Chapter 3

976 20 0
                                    

III






SINAG ng araw ang gumising kay Davin(dey-vin) . Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa labas ng bintana.

Nahilot niya ang kaniyang sentido dahil sa hilo. Nasobrahan na naman nilang nag-inuman kagabi sa bahay ng kaibigan niyang si Baxter.

Napahawak siya sa kaniyang batok at bumaba ng kaniyang kama at tinungo ang banyo. He needs to be freshen up.

Pagkatapos niyang naligo ay nagbihis siya. Kahit naglasing siya kagabi ay hindi iyon pwedeng maging rason upang mag-absent siya sa kaniyang opisina.

Pagbaba niya sa kanilang kusina ay naabutan niyang nagbabasa ng diyaryo ang kaniyang ina na si Marriete.

"Goodmorning 'Mom." Bati niya rito.

"Good morning too you, Davin. Late ka yata ngayon?" His mother asked him with a frown in her head.

"Hang over..." He blankly answered at tumalikod na. Kailangan niyang magmadali dahil may meeting nga pala sila ngayon tungkol sa itatayo nilang bagong branch nila sa Laguna.

"Ahm hijo..." Tawag sa kaniya ng kaniyang ina kayat napatigil siya sa paglalakad at humarap dito.

"What is it 'Mom? I'm in a hurry."

"Baka kase makalimutan mong susunduin mo ngayon si Miya..." Nakangiting paalala nito sa kaniya.

"I wont." He answered at nagmamadali ng tumalikod paalis doon.

Miya again. Si Miya ang itinakdang pakasalan niya. Ipinagkasundo sila ng mga ito ng mag-18 siya at si Miya naman ay 17.

He was too young then yet too broken.

Napatingala siya sa langit as he remembered the girl whom he loved years ago.

Ilang taon na ba? Nine or ten years ago? Ng naghintay siya sa tagpuan nila ngunit walang dumating.

Npangiti siya ng mapait. Sa mura niyang edad noon ay ramdam na ramdam niya ang sakit.

Pilit niyang iwinaksi ang isiping iyon at nagmamadaling sumakay sa kaniyang kotse.

MAAGANG nagising si Astrid ng araw na iyon dahil hindi naman siya gaanong ginabi kagabi kaya maaga siyang nakauwi.

May ngiti sa kaniyang labi ng maihanda na niya ang lamesa. Nagluto siya ng agahan nilang mag-ina.

Napalingon siya sa gawi ng silid ni Debbie ng may marinig siyang mga yabag.

Susuray-suray pa na lumabas ito sa kwarto habang kinukusot-kusot ang mga mata at tyaka humikab.

Pagmulat ng kaniyang mga mata ay nagulat ito dahil nakaluto na siya.

Nginitian niya ito at nilapitan.

"Magandang umaga anak." Nakangiting bati niya rito at hinagkan ang noo nito.

Niyakap naman siya nito at niyakap niya rin pabalik ito.

"Ang aga mong gumising ngayon 'Ma, nakaluto ka na rin ng agahan natin. Sana ganito lagi." Sabi nito.

Nag-da-drama na naman ang anak niya.

Kumalas siya sa yakap nito at hinarap ito. "O sige. Simula ngayon lagi na akong gigising ng maaga para ipagluto ka anak." Nakangiting sambit niya.

Ngumiti naman ito at tila nasiyahan sa sinabi niya.

"Kumain na tayo." Yaya niya rito at iginiya niya na ito paupo sa lamesa. Ipinagsandok niya ito ng pagkain.

Halos hindi mapalis ang ngiti nito habang kumakain.

MAGKATABI silang mag-ina na nakaupo sa upuan nila sa salas na gawa sa kahoy at nanunuod ng telebisyon ng magtanong na naman ang anak niya.

"Ma..." Tawag nito. Napalingon siya rito ngunit hindi ito nakatingin sa kaniya kundi sa telebisyon.

Nakita niyang nagpakawala muna ito ng isang buntung-hininga.

"Nasaan ang Papa ko 'Ma?" Tanong nito at lumingon sa kaniya.

Hindi niya inaasahan ang tanong nito.

Hindi niya alam kung anong isasagot niya rito. Ito ang unang beses na nag-usisa ito tungkol sa kaniyang ama.

Nagbawi siya ng tingin at tumitig sa telebisyon.

"Hindi ko rin alam..." Sagot niya na may katotohonan naman. Dahil sa mga taong dumaan ay hindi na niya alam kung nasaan na ito ngayon. Wala na siyang balita rito. Ang huli ay noong nalaman niya lumipad ito papuntang Amerika upang mag-aral, at iyon ay halos isang dekada na ang nakakaraan.

Bumalik ang tingin niya sa anak niya. Nakatitig pa rin ito sa kaniya at naghihintay ng sagot.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito at inipit sa gilid ng tenga nito.

"Hindi ko alam kung nasaan ang Papa mo anak. Bakit mo siya hinahanap anak?" Tanong niya rito.

Tumingin ito sa telebisyon. "Gusto ko siyang makilala 'Ma. Gusto ko siyang makita, mayakap." May himig na lungkot ang boses nito. "Naiinggit ako sa ibang mga bata kase sila may Papa ako wala..."

Nayakap niya bigla ang anak niya. Gusto niya mang punan ang paghahanap nito ng isang ama ngunit alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang punan iyon.

Nasasaktan siya para sa anak niya. Nasasaktan siya sa isiping naiinggit ito sa ibang bata dahil lang wala itong ama na kasalanan naman niya.

Dahil lumayo siya rito. Mali, kasalanan ng pamilya nito dahil pinalayo siya ng mga ito sa kaniya kahit labag sa kalooban niya.

Biglang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata at napapikit.

BACHELOR SERIES #1: DAVIN ALCANTARA|STRIPPER|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon