X
IGINIYA ni Davin ang kamay niya sa balikat nito. Agad namang sumunod ang kamay niya na tila may sarili ring isip.
Ang halik nito ay unti-unting tumutupok sa buo niyang pagkatao. Ang bawat dinaraanan ng kamay nito ay tila sinisilaban ng naglalagablab na apoy.
Lahat ng pagmamahal na pilit niyang isinantabi nitong mga nakalipas na taon ay muling nabuhay dahil sa init ng halik nito.
Sa bawat galaw ng labi nito ay ramdam na ramdam niya ang pagguhit ng init sa pagitan ng hita niya. Napapikit siya at mas ibinuka ang kaniyang bibig upang mas bigyan pa lalo ng daan ang dila nito sa paggalugad sa bunganga niya.
Idinagan nito ang sarili sa kaniya at ramdam na ramdam niya sa kaniyang puson ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito at ng dahil doon ay mas lalo pang uminit ang nararamdaman niya.
Hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Hindi niya na magawang pigilan ito sa ginagawa nito sa katawan niya dahil alam niya sa sarili niya na gusto niya rin ang nangyayari sa kanila.
Hindi niya namalayang nabuksan na pala nito ang pinto ng banyo at habang magkahinang ang mga labi nila ay iginiya siya nito papasok sa banyo at agad ding isinara iyon.
Ang utak niya ay nagmamaktol at pilit na sinasabing itulak niya ito at umalis mula roon ngunit iba ang sinasabi ng katawan at puso niya.
Kundi ay mas lalo njya pang hinigpitan ang pagkakayapos dito at mas lalo pang idinikit ang sarili rito.
Narinig niya ang pag-ungol nito sa ginawa niya. Ilang saglit pa ay pinutol nito ang halikan nila at tinitigan siya. Nagulat siya ng tatanggalin pala nito ang maskara niya.
Hindi pa man lumapat ang kamay nito sa maskara niya ay nahawakan na niya ng mahigpit ang maskara niya. Hindi niya pwedeng tanggalin ang maskara niya. Ayaw niyang makita siya nito at makilala siya sa ganung ayos niya.
"Huwag!" Pigil niya rito habang hawak-hawak niya ng mahigpit ang kaniyang maskara.
Nakunot ang noo nito habang magkasalubong ang mga kilay. Ang mga mata nito ay punong-puno pa rin ng pangangailangan.
Huminga ito pagkaraan ng ilang sandali. "Okay. Kung ayaw mong tanggalin yan okay lang. Hindi naman yan makakaabala." Sagot nito at muli ay hinalikan na naman siya.
Nanunudyo ang halik nito. Hanggang sa naging mapusok at naging mapag-angkin. Isinandal siya nito sa dingding. Lumapat ang likod niya sa tiled wall ng banyo at ilang sandali pa ay nagsimula ng maging malikot ang mga kamay nito.
Gumapang ang kamay nito mula sa kaniyang leeg at nag-iiwan ng maiinit na haplos na mas nagpapainit pa lalo ng pakiramdam niya.
Bumaba ang kamay nito sa kaniyang dibdib pababa sa kaniyang beywang at pababa pa sa kaniyang pang-upo. Hinaplos nito ang kaniyang hita paakyat sa kaniyang pang-upo at tumigil doon na humahaplos. Hindi nagtagal ay minamasahe na nito ang kaniyang pang-upo gamit ang dalawa njyang kamay habang mainit siya nitong hinahalikan.
Nakulong ang kaniyang ungol sa bibig nito. Init na init na ang pakiramdam niya dahil sa ginagawa nito. Pilit siyang kumawala mula sa halik nito at sumagap ng hangin dahil tila mawawalan na siya ng hininga.
Nagpaubaya naman ito at ilang sandali pa ay gumapang paitaas ang mga kamay nito sa kaniyang leeg. Ang labi nito ay gumapang paibaba sa kaniyang leeg, sa kaniyang punong tenga. Napapikit siya at pilit na pinipigil ang ungol na kumawala sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
BACHELOR SERIES #1: DAVIN ALCANTARA|STRIPPER|
RomanceGumalaw ang kanyang balakang, umindayog, kumembot. She dance seductively, as she took off her clothes one by one. They throw money on the stage where she is dancing, why? 'Cause she is a STRIPPER. May lalaki pa kayang magmamahal sa kanya sa kabila n...