ko.
NATAPOS na kaming kumain at palabas na ng mall. We did a lot of shopping. Palipatlipat kami ng stores and siya naman sunod lang ng sunod pero kapag may nakita siya na pasok sa taste niya pumupunta siya and binibili niya. Habang naglalakad nga kami tinanong ko siya kung ano bang estado ng buhay niya ngayon. Sakto lang ang pamilya niya, di mayaman at di mahirap, I am also considering myself as 'may kaya' kasi ayoko talaga na tinatawag ako na 'rich kid' kasi hindi naman ako masyado spoiled. I bought some bags and clothes. Ilang piraso lang din siya kaya nadadala ko.
YOU ARE READING
Falsely Accused by Love (ROMCOM SERIES #1)
Teen FictionCristine Zsalyna(*Shalina*) Villamor(Crisha) is a 3rd Year Accounting student in Ateneo and she lives in Manila. Her Mom and Dad parted ways and she has a Older Sister(Corrine Zalayne Villamor) which is an Thomasian Student. Her Dad has a Another...